Chapter 25: Sorry
Xyrra's POV
Inilabas ko ang aking pakpak na parang sa mga uwak at inilipad si Rhan pataas.
"Woah! "
sabi ni Rhan ng umangat na kami sa lupa.Hindi ako nababahala na may makakita sa aming mga tao dahil may ginamit akong spell.
At tanging ang mga may kapangyarihan lang ang makakakita sa amin.
Hindi ko maiwasan ang mahiya dahil kanina pa ako tinititigan ni Rhan habang lumilipad kami.
"Ano ba Rhan? Baka bago pa man tayo makalapag sa lupa tunaw na ako sa tindi ng titig mo."
naiinis na kinikilig kong sabi sa kanya."Ang ganda mo kasi para sa isang demonyo. Para kang anghel sa iyong pakpak."
namula ang aking mukha sa kanyang mga sinabi at natawa naman siya dito."Can you be my guardian angel, love?"
nakangiti niyang tanong sa akin."Oo naman. I'll be there for you even when you have problems or not. Ako ang dadamay sayo sa hirap at ginhawa."
nakangiti kong sabi sa kanya."Alagaan mo akong mabuti ha."
Nabuo ang ngiti sa aming mga labi dahil sa palitan namin ng matatamis na salita.
At napalitan din ito ng biglang lumabas si Procopios sa harapan namin.
"Isang ipinagbabawal na pag-ibig? Mana ka talaga sa iyong ina." seryosong sabi nito sa akin at lumapag na nga kami sa lupa upang magkaharap.
"Talagang ayaw niyo kaming bigyan ng kalayaan. Bakit kasi hindi niyo na lang kami pabayaan? Wala naman kaming ginagawang mali sa inyo."
sabi ko."Oo wala nga kayong ginagawang mali. Pero kayong dalawa ng kapatid mo ay isa ng kamalian. Your existence in this world is a danger to everyone. Even to your love ones and also to yourselves."
Madiin niyang pagkasabi."I know nothing's gonna change. Kahit pa makipag- peace talk kami sa inyo."
Pagpapaliwanag ko."Alam mo naman pala. So let's end this once and for all."
sabi niya at itinutok ang kanyang espada sa amin.At bago ko pa man mailabas ang aking espada at makapagpalit ng anyo...
" XYRRA!! "
...Clarence's POV
"Tsk!"
hindi ko alam pero iba talaga ang pakiramdam ko sa mga nangyayari.Ramdam ko rin ang pangamba ni ate Xiera.
"Sawakas. Tapos na rin!"
sabi ni ate Xiera ng matapos niya ng patayin lahat ng warriors na kumalaban sa kanya."Kayo naman."
pagtutok ni ate Xiera ng kanyang sandata kayna Angel at Percival."Okay."
sabi ni Percival kay Xiera sabay sugod nito na agad namang nailag ni ate Xiera at sinugod naman niya si Angel.
BINABASA MO ANG
Fallen: The Half Blood [COMPLETED]
FantasíaUNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all those who has black wings are bad. Not all demons serve Satan, and not all angels praise God. Remember...