Chapter 11 - Pagbabalik

1.4K 25 1
                                    

Chapter 11: Pagbabalik

Clarence's POV


Alam kong may mangyayaring masama kay Xyrra sa oras na bumalik na muli kami sa mundo ng mga mortal. Kailangan naming maghanda.

"Xiera at Clarence. Alam kong nakikita niyo rin sa inyong pangitain ang mangyayari kay Xyrra. Kahit anong mangyari pigilan niyo ang tadhana. Hindi pwedeng mangyari yon."

sabi ng mahal na hari sa amin ngunit kapwa kaming walang ideya kung paano nga ba poprotektahan si Xyrra at kung paanong pipigilan ang tadhana.

"Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya. Huwag kang mag-alala dad. "

sabi naman ni Xiera sa mahal na hari.

"Makakaasa po kayo mahal na hari."

Pagsagot ko naman ng tiningnan ako ng mahal na hari.

"Nakakalungkot lang na masama ang nakikita ko sa mga pangitain ko tungkol sa mga bagong henerasyon. Mapigilan kaya ninyo ang tadhana?"

Tanong sa amin ng mahal na hari na medyo ikinagulat ko.

~Mukhang delikado nga ang aming kalagayan.

...

Umalis na nga kami ng bayan gamit ang mahikang pangteleportasyon.

Nakabalik naman kami sa aming inuupahang bahay sa mundo ng mga mortal.

Ganun pa rin naman ang kalagayan nito at walang nagbago.

"Akala ko naman pati tinitirhan natin alam na nila. "

sabi sa akin ni Zach.

"Kalma Zach. May spell na ang bahay na ito. Walang angel warriors o demigod ang makakaalam ng bahay na ito."

kalmadong pagpapaliwanag ni Xiera at nakita ko naman kaagad sina Allesa at Xyrra na pumasok na kaagad sa kanilang mga kwarto, ganun na rin si Xavier.

"Ehh yung mga kwarto ba? Ligtas din?"

Tanong ni Zach at hindi napigilang humalakhak ng tawa si Xiera sa tanong ni Zach.

~Bumobobo na naman ang kaibigan ko. Hay naku!

"HAHAHAH Ano ka ba Zach!? Nakakatawa ka ha!"

Tawang-tawang sabi ni Xiera at pumasok na rin sa kwarto nito.

"Ahh yung kay Allesa. Meron din yon. Kung hindi ka komportable sa spell. Pwede mo naman siyang bantayan. Doon ka na rin matulog, katabi nya. Alam ko namang kaya mo natanong ang napaka common sense na tanong na yun ay dahil lamang sa pag-alala mo kay Allesa. "

Nakangisi kong pagkasabi sa kanya.

"Huwag ka ngang ganyan! Pati lagi naman si Allesa na natutulog kasama sina Xyrra. Ang labidabs mo!!! "

pang-uulit niya sa akin ngunit hindi na ako nagpaapekto at tumungo na diretso sa aking kwarto.

~Siguradong naiinis na ngayon ang kumag na yun. Haha!

(Kinabukasan)
Xyrra's POV

Kasama ko ngayon si Allesa at si Clarence. Naglalakad kami sa may hallway papasok na sa aming mga classroom.

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon