Chapter 48 - Pakay
Angel's POV
Pagkatapos mag-utos ng mahal na anghel Christine ay kaagad na kaming nagtungo ni Lucas sa kinaroroonan ng mga demigod gamit ang paggawa ng isang portal.Bumabagabag pa rin sa aking isipan ang tungkol sa totoo kong magulang na sina demigod Lyon at Selena.
~Bakit pa kasi kailangang ilayo nila ako sa kanila? Kaya ba nila ako itinakwil ay dahil nga hindi sila parehas ng nararamdaman sa isa't isa? Dahil hindi mahal ni demigod Lyon si demigod Selena?
Tumambad naman sa aminni Lucas ang mga matang may pagtataka ng mga demigod at ng mga mabubuting demonyo.
Napatitig naman ako kayna demigod Lyon at Selena na medyo ikinalungkot ko.
"Anong problema Angel at Lucas? bakit kayo naparito?"
Tanong ni demigod Procopios sa aming dalawa ni Lucas.
"Bad news po."
Sabi ni Lucas na ikinaseryoso ng lahat.
"Kompleto na po ang mga kapatid ni Haring Vector."
Dagdag ni Lucas at halata ang pangamba sa lahat.
"Hindi maaari ito. Kailangan na nating masugpo sila!"
Sabi ni Haring Vector at nagulat ang lahat sa biglang pagyanig ng lupa.
"Hindi..."
Sabi ni Queen Elizabeth at bigla na lamang isang kakaibang pula at itim na enerhiya ang makikita sa may palasyo.
"Ano ng mangyayari dad?"
Tanong ni Helaena sa tatay niya.
"Digmaan, delubyo. At baka... Ang katupasan na ng lahat."
Kita ang takot sa lahat ng demigod. Ngunit kaming mga batang demigod at ang mga bagong henerasyon ay parang nag-iisip kung ano na nga ba talaga ang mangyayari.
Ang reaksyong ipinakikita nila. Mukhang wala na kaming pag-asa.
~Huli na ba talaga ang lahat?
"Hindi pa. Hindi pa huli ang lahat."
Mahinang pagkasabi ni Xiera.
"Tama si prinsesa Xiera. Hindi pa buhay si Lucifer kaya may oras pa tayo para pigilang mangyari iyon."
Sabi ni demigod Rhesus at medyo nagkaroon na ng pag-asa ang mga mukhang ipinapakita ng lahat.
"So, ano na!? We don't have to waste our time. Let's move..."
Sabi ni demigod Procopios at nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang palasyo ng biglang huminto si Clarence.
"What's wrong Clarence?"
Tanong ni Rhan dito na katabi niya lamang. Lahat naman kami ay napatingin kay Clarence at naghihintay ng kanyang sagot kay Rhan.
"They're coming."
Takot nitong pagkasabi at kaagad namang alarma ang lahat.
"LOOK OUT!"
Sigaw ni King Vector ng mapatingala ito sa langit.
Nakita naman namin ang naglalagablab na bato na bumbagsak sa amin. Salamat na lamang at nakailag kaming lahat ngunit ang paligid ay nag-aapoy.
Bigla na lamang nagsitumbahan at naabo ang mga puno sa harap namin kaya inihanda na namin ang aming nga sarili.
BINABASA MO ANG
Fallen: The Half Blood [COMPLETED]
FantasíaUNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all those who has black wings are bad. Not all demons serve Satan, and not all angels praise God. Remember...