Chapter 24 - I Knew

971 17 3
                                    

Chapter 24: I Knew

Rhan's POV

Hindi na ako nabigla sa nangyari kay Xy pagkatapos niyang mahawakan ang rosaryo nina Angel.

Hindi na rin ako nabigla sa sinabi nina Percival at Angel na isang demonyo si Xyrra.
Because I already know it.

Nalaman ko yun dahil kay Reina. Yun ay noong muntikan na siyang magahasa.

Nakita at natandaan na niya kasi kung sino ang babaeng halimaw na tumulong sa kanya.

At yun ay si Xyrra. Napag-usapan namin na isekreto ang nalalaman namin tungkol kay Xyrra.

Wala tayong dahilan para kamuhian si ate Xyrra dahil lamang sa kanyang anyo at katangian. Kaibigan natin siya at siya ang nagligtas ng buhay ko.

Yun ang sinabi ni Reina kaya't napagdesisyonan naming panatilihin pa rin ang magandang pakikisama namin sa kanya at siguro kayna Allesa at sa iba pa niyang mga kaibigan na sa tingin nami'y mga halimaw rin.

Nagsagawa ako ng pananaliksik. Inalam ko kung ano nga ba sina Xyrra. At base rin sa mga sinabi ni Reina tungkol sa anyo ni Xyrra at sa mga pinagsasabi ni Angel kay Xyrra na nagbigay sa aking ng mga clues, napag-alaman kong sila ay ang mga demonyo dito sa lupa.

Marami akong nababasa tungkol sa mga demons, ngunit 'di ko akalaing totoo pala talagang may mga good demons at mga demons na nagiging tao.

Nababasa ko lang kasi yun sa mga fantasy or myth books. Totoo naman ang mga demons dahil mmababasa din naman ito sa bibliya.

"How did you know that I'm a demon, Rhan?"
nagtatakang tanong sa akin ni Xyrra.

" 'Cause I won't love a person if I didn't truly know her. I have my ways. "
sabay ngiti ko kay Xyrra na ikinangiti rin niya kahit may bakas pa rin ng naguguluhan sa mukha niya.

"Haha... I'll explain it to you later." natatawang sabi ko sa kanya na ikinawala ng kanyang naguguluhan na mukha at kumawala ang matamis na ngiti sa kanyang labi.

...

Clarence's POV

"Hahaha..."
nagpakawala ako ng mahinang tawa ng mapakinggan ko ang sinabi ni Rhan kay Xyrra matapos sabihin ni Angel na demonyo si Xyrra.

"Wala na talaga akong pag-asa..." nagpakawala ako ng buntong hininga na ikinatingin sa akin ni ate Xiera.

"Ikaw pa naman ang gusto ko para kay Xyrra, pero sa tingin ko'y masyado ng imposible na maging kayo pa."
seryosong sabi ni ate Xiera na halatang tutol sa pag-iibigan ng dalawa.

"Hmmm... So susuportahan na lang natin siya dahil alam din naman nating hindi tutol ang mahal na hari sa gusto ng dalawa. Pero kahit na ganoon patuloy ko pa ring mamahalin si Xyrra."
muling napatingin sa akin si ate Xiera dahil sa nasabi ko.

"Huwag ka ngang ganyan Clarence. Hindi lang naman si Xyrra ang babaeng makikilala mo at mamahalin mo."
Pagpapagaan ng loob sa akin ni ate Xiera.

"Paano mo naman nasabi yon ate Xiera?"
Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ano ka ba? Lahat tayo ay nakatadhana sa isang taong mamahalin tayo katumbas ng pagmamahal natin sa kanila, baka nga higit pa dun."
Pagpapaliwanag niya sa akin.

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon