Chapter 43: Abante
Rhan's POV
"Rhan we have to talk to you."
Pagtawag sa akin ni tito Procopios na seryoso lamang na nakatingin sa akin. Ganun na rin si King Vector at si Lucas.
Tumango naman ako bilang pagtugon. Pumasok na kami sa pribadong silid kung saan sila nag pulong.
Nagtinginan naman sila sa isa't isa na lalo ko lang ikinagulo bago sila nagsimulang umimik.
"Rhan gusto ko lang makasiguro kung... Mahal mo ba talaga ang anak ko?"
Tanong ng mahal na hari sa akin at kaagad akong sumagot.
"Opo. I loved her so much."
Seryosong sagot ko at mariin akong naghihintay ng kanyang sagot.
~Oh my god! Makukuha ko na ba ang kalooban ng papa ni Xyrra? Sawakas! Hindi siya tututol!
"Kaya mo bang gawin ang lahat para lang mailigtas si Xyrra?"
Dagdag na tanong ng mahal na hari na lalo lamang nagpapadagdag sa kabang aking nararamdaman.
"Opo. I'll save her kahit pa buhay ko ang kapalit nito. Ililigtas ko siya."
Madiing pagkasabi ko.
~Bakit ba kasi tinatanong ito ng papa ni Xyrra. Kinakabahan tuloy ako.
"Well... Rhan... Hindi ko alam kung paano ba kayo nagkamabutihan ng loob ni Xyrra. Pero alam kong alam niyo na bawal ang pag-iibigan ninyo."
Parang nawala ang lahat ng enerhiya sa katawan ko ng banggitin yun ng mahal na hari.
~So tutol ang papa ni Xyrra?
"Hindi ako tumututol sa pag-iibigan ninyo. Lalo na't iyan ang susi sa pagkapanalo natin."
Sabi niya na ikinabigla ko.
"Ano po? Pagkapanalo? Sa digmaang ito po ba?"
Gulat kong tanong.
"Oo. Base na rin sa libro ng kasulatan. 'Walang propesiya ang hindi maiitadhana ngunit ito ay magtatapos sa kapangyarihan ng pag-ibig'. Ang pag-iibigan niyo ni Xyrra ang magpapabalik sa kanyang totoong sarili."
Sagot niya na medyo ikinabigla ko.
~Paano? Hindi ko alam."Ang ipinagbabawal na pag-ibig ang sisira sa bunga ng ipinagbabawal na pag-ibig. Ang kasalanan ang pipigil sa kasalanan. Isa itong talata na makikita sa banal na kasulatan na may kaugnayan sa propesiyang tumutukoy kay Xyrra. Ang ipinagbabawal na pag-ibig niyo ni Xyrra ang makakapigil mismo kay Lucia na nasa katawan ni Xyrra."
Paliwanag pa ni tito Procopios.
"Iyan ang sinabi sa akin ni Marco bago niya ipinaalala sa inyo ni Xyrra ang inyo nakalimutang pag-ibig. Sa kanya nanggaling ang ideyang ang inyong pag-iibigan ang susi para mapagtagumpayan ang digmaang ito."
BINABASA MO ANG
Fallen: The Half Blood [COMPLETED]
FantasíaUNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all those who has black wings are bad. Not all demons serve Satan, and not all angels praise God. Remember...