Chapter 19 - Love

1K 18 3
                                    

Chapter 19: Love

Xyrra's POV

Ilang linggo na ang lumipas at patuloy pa rin ang panliligaw sa akin ni Rhan at pati na rin si Clarence. Nalilito na ako sa nararamdaman ko sa dalawa. Pero aaminin ko na.

Gusto ko na si Rhan. Pero ayaw ko pang ipaalam ito sa iba. Alam kong masama lang ang kahihinatnan nito at ayaw ko ring masaktan ang damdamin ni Clarence.

Hanggang doon lang talaga kasi, hanggang kaibigan o kapatid lang.

"Oh Xy! Lalim ng iniisip ah."
sabi ni Rhan na kanina pa pala ako tinititigan dito sa may park.

Sabi ko kasi sa kanya na mamamasyal kami ni Allesa.

"Pabayaan mo na lang yan si Xy. Nag-iisip lang naman yan kung sino ang pipiliin niya sa inyo ni Clarence."
sabi ni Allesa kay Rhan.

"Ahh ganun ba Xy. Sana naman ako yung makatanggap ng matamis mong oo."
sabi nito sa akin na ikinamula ng mukha ko.

"Huwag ka namang ganyan Rhan. Baka mamatay sa kilig ang kaibigan ko."
kinikilig na sabi ni Allesa.

"Tsk! Allesa."
seryosong sabi ko sa kanya. Ikinatawa lang ito ng dalawa.

Tumunog naman ang cp ko kaya agad ko itong tiningnan. May nagtext.

I think I am the one Xyrra. Ako nga ba? Napapansin ko kasing iba ang titig mo sa akin. Hindi naman ako assuming pero sana sa akin ka nga kinikilig so that means that I'm the one you'll choose. I love you, please love me too.

Napatingin naman ako kay Rhan na hawak din ang cp niya at nakatingin dito.

"Bago mong number?"
tanong ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin.

"Ahh.. Ngayon mo lang pala nabasa? Oo sa akin galing yan, yung I love you Xyrra."
sabi niya na ikinamula ng mukha ko. Gusto ko tuloy takpan ang mukha ko sa hiya.

Napansin niya ito kaya namula rin siya at iniwasan ang tingin ko sa kanya.

"Allesa."
napatingin kaming lahat sa lalaking lumapit sa amin.

"Oh Zach!"
sabi ni Allesa.

"Usap tayo pwede? "
nakangiti nitong sabi sa kanya.

"Yes of course."
sagot sa kanya ni Allesa.

Tumingin naman sa akin si Zach na seryoso ang mukha.

~What's wrong with him?

"Let's go."
sabi ni Allesa na ikinapalit ng mukha ni Zach ng ngiti.

"Saan ba tayo mag-uusap?" tanong ni Allesa.

"Just follow me."
sabi ni Zach at nakalayo na silang dalawa mula sa aming kinatatayuan.

Nang hindi na namin sila matanaw ay nagkatinginan kami ni Rhan sa isa't isa.

Ngunit parehas naming iniwasan yon makalipas ang mga sampung segundo.

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon