Chapter 8 : Angel Of Justice
Rhan's POV
"Nandiyan na si Sir! "
sigaw ng kaklase ko at mabilis na ngang nagsibalikan ang lahat sa kanilang upuan na para bang sila ay mga kidlat.
"Good morning class! "
pagbati sa amin ni sir.
"Good morning sir."
pagbati namin pabalik.
"Please be sitted. May bago kayo ngayong kaklase. Sige miss Batiancila magpakilala ka na."
sabi ni sir at mahinhing naglakad paunahan ang isang babae.
Natahimik ang buong klase dahil sa pagpapakilala ng aming bagong kaklase.
"Ako nga pala si Angel Grace Batiancila."
Tinitigan niya kaming lahat at napatigil ang kaniyang titig sa kanang bahagi ng aking inuupuan kung saan nakaupo si Xyrra.
"I am easy to be with I can be your friend, if you want."
Sabi niya habang nakatitig kay Xyrra. Sinuklian naman ito ng naguguluhang titig ni Xyrra.
"Weird."
Napabulong na lang ako sa hangin.
" Shall we start our class now?"
Tanong ni sir at nagsimula na nga ang klase.
...
Nagring na ang school bell at naglunch na kami sa school cafeteria. Sa may table kami na may pang apatan na upuan pumwesto.
Naupo na kami ni Reina dahil nakakuha na kami ng pagkain. Hinihintay namin si Xyrra na may kausap na lalaki 'di kalayuan sa amin.
May inabot ito na lunchbox.
~Sino kaya yung lalaking yon? Ang ganda pa ng ngiti niya sa lalaking yun ah.
Isip-isip ko.
"Uyyyy! Selos!"
Napatingin ako kay Reina dahil sa kaniyang sinabi.
"Ako? Nagseselos? No way!"
Angal ko sa kanya.
"Sus! Tanggi pa, halata naman."
Natatawa niyang sabi sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at tiningnan ko na lang si Xyrra na papalapit na sa amin.
"Yehey! Yung favorite ko!"
Sabi nito habang binubuksan ang lunchbox na may laman na kanin at tinolang manok.
"Ahhhh.. Xyrra? Sino nga pala yung lalaking kausap mo?."
Tanong ko sa kanya dahil kanina pa talaga ako atat na ata malaman kung sino ba ang lalakeng iyon.
"Clarence Villarde pangalan niya. Yung magaling sa iba't-ibang larangan ng sports. Gusto rin nyang kumandidato sa gaganaping eleksyon ng student council bilang Vice President."
Sagot niya sa akin.
"Siya pala 'yon? Yung pinagkakaguluhan ng mga babae sa senior high dahil sa kanyang kagalingan at katalinuhan!? Balita ko nga siya ang top 1 sa science section. Wow... He's hot and handsome too. Type ko siya."
Sabi ni Reina na ikinabigla ko.
"Yun ba ang type mo? Alam mo bang malimit sa mga super galing na lalaki katulad n'on ay mahilig manloko ng mga babae!"
BINABASA MO ANG
Fallen: The Half Blood [COMPLETED]
FantasyUNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all those who has black wings are bad. Not all demons serve Satan, and not all angels praise God. Remember...