Chapter 6: Together with them

160 6 0
                                    

Maye's POV

Habang nakikinig ako sa mga kaklase namin bigla naman nagsalita si mr. Pangit sa tabi ko kaya napaharap ako sakanya.

"Hi Maye." bati nya sa akin pero inirapan ko lang sya at nakinig nalang ulit sa mga kaklase namin.

"Ang ganda pala ng pangalan mo" sabi nya na naman sa akin pero hindi ko sya tinignan.

"Sorry pero huwag mo akong binobola." pagsusungit kong sabi sakanya at umirap ulit.

"Bakit ba ang sungit mo sa akin Maye? Nabunggo lang naman kita. Sorry na." sabi nya sa akin. Medyo naguilty naman ako, oo nga naman hindi nya naman kasi sinasadya.

"Hmmmm..." sabi ko nalamang at tumango parra na din hindi mangulit.

"Talaga? Thank you Maye." sabi nya sa akin kaya napaharap ako sakanya at nginitian sya ng tipid.

"Ang ganda mo pala pag ngumiti pero dapat hindi tipid." sabi nya sa akin at ngumiti sa akin.

"Hehe." sabi ko nalang at inirapan sya muli. Nung nagbell na tumayo na ako at kinuha ko yung bag ko,lalabas na sana ako ng room ng biglang may yumakap sa akin sa likod. Kaya naman bigla ko syang natulak kaya napaupo sya sa sahig.

"Hoy Jace, pwede ba? Huwag mo akong yakapin we're not close tsk!" sabi ko nalamang at hinila ko nalang sila Zyanya papunta sa cafeteria. Aish! Bwisit talaga si Mr. Pangit!!!! Nakakagigil!

Jace's POV
Hiiiii! Kilala nyo naman na siguro ako diba? Well, magpapakilala ulit ako... ako nga pala si JACE JABRILLE BRADY, future boyfriend ni maye este friend pala. Joke lang yung future boyfriend ahh. Huwag kayong magbigay malisya na may gusto ako sakanya kasi wala naman talaga.

Pagkaalis na pagkaalis nila maye,tinulungan nila ako ni Ian na makatayo at pinagpag yung pantalon ko. Bigla nalang akong napangiti. Hindi ko alam kung bakit,siguro nagiging sira ulo na ako. Bigla akong sinuntok ni judson sa braso kaya tinignan ko sya ng masama pero ngumisi lang sya sa akin.

"Hoy para kang tanga Jab,anong ningingiti-ngiti mo dyan?"sabi ni burleigh sa akin,wala na sya doon.

"Oo nga,nagmumukha ka lang aso"asar sa akin ni judson, mas mukha nga syang aso dyan ehh.

"Si maye ang iniisiip mo noh?"sabi sa akin ni twain at naging seryoso sya ngayon. Bakit kaya?

"Hoy Jab,may gusto ka ba sakanya?"seryosong tanong ni Ian sa akin kaya napatingin sa akin yung tatlong pangit sa akin.

"Wala akong gusto sakanya,okay? Halina na nga kayo, pumunta na tayo sa cafeteria. Nagugutom na ako"sabi ko sakanila at nauna ng lumabas ng room, sumunod naman sila sa akin at inaasar pero hindi ko nalang sila pinansin.

Pumunta nalang kami sa cafeteria at nang nakapasok na kami syempre as always maraming nakatingin sa amin at nagbubulungan,pero hindi nalang namin sila pinansin. Pumunta nalang kami sa counter para mag-order, naghintay lang kami saglit at nang nakuha na namin,pumunta na kami sa lagi naming inuupuan pero habang papalapit kami ng papalapit,may nakaupo na palang limang babae. Si maye yun ah? Kaya naman lumapit na kami ng tuluyan at babatiin ko na sana siya nang biglang nagsalita si twain

Maye's POV
Nasa cafeteria na kami at hinihintay si zyanya at hildie nagorder kasi sila malamang. Kaya kaming tatlo ni trystyn,cyrene at ako nakaupo dito at hinihintay habang si trystyn nagce-cellphone, si cyrene nagbabasa ng libro at ako naman nakatingin lang sa labas. Hays miss ko na si kuya. Hindi man lang sya nagtext siguro kasama nya yung mga kabarkada nya.

"Hey tahimik nyo ah,anong nangyari?"sabi ni hildie kasama yung mga order, umupo na sila zyanya at kinuha na namin yung pagkain namin tsaka kumain

Habang kumakain kami,bigla tumigil si zyanya kaya napatingin kaming apat sakanya na may pagtataka. Bigla nya akong tinignan na nakakaloko.

When I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon