Chapter 22 - Warriors

957 21 1
                                    

Chapter 22: Warriors

Xiera's POV

Nandito ako ngayon sa bahay. Kasama ko si Clarence at Xavier. Hindi na muna ako pumasok sa trabaho dahil na rin sa nangyari noong nakaraan.

~Sino ba kasi yung lalaking nakilala ako dun sa may grocery store? I think he's one of the demigods.

Sina Xavier at Clarence naman ay walang pasok dahil weekend.

" Saan ba nagpunta sina ate Xyrra, Zach at ate Allesa? "
tanong ni Xavier kay Clarence.

" Sa Park. "
maikling sagot ni Clarence na abalang nagbabasa ng paborito niyang manga (comics).

"Hahayaan mo na lang ba talaga kuya Rence na maging sila ni ate Xyrra at Rhan?"
tanong muli ni Xavier na ikinatigil ni Clarence sa pagbabasa.

" Oo. Wala din naman akong magagawa kung sila talaga ang nagmamahalan. "
sagot ni Rence habang nakatingin pa rin sa hawak nitong libro.

" Bakit? May gusto rin ba si ate Xy kay Rhan? "
tanong muli ni Xave kay Rence.

"Sa tingin ko'y oo."
mahinang sabi ni Clarence at isinara na ang libro.

Nanahimik naman si Xavier matapos masagot ang kanyang mga katanungan kay Clarence.

Nabalot lamang ng ilang segundo ng tunog ng t.v at pagtipa ko sa laptop ang salas. Nagulat naman ako at napatayo ng may maramdaman akong kakaibang kapangyarihan na umaaligid.

" Oh! Napapaano ka ate Xiera? " nag-aalalang tanong ni Xavier sa akin.

Napatayo din sa pagkakaupo si Clarence sabay tingin sa taas.

"They're here."
nakakunot noo niyang sabi.

"Oo nga, nararamdaman ko na rin sila."
seryosong sabi ni Xavier.

" Clarence. Sunduin mo na sina Xyrra. Delikado sa labas. "
pag-uutos ko kay Clarence.

" Masusunod. "
lumabas na nga si Clarence upang sunduin sina Xyrra.

Naiwan naman kami dito ni Xavier na patuloy lang na pinapakiramdaman ang mga galaw ng kalaban.

Hindi naman malalaman ng mga warriors na nandito kami dahil nilagyan namin ng spell ang bahay.

" They are around the center of the city. Ibig-sabihin n'on malapit lang sila sa kinaroroonan nina Xyrra. "
Sabi ko.

" Ano ate Xiera, susundan ko ba sila? "
tanong sa akin ni Xavier.

"Wag na Xave. Delikado lang."
Hindi ko pagpayag sa kanya.

"Pero kaya ko na ang sarili ko ate."
Pag-angal niya sa akin.

"Hindi Xave! Sumunod ka na lang."
Sabi ko sa kanya.

Napatungo na lang si Xavier at tumungo sa may kwarto ko at kinuha ang salamin ng kadiliman.

Ang "salamin ng kadiliman" ay ginagamit ng mga demons sa pagpapalit anyo, pagamit ng mga dark spells, at pangkomunikasyon din sa ibang mga demonyo.

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon