Chapter 6 - Kapahamakan

2.1K 40 1
                                    

Chapter 6: Kapahamakan

Xyrra's POV

"Xy pupunta ka ba sa Class party bukas?"

Biglang tanong sa akin ni Rhan.

~Magpapaalam pa rin ako kay ate Xiera Kahit alam kong hindi niya ako papayagan, ano mang sabihin ko.

"Oo nga! Masaya yun!"

Pagdagdag ni Reina.

Tumingin naman sa akin si Allesa na para bang hindi rin alam ang sasabihin sa ngayon kayna Rhan.

"Ahhmm.. Hindi ako sure kung makakapunta ako."

Sagot ko at nakita ko sa mukha ng magkapatid ang pagkadismaya.

"Ah ganun ba."

Medyo malungkot na pagkasabi ni Rhan.

"Eh si Allesa?"

Tanong ni Reina sabay tingin kay Allesa.

"Kapag nakapunta si Xyrra makakapunta din ako."

Pilit na ngiti ni Allesa kay Reina at Rhan.

"Sige uuwi na kami ni Reina."

Pagpapaalam ni Rhan sa amin ni Allesa.

"Ah! Kuya mauna na ikaw. May meeting pa kami sa club. Pupunta na ako."

Sabi ni Reina at hinintay lang ang senyas ng kuya niya at tumungo na.

" Uuwi na ako. Umuwi na rin kayo. Delikado pa naman ngayon, maraming rapist."

Pabiro nitong pagkasabi sa amin.

"Oo na. Uuwi na kami."

Sabi ko na may ngiti sa aking labi.

"Bye Rhan!"

Pag wave ni Allesa kay Rhan.

"Bye Allesa, bye rin Xyrra ingat kayo."

Pagpapaalam niya sa amin at nagtungo na kami sa parking lot upang sumakay sa aking motorsiklo.

"Mag papaalam ka pa ba talaga kay ate Xiera? You know she'll never let us go to that party."

Seryosong pagkasabi sa akin ni Allesa.

"Tetestingin ko lang naman Allesa. Malay mo pumayag si ate. Alam ko namang gusto mo ring pumunta sa party na iyon."

Nakangisi kong sabi sa kanya.

"Oo naman. At saka si Rhan at Reina. Alam kong gusto rin nilang makasama tayo."

Malungkot na sabi sa akin ni Allesa.

"Baka naman si Rhan lang ang gusto mong makasama?"

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon