Xiera's POV
Tatlong buwan na ang lumipas simula ang nangyaring digmaan.
Marami na ang nagbago. Naisaayos ang mga nasira ngunit ang mga buhay ay hindi na maibabalik pa.
Malungkot pa rin ang lahat ng nakaligtas kahit na nanalo kami sa digmaan.Dahil doon ay inatasan ako ng langit na isa-isa kong kausapin at pagaanin ang loob ng lahat ng nagkaroon ng emotional at mental breakdown pagkatapos ng digmaan.
Kung tutuusin ay dapat ay isa rin ako sa kanila. Napakalungkot talaga ng panahong iyon. Wala na nga ang mama ko ganun na rin ang kapatid kong si Xavier at si Mommy Eli.
Bumalik nga si mommy Eli pero saglit lamang dahil pinadala lamang talaga siya ng Diyos para tulungan kaming patayin si Satanas.
Si papa naman, ayun... Wala na rin...
Kinuha na siya ng Diyos para sa kabayaran niya sa kanyang mga kasalanan. Ganoon na rin ang kasalanang pagkabuo namin ni Xyrra.
...
Naglalakad ako dito sa pasilyo ng palasyo at hinahanap ang kinaroroonan ni Percival.
Pagkatapos kasi ng digmaan tumigil na muna ang mga naapektuhan nito sa kanilang mga responsibilidad at magpapahinga muna.
Maayos na rin ang bayan at ang palasyo. Nagsibalik na rin ang mga mabubuting demonyo na nakatakas sa digmaan at dito na muna namamalagi ang iba sa mga demigods at mga angel warriors na nagtamo ng pinsala.
"Oi! Percival! Nandito ka lang pala!"
Sabi ko ng makita si Percival na nakatambay sa isa sa mga balkonahe ng palasyo."Kamusta ka na?"
Tanong ko dito at tumingin-tingin pa muna sa malayo."Hindi okay. Nagsisisi ako ate Xiera. Hindi ko man lang naprotektahan ang pinakamamahal kong babae."
Malungkot niyang sabi sa akin."Pero atleast, ikaw ang nagpasaya sa kanya sa buong buhay niya. Kayo rin lang naman ang magkasama simula pagkabata."
Nakangiting sabi ko sa kanya na medyo ikinangiti na niya."Oo. Tama ka. Pati laking pasasalamat ko at sawakas ay natawag niyang mama at papa sina demigod Selena at Lyon. Kahit sa huling sandali ng kaniyang buhay."
Nakangiting sabi niya sa akin."Alam mo Percival. Huwag ka ng malungkot kung hindi ka nakapagtapat ng pag-ibig kay Angel. Angel is a lesson for you. You don't have to hide that feelings of yours. Be brave enough to love someone."
Sabi ko habang itinuro pa ang kanyang dibdib.Ngumiti naman siya sa akin at mukhang okay na ang lalakeng ito.
"Sige maiwan na kita. Pupuntahan ko pa ang iba."
Sabi ko at bigla na lamang lumitaw sa harap ko ang magkapatid na Helaena at Hendrickson na papunta kay Percival.Bumati naman sila sa akin at tuluyan ko na ngang nilisan ang balkonahe.
Habang naglalakad sa pasilyo ng palasyo papunta sa kwarto ni Rhan ay nakita ko sa bintana sa may hardin si Selena at Lyon na nakangiti sa isa't isa habang nagkukwentuhan.
"Salamat kay Angel. Nabago niya ang kanyang mga magulang."
Nakangiti kong sambit habang tinitingnan ang dalawa.Pumasok naman ako sa may kwarto ni Rhan at naabutan ko pang nandito si Lucas at si Reina na sinasamahan si Rhan.
"Hi ate Xiera."
Pagbati sa akin ni Reina at yumakap pa."Pupunta muna kami sa kusina ni Lucas, tutulong na muna kami sa paghahanda ng hapunan."
Dagdag pa ni Reina at umalis na nga sila ni Lucas sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Fallen: The Half Blood [COMPLETED]
FantasyUNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all those who has black wings are bad. Not all demons serve Satan, and not all angels praise God. Remember...