Chapter 33 - Trap

894 16 4
                                    

Chapter 33: Trap

Xyrra's POV

"Lucas! Xavier! Kakain na tayo! " sigaw ko kayna Xavier na abala sa paghahabulan dito sa hardin.

Magkabila silang nakahawak sa kamay ko papunta sa loob ng palasyo.

Kami lang ni dad at ng dalawang batang ito sa palasyo. Karamihan kasi ng mga kawal, ang mga bagong henerasyon at si mommy Eli ay papunta ng South side ng bayan para palayasin ang mga angel warriors doon.

Nangangamba ako sa kahihinatnan ng pagpunta nila doon.

~Kakayanin kaya nila ang lakas ng mga kalaban?

"Ate huwag kang mag-alala kakayanin nila yun. "
Biglang pagsabi ni Xavier na ikinatingin namin ni Lucas.

"Wala namang sinasabi si prinsesa Xyrra ah! "
Pagtataka ni Lucas sa kanya.

"Binasa niya kasi ang naiisip ko. "
Paliwanag ko dito na ikinatango niya.

"May kapangyarihan po pala kayong ganun?"
Tanong sa amin ni Lucas.

"Oo. Bakit? Gusto mo ba ng kapangyarihan?"
Tanong ni Xavier sa kanya.

"Oo naman po. Sino po ba ang ayaw ng kapangyarihan?"
Pagsabi nito sa amin.

"Meron namang hindi. Gusto mo ba ng kapangyarihang sisira sa pagkatao mo? Makapapahamak sa mga taong nakapalibot sayo?"
Tanong ko dito.

"Ate, huwag kang masyadong madrama."
Sabat ni Xavier sa aking mga sinabi

"Bakit Xavier? Akala niyo ba hindi ko alam?"
I crossed my arms.

"Ate... Ang drama mo! Alam kong alam mo, sino pa bang hindi nakakaalam? Eh kahit nga siguro mga demonyo sa impyerno alam ang tungkol sayo."
Natatawang sabi ni Xavier sa akin.

"Huwag kang lalapit-lapit sa akin ha!"
sabi ko sa kanya na parang may galit.

"Ate joke lang naman hahah. "
Pagbibiro niya sa akin sabay peace sign.

"So alam mo na pala talaga ate? "
Tanong niya.

"Oo. Anong akala mo sa akin? Wala akong alam."
Seryosong sabi ko.

"Hindi ka ba nagtatampo?"
Tanong sa akin ni Xavier.

Medyo nagtatampo nga ako, pero alam ko naman kung bakit marami silang inililihim sa akin, kaya pilit ko na lang inaalis ang lungkot at pagtatampo sa isip at puso ko.

"Bakit naman ako magtatampo? Naiintindihan ko naman kung bakit niyo inililihim sa akin at kung bakit kasama mo akong naiwan dito. Para lang ito sa ikabubuti ko."
Pagpapaliwanag ko.

Napansin ko naman na seryosong nakikinig lang sa amin si Lucas, o baka naman may iniisip lang itong batang 'to?

"Oh Lucas! Ang tahimik mo ah."
Nabigla siya ng bigyan ko siya ng pansin.

"Wa-wala naman po kasi akong alam sa mga pinag-uusapan niyo."
Tugon nito na mukhang pinag-isipan muna niya.

"Hahahaha... Siguro masyado ka pang bata para malaman ang tungkol sa pinag-uusapan namin. Sige tara ng kumain."
Pag-aalok ko sa kanya at tinungo na nga namin ang hapag-kainan.

...

Clarence's POV

"Tigil!"

Biglang sabi ni Queen Eli ng tinutungo na namin ang direksyon patungong South Side. Nasa boundary na rin kasi kami ng Sentro ng bayan at south side.

"Kailangan na nating maghiwa-hiwalay. Medyo malapit na rin ang kuta nila. Mararamdaman nila kung magsasama-sama tayo."
Dagdag ng mahal na reyna at nagsihanda na ang lahat ganun na rin ang mga kawal.

"Xiera at Allesa, kayo ang mamuno sa unang grupo ng mga kawal. Zach at Clarence sa pangalawa at Marco sumama kana sa amin sa pangatlo. Ang ibang kawal ay maghiwa-hiwalay mula dito. Kung may makita kayong kakaiba agad niyo kaming bigyan ng signal."
Pag-utos ng reyna sa amin at nagsimula na nga kami sa aming misyon.

Ang pabagsakin ang kanilang hukbo upang hindi na lumala ang pinsalang idudulot nito.

"Oyy Rence! Sa tingin mo ba mananalo tayo sa laban na ito? " biglang tanong sa akin ni Zach habang naglalakbay kami.

"Ano ka ba Zach? Kailangan nating paniwalaang mananalo tayo at gawin ang lahat ng makakaya natin."
Paliwanag ko dito.

"Paano kung..."
itutuloy na sana ni Zach ang sasabihin niya ngunit kaagad akong nagsalita.

"Zach. Huwag kang matakot. Magiging ayos lang sina Allesa."
Sabi ko dito sabay tapik sa balikat nito.

"Clarence, Hindi kay Allesa. Pero simula ng umalis tayo masama na ang kutob ko. Hindi ko alam, parang may mangyayaring masama."
Sabi niya na medyo ikinakaba ko.
~Hindi, hindi pwedeng magpadaig sa akin ang takot at kaba, hindi ko mapoprotektahan si Xyrra kung yun ang mangingibabaw sa akin.

Nagulat kami ng bigla na lamang kaming napalibutan ng kalaban.

~Wait! Bakit parang alam nila na darating kami? Mas marami ang bilang nila sa amin, ang mga angel warriors. At mukhang planado nila kung sino ang kakalabanin nila.
Is this an ambush? Could it be?

"Clarence! Is that? "
Napatingin ako kay Zach ng tinawag niya ako at agad sinundan ang tinitingnan nito.

Other than the warriors, nandito rin ang isa sa mga demigod, Rhesus. Si Reina na kaibigan ni Xyrra.

At ang lalakeng akala ng lahat ay tuluyan ng mawawala sa buhay namin, ang nagpa-ibig kay Xyrra, ang matindi kong karibal.

"Rhan Cortez... "

...

Author's POV

Naghiwa-hiwalay na ang tatlong grupo ngunit lingid sa kaalaman nila. Naghahanda na rin ang mga anghel at demigod sa kanilang pagsalakay.

Ito ay dahil sa kaibigan ni Percival, si Lucas na kasama ni Xyrra at Xavier sa palasyo.

Walang kaide-ideya ang lahat na ang batang nilalaro-laro nila sa palasyo ay siya ring kalaban na magiging dahilan ng kanilang pagbagsak.

Napalibutan na ng mga kalaban sina Zach at Clarence. Ito ay si demigod Rhesus at ang mga anak nito na kapwa walang natatandaan tungkol kayna Xyrra, si Rhan at Reina.

Natambangan na rin sina Xiera at Allesa ng kambal na batang demigod na sina Helaena at Hendrickson at ang ama nilang si demigod Heidon.

At magtutuos na rin nina Marco at ng mahal na reyna ang matagal na nitong kalaban na sina demigod Procopios, Selena, Lyon at mga anak nitong si Percival at Angel.

Mapapanalunan kaya ng mga Fallen Angels o ng mga good demons ang laban sa mga anghel at demigod?

Ligtas pa kaya si Xyrra ngayong katabi niya lang pala ang papatay sa kaniya?

Abangan ang mga susunod na tagpo dito sa Fallen: The Half Blood ang nalalapit na digmaan sa pagitan ng langit at empyerno.

...

__________________________

Read. Vote. Comment

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon