Chapter 28: Propesiya
( 2 years later )
Xiera's POVDalawang taon na simula ng magbanta ang mga demigod. Pero dalawang taon na rin na mapayapa ang dalawang panig.
Walang sumusugod, walang lumalaban, walang pagpatay.
Naghahanda at nagsasanay pa rin kami.Dahil alam namin na sa kahit anong oras susugod din sila.
"Ate Xiera!"
sigaw sa akin ni Xyrra mula sa malayo.Kasama niya si Clarence na naglalakad-lakad lang dito sa hardin.
"Uso rin magpahinga."
panloloko niya sa akin sabay yakap."Pabayaan niyo na nga lang ako. Ipagpatuloy niyo lang pagdedate niyo."
Nakangiti kong sabi sa dalawa."Maghanap ka na kasi ng boyfriend HAHAHA."
panloloko na naman ni Xyrra sa akin."Tama ate Xiera. Sige ka. Tatanda kang dalaga. Hindi yan maganda para sa susunod na reyna." pagbibiro naman sa akin ni Clarence.
~Mukhang pinagtutulungan ako ng dalawang ito ah.
"Tsk! Siya nga pala Clarence naisaayos mo na ba ang pagpapalakas ng ating mga sandata?"
pagpapalit ko ng topic."Yes."
tipid niyang sagot sa akin."Good."
tipid na pagtugon ko rin sa kanya."Okay. Tara na Rence."
pag-akit ni Xyrra habang higit-higit ang kamay ni Clarence papalayo."Congrats Clarence."
Bulong ko sa hangin habang kita ko sa malayo ang nagsasayang dalawa habang nagpapaikot-ikot sa hardin.
Parang kailan lang...
Hindi si Clarence ang nakabihag ng puso ni Xyrra. Kundi isang mortal, na muntikan ng mamatay ng dahil sa pagmamahal sa isang kalahating demonyo, kalahating demigod.
Simula ng buhayin namin si Rhan at tanggalin ang memorya nila ng kapatid niyang si Reina, ay wala na kaming balita sa dalawa.
Ang pinaalala naman namin kay Xyrra na silang dalawa ni Clarence ang nagmamahalan.
Noong una ay ayaw ni Clarence, pero ito rin ang gusto ni dad kaya sinunod na lang ito ni Clarence.
"Ate Xiera."
pagtawag sa akin ni Xavier."Pinapapatawag lahat ng bagong henerasyon. May pagpupulong kasama ang ibang pinuno sa sandatahan."
sabi ni Xavier."Sige. Susunod na lang ako. Pakisabihan mo na muna ang iba."
sabi ko sa kanya at tumango naman siya saka umalis.(Sa pagpupulong)
"Dalawang taon na at wala pa ring paramdam ang mga demigods." pagsabi ng isa sa mga matatandang tagapagpayo.
"Wag tayong pababahala. Naghahanda lang sila."
ang sabi naman ng isa pa."Sa lakas nila? Kailangan pa ba nilang magahanda? "
pagsabat ng isa sa may mataas na katungkulan sa sandatahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/133765921-288-k57424.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallen: The Half Blood [COMPLETED]
FantasíaUNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all those who has black wings are bad. Not all demons serve Satan, and not all angels praise God. Remember...