Chapter 42 : Lahad
Rhan's POV
Dumating na ang mga demigods ganun na rin ang bagong henerasyon. Sinalubong naman namin sila nina Angel, Percival, at Reina.
Ngkatitigan naman kami ni Clarence ng makita namin ang isa't isa.
Tumahimik naman ang kapaligiran at ang lahat ay hindi malaman kung ano ang unang gagawin.
"Ahhhh... What now?"
Biglang tanong ni demigod Selena na bumasag sa katahimikan.
"I think..."
Sabi ni Mariana habang nag-aaktong nag-iisip.
"Kailangan muna nating maliwanagan. Masyado pang magulo ang inyong mga isipan sa mga nangyayari."
Dagdag niya at sumang-ayon naman ang lahat.
"Bakit hindi muna natin tanungin si Lucas at Clarence kung ano ang nangyari sa loob at bakit humantong sa ganito ang mga nangyari."
Seryosong sabi ni Xiera habang masamang nakatingin sa dalawa.
"Well... I'm so sorry demigod Procopios, Percival. Hindi ko nagawa ang misyon."
Sabi ni Lucas na ikinabuntong hininga lang ng dalawa.
"What mission? To spy? To kill my daughter right!?"
Mataas na tonong pagkatanong ni King Vector kay Tito Procopios.
"Yes... Because that is the right thing to do! Kung namatay na si Xyrra noon pa lang ay hindi na sana mangyayari pa ang mga ito!"
Galit na pagkasabi ni tito Procopios sa kanya.
"Pero kung hindi niyo sana binalak na patayin si Xyrra ay hindi sana siya nawalan ng kontrol!"
Galit na tugon ng hari.
"That's enough!!! It's already done!"
Pagpigil ng Queen Elizabeth sa dalawa.
"Yes it's already done! Kung tutuusin ay hindi sana ito mangyayari! Lahat ng ito kung hindi dahil sayo at kay Yadira!"
May pandudurong galit na pagkasabi ni demigod Selena sa mahal na hari.
"Masyado kasi kayong malalandi lalo na ang babaeng iyon!"
Dagdag niya at kita kong kaagad na lumapit sa kanya si Demigod Lyon.
"Tumigil ka nga Selena!"
Pagpigil ni Demigod Lyon kay Selena.
"Tumigil!? Lagi na lang Lyon! Kapag si Yadira ang pinag-uusapan lagi mo na lang siyang pinoprotektahan! Hindi ka na ba talaga makalimot sa babaeng yun! Kahit kailan hindi ka niya ginusto! Hindi ka niya mina-
Natigil lamang sa pagsasalita si Demigod Selena ng bigla itong nasampal ni Lyon.
Gulat naman ang makikita sa mukha ng lahat lalo na si Xiera.
BINABASA MO ANG
Fallen: The Half Blood [COMPLETED]
FantasiaUNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all those who has black wings are bad. Not all demons serve Satan, and not all angels praise God. Remember...