Chapter 49 - Kapalit

393 15 7
                                    

Chapter 49: Kapalit

Xiera's POV

Kaagad akong sumugod kay Sitri ng mabawi ko na ang lakas ko. Ngunit nahuli ako, nakalapit na siya kay Clarence.

Nang mahawakan ni Sitri ang ulo ni Clarence ay nawalan ito ng malay. Kaagad namang lumapit dito si Lucilofer at binitbit ang katawan ni Clarence.

"Ang pakay lang talaga namin ay si Clarence. If you will excuse us, kailangan pa naming buhayin ang panginoon."

Seryosong sabi ni Lucilofer at naglahong parang bula sa aming paningin.

Kaagad naman kaming nagtungo ni papa sa bangkay ni mommy Eli at hindi ko mapigilang umiyak dahil alam kong wala ng pag-asang mabuhay pa si mommy.

"Patawad Eli... Pangako ko, ibabalik ko si Xavier. Ibabalik ko ang anak natin."

Sabi ni papa at itinapat ang kaniyang kamay sa katawan ni mommy at naglaho ito kasabay ng mga gintong paruparong lumipad patungo sa langit.

"We will never forget you mommy Eli. Thank you for being a good mom to me and Xyrra."

Malungkot kong pagpapaalam habang pinupunas ang luhang tumulo sa aking pisngi.

Tumayo na kami ni papa mula sa pagkakaupo sa harap ng bangkay ni mommy Eli.

"I'm so sorry Vector."

Malungkot na sabi ni Mariana mula sa kanyang kinatatayuan.

Naglaho na ang kapangyarihan ni Sitri kaya nabawi na naming lahat ang aming lakas at bumangon na ang iba mula sa panghihina.

Malungkot silang tumingin kay papa at nakidalamhati sa pagkawala ni mommy Eli.

"Itigil niyo na nga iyang mga malulungkot niyong mukha."

Seryosong sabi ni papa.

"Hindi na maibabalik pa sa buhay si Elizabeth kaya kailangan nating manalo sa labanang ito."

Dagdag ni papa.

~Ang tapang ni papa. Kahit ng mawala rin si mama hindi man lang siya nagpakita ng kahinaan at kalungkutan sa kanyang mukha. Pero alam kong sa loob-loob niya, ito ay ang kabaliktaran.

"Ano naman kayang gagawin nila kay Clarence? Bakit pa nila kailangang lumusob paralang sa batang iyon? Gan'on ba siya kahalaga sa kanila?"

Biglang tanong ni Mariana ngunit kapwa kaming lahat ay walang ideya sa mga pinaggagawa ng mga demonyong yun.

"Kakayanin ba talaga natin sila? Kung totally defeat na tayo sa apat na iyon, paano pa kaya kung silang lahat?"

Tanong ni Rhesus at halata ang pag-iisip sa lahat.

"Ang ipinagtataka ko lang po bakit tayo natatalo ngayon? eh natalo at napatay niyo na nga po sila noong una."

Nagtatakang tanong ni Helaena sa mga demigod.

"Alam ko na!"

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon