Chapter 50 - Near

377 17 2
                                    

Chapter 50: Near

Lucia's POV

Walang pagod kong inaayos ang orihinal na katawan namin ng aking kapatid. Dahil na rin sa buto-buto na lamang ito. At gamit lamang ng aking kapangyarihan ay unti-unti kong binubuo ang mga laman nito.

"Ma! Pagkatapos ba niyan ay pakakawalan na natin ang panginoon?"

Tanong sa akin ni Lilith.

"Hindi na kami makapaghintay!"
Pag-angal ni Daevras na masaman nakatingin na sa akin.

"Oo nga. Baka kung ano na namang gawin ng mga hangal na lingkod ni Bathala."
Sabat naman ni Flaga na may pag ikot pa ng kanyang mga mata.

"Tumahimik nga muna kayo at mariing maghintay! Alam kong matatalino naman kayo at naiintindihan niyo kung bakit ko ginagawa pa ang bagay na ito."

Pagpapatahimik ko sa mga ito ngunit ang tatlo ay parang walang pakealam.

"Dahil kulang tayo ng isa, at kailangan natin ang katawan at kapangyarihan ng isa pang malakas na demonyo katulad na lamang ng katawang gamit ni Lucia."

Seryosong sabi ni Sitri at ikinakunot naman ng noo nina Lilith dito dahil sa kanyang pagtawag sa aking pangalan.

"Alam namin. At saka magbigay galang ka naman sa naglalang sa atin."

Sabi ni Abaddon kay Sitri na tinaasan lamang niya ng kilay.

"Do you mean I have to call her my mom? Haha!"

Medyong sarkastikong tanong ni Sitri sa kanya.

"Are you joking me! We're demons! Wala sa bokabularyo natin ang magbigay galang maliban sa nag-iisang panginoon. Kaya wala kang karapatan para utusan ako."

Seryosong pagdagdag ni Sitri na may pagtataray.

"Pati kapatid din natin sila. Tayong sampung mga tapat na anak ni Satanas. Magkakapatid tayo sa impyerno. Kaya sigurado akong ayos lang iyon."

Dagdag pa ni Daevras na medyo ikinagagalit na ng iba pa.

"Hay naku... Mag-aaway ba kayo? Walang problema sa aming dalawa ni Lucia kung hindi niyo kami tinuturing na inyong ama, ina, tito o tita. Basta't magkakasundo lamang tayo sa gusto ng panginoon."

Paliwanag ni Lucilofer na ikinakalma na nila.

"Tapos na."

Nakangiting sabi ko na ikinatingin nilang lahat.

"Pwede ka ng lumabas sa katawang iyan aking kapatid."

...

Rhan's POV

Nandito na kami ulit ngayon sa Gate of Heaven. At nagpaplano na kami kung paano nga ba namin mapapatumba ang mga anak ni satanas.

"Rhan..."

Nakakamiss ang mga pagtawag sa akin ni Xyrra na may kasamang matatamis na ngiti sa kanyang labi.

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon