Chapter 34 - True Blood

892 18 2
                                    

Chapter 34: True Blood

Clarence's POV

"Rhan? "
Sabi ko at kita ko sa tingin nila Rhan at Reina na mukhang nagulat sila d'on.

"Kuya. Kilala ka niya."
Sabi ni Reina sa kuya niya.

"Kilala rin naman natin siya. Kaya okay lang yun."
Seryosong sabi ni Rhan kaya napatango na lang si Reina.

"Rence, diba wala silang natatandaan? Pinalimot natin sa kanila ang tungkol sa atin."
Pabulong na sabi sa akin ni Zach.

"Pero bakit sila nandito? Anong kaugnayan nila? "
Tanong ko kay Zach ngunit kapwa kaming walang ideya.

Mabuti nga at hindi naman isinama si Xyrra.

" Ahh siguro naguguluhan kayo. Ipapakilala ko sa inyo ang aking mga anak, si Reyhan, Rhan at Reina pala."
Pagpapakilala ni demigod Rhesus na ikinagulat namin ni Zach.

"What!? "
Napa-what na lang ako sa gulat. Anak pala ng isang demigod si Rhan? Pero paano?

"By the way Clarence Villarde, I know the past, but they didn't know."
Sabi ni demigod Rhesus na ikinatingin nina Rhan at Reina.

Ibig-sabihin, ngayon lang nalaman nina Rhan at Reina na may dugo pala sila ng isang demigod kung kailan wala na sa kanilang alaala kaming mga bagong henerasyon.

"Anyway... Siguro ngayon niyo lang narealize na it was a trap.Hahahaha. Lahat ng nangyayari sa inyo ngayon ay planadong-planado. Kahit ang pagka-iwan ni Xyrra sa palasyo. "
Nakangisi nitong sabi na ikinagulat ko.

"Hindi kayo makakalapit sa kanya. Hindi siya mapapahamak sa palasyo. Walang kalaban at walang makakapasok na kalaban doon."
Sabi ko sa kanya na ikinatawa lang niya.

"Are you sure Clarence?"
Nakangising sabi ni Rhesus.

"Sugod. "
Biglang sabi nito at napalaban na nga kami.

Agad sinugod ni Reina at ng mga anghel sina Zach at mga kawal.

Kaagad namang sumugod sa akin si Rhan at nagulat ako sa hindi ko inaasahang kapangyarihan.

Ibang-iba na si Rhan sa Rhan na nakilala namin, talagang ramdam na ramdam na ang nananalaytay na dugo ng pagkademigod nito.

"Rhan! It's me Clarence! "
Sabi ko habang iniiwasan ko ang mga sugod niya.

"Yeah. I know you. Kalaban ka namin! "
Sabi nito at muling sumugod na ikinatalsik ko.

Mataas na klase ng demigod, mas malakas siya kay Percival.

Hindi talaga niya kami naaalala, siguradong si Marco lamang ang makakatanggal ng pagkalimot ni Rhan.

"Clarence, ano ng lagay ng iba? Sina Allesa?"
Tanong sa akin ni Zach ng makalapit siya sa akin.

"Pakiramdaman mo Zach. Mahirap ang kalabanin si Rhan. Malakas siya. "
Sabi ko sa kanya at nagkahiwalay na naman kami ng umatake muli ang magkapatid.

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon