Chapter 32 - Pagbabalat-kayo

917 19 3
                                    

Chapter 32: Pagbabalat-kayo

Xiera's POV


Isang linggo na simula ng nagparamdam si Procopios sa palasyo at hindi namin inaasahan na kagabi lumusob na sila sa south side ng bayan.

Agad namang tumungo sa palasyo ang mga nakaligtas.

"Mahal na hari! Inatake na po ng mga anghel ang south side ng bayan!" sigaw ng isang kawal.

"Pinatay po nila ang mga anak at asawa namin." mangiyak-ngiyak na sabi ng isang lalake.

"Nahuli po kami sa pagdating. Nasakop na po nila ang south side." pagluhod ng isa sa mga nangungunang sundalo.

Napahampas na lang si dad sa lamesa ng magpulong kaming lahat ng may matataas na katungkulan. Ikinagulat namin ang pag-alingawngaw ng pagkahampas nito sa mesa.

"Bakit kasi hindi natin kaagad na alarma ang mga mamayan na lumulusob na ang mga hinyupak na anghel at mga demigod na yun!"

inis na sabi ni papa.

"Wala na tayong magagawa sa south side, nandoon na sila at kahit anong oras ay lulusubin na rin nila ang ibang pang bahagi ng bayan." pagpapahinahon ni mommy Eli kay dad.

"Magpadala kaagad ng mga kawal sa East,North at West side." pag-utos ni papa sa isang kawal.

"Masusunod po mahal na hari!" pag-ayon ng kawal saka mabilis na umalis sa silid.

"Kailangan ring bantayan ng maayos ang palasyo at ang mga daan patungo sa south side. Hindi pwedeng makausad pa sila mahal na hari." suhestyon ng isa sa mga heneral.

"Sige ipag-utos niyo na lamang." seryosong sabi ni dad.

"Bagong henerasyon." pagtawag ni dad sa aming lahat na narito rin sa silid.

"Tulungan niyo lahat ng nakaligtas sa South Side , ibigay niyo lahat ng pangangailangan nila. Sumama ka na sa kanila mahal na reyna. Maliban sayo Xiera. Dito ka lang." sabi ni papa sabay tingin sa akin.

Tumungo na lang ako bilang pagsang-ayon.

Nagtungo na sina mommy Eli at Clarence sa pinaninirahan pansamantala ng mga nakaligtas.

"Kamusta na ang pag-aaral muli sa aklat ng propesiya?" tanong ni dad sa amin.

" Isang ipinagbabawal na pag-ibig ang magbubunga ng isang halimaw na magiging dahilan ng digmaan at delubyo sa pagitan ng langit, lupa, at empyerno. Kasabay nito ang muling paghahasik ng lagim ni Satanas at muling pagkabuhay ng mga anak nito." pagbasa ni Marco sa aklat ng propesiya.

"Mga anak nito? Dad? " nagtaka ako sa huli nitong binanggit kaya napatingin ako kay dad.

"Tama nga ang hinala mo Xiera. Mabubuhay na magmuli ang mga kapatid ko sa oras na mawalan sa kontrol si Xyrra at kapag nabuo na silang lahat, si Xyrra ang papalit sa pwesto ko upang magising si Satanas." sabi ni dad sa akin.

"Mahal na hari pag-isipan mo ulit ang suhestyon ko na... Patayin na lamang si Xyrra gaya ng gustong mangyari ng mga demigod at mga anghel."
Nagulat ako sa sinabi ng isa sa mga matatandang tagapagpayo.

"Sabihin mo ulit sa akin yan. At ikaw ang papatayin ko." sabi ni dad sa kanya kaya napatahimik na lang ito.

"Marco? Alam mo na ba kung paano na maiiwasan ang nakatadhana? " mahinahong tanong ni dad kay Marco.

"Nakasaad dito na 'Walang propesiya ang hindi maiitadhana ngunit ito ay magtatapos sa kapangyarihan ng pag-ibig' magulo ang parteng ito mahal na hari. Dahil ang isinasaad nito ay ang lahat ng propesiya, ngunit may nakita ako na kasunod na talata ng kay Xyrra." naguguluhang sabi ni Marco.

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon