Chapter 16: Being Me

80 8 1
                                    

Maye's POV

Nakakainis na! Bakit hindi pa rin kami umaalis? it's been 10 minutes na nandito kami aish! Kaya tinignan ko sya ng masama ngunit paglingon ko nakatingin na pala sa akin si Jace. Nagulat nalang ako nang bigla nyang ilapit ang mukha nya sa mukha ko kaya naman nilayo ko naman pero itong si Jace papalapit ng papalit sa akin hanggang sa wala na akong maatrasan magkalapit na talaga ang mukha namin. Papalapit ng papalapit!

Shit hahalikan nya ba ako? No way! Hanggang sa hindi ko natiis,napapikit nalang ako pero maya-maya wala akong naramdaman na nakalapat sa labikp, pagkamulat ng mga mata ko nakalayo na pala si Jace at tinawanan nya ako.

"Sorry Maye kasi nakakatawa yung ekspresyon mo, mukha kang kinakabahan na ewan pero don't worry cute ka pa rin." sabi sa akin ni Jace at tumatawa pa rin kaya naman sinamaan ko sya ng tingin na ikinatigil nya naman sa kakatawa.

"So? Nakakatawa na yun?" pagsusungit kong sabi sakanya at tumingin nalang sa labas.

"Ito naman si Maye, sorry naman na oh." paghihingi nya ng paumanhin sa akin pero hindi ko yun pinansin.

"Just drive already, I want to go home." kalmadong sabi ko at hindi na muli nagsalita.

Nakita ko si Jace na nagbuntong-hininga bago paandarin itong kotse. Like duh! Wala naman na din sya magagawa. Sorry sya kung pikon ako, minsan lang naman pag wala na ako sa mood. Habang nasa biyahe kami,kinukulit nya ako pero hindi ko sya pinapansin o tinatapon man lang ng tingin. I'm tired really. Hanggang sa makarating na kami sa bahay hindi ko parin sya pinapansin,nauna akong bumaba sa kotse.

"Cge Maye bukas nalang,ayaw mo pa kasi akong patawarin ehh, sorry na kasi Maye." sabi nya sa akin. See? makulit sya, alam nyo bang pang-8 nya na yan sinabi. Nabilang ko pa, huh?

"Baba." tamad kong sabi na ikinagulat nya naman.

"Ano?" tanong nya sa akin. Yung totoo? Bingi ba ito at kailangan talagang ulitin kung anong sinabi ko?

"Ang sabi ko 'baba' ka. Kung gusto mong patawarin kita." sabi ko at wala pa sa segundo bumaba na sa kotse si Jace muntik na nga syang madapa dahil sa pagmamadali nya, napangiti tuloy ako ng palihim. Nang makalapit na sya sa akin hinila ko na sya papasok sa bahay. Pagkapasok namin sumalubong sa amin si Rosia,ang kasamahan ko dito sa bahay pag ako lang ang mag-isa. She's 20 years old ga-graduate na sya. Doon din sya nagaaral sa school sa kung saan ako nag-aaral.

"Hi Louise! Musta na yung school mo? At sino sya?" tanong ni Rosia at tinignan ng masama si Jace. Yeah, she hates boys. Simula kasi ng nagbreak sila ng boyfriend nya, ayun naging bitter. Mahanapan nga ng lalaki para dito kay Rosia. Dapat nga ate ang tawag ko sakanya kasi huwag nalang daw kasi mas pinapamukha lang namin syang matanda HAHAHAHA.

"Hello Rosia! Ok lang naman yung sa school at tsaka oo nga pala. Ito nga pala si Jace Jabrille Brady, classmate ko sya at Jace, si Rosia kasamahan ko dito sa bahay." Sabi ko sakanila. Nagshake-hands naman sila pero sadyang ito si Rosia parang may galit at ang sama ng tingin nya kay Jace kaya naman hinila ko nalang si Jace sa tabi ko.

"Sige maiwan ko muna kayong dalawa. Maglilinis lang ako sa taas saglit." sabi nya sa amin at nginitian kami.

"Sige Rosia." sabi ko nalang at hinalikan sya sa pisngi. Oo nga pala mahilig akong humalik sa mga taong kaclose ko hehe.

"Ikaw Jace! Huwag mong papaiyakin itong baby bunso namin, malalagot ka sa akin!" pagbabanta ni Rosia kay Jace hays. Tumango nalamang si Jace bago umakyat ng tuluyan si Rosia.

Umupo muna kami ni Jace sa sofa,at ito na naman walang nagsasalita isa sa amin, hanggang sa binasag na ni Jace yung katahimikan.

"Uhm Maye? Bakit mo ako pinapasok dito sa bahay nyo?" takang tanong nya at tumingin sa akin nagulat ako nang bigla nya na naman ilapit yung mukha nya sa akin pero hindi naman kalapit kagaya nung kanina sa kotse, aish naalala ko na naman.

"Uhm Maye? Bakit mo ako pinapasok dito sa bahay nyo?" takang tanong nya at tumingin sa akin nagulat ako nang bigla nya na naman ilapit yung mukha nya sa akin pero hindi naman kalapit kagaya nung kanina sa kotse, aish naalala ko na naman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Uhm, wala naman trip ko lang naman at para na din mapatawad na kita, at magpahinga ka muna dito maski saglit man lang alam ko naman pagod ka na." sabi ko nalang na hindi ko namalayan. Kaya naman bigla akong napatingin kay Jace,ayun nakangisi sa akin.

"So, papatawarin mo na ba ako?" tanong nya sa akin a tinaasan nya ako ng kilay. Mapapagkamalan ko na talaga syang bakla.

"Oo nalang. Dito ka muna,kung gustomong manood ng tv, well it's free. Oo nga pala,anong gusto mong inumin? Juice or Water? Magba-bake kasi ako" sabi ko kay Jace at nginitian ko sya.

"Juice nalang, at tsaka marunong ka pala magbake." sabi nya sa akin at nginitian ako pabalik.

"Oo naman, favorite hobby ko kasi ang magbake." simpleng sagot ko lamang at umiwas ng tingin sakanya.

"Ah, pwede mo ba akong turuan minsan magbake? Para minsan mabake ko man lang ng cookies si ate." sabi nya at nagpuppy-eyes. OMG! Wala lang hahahaha.

"Sure anytime." sabi ko at iniswitch ko yung tv.

"Yehey! punta kami dito minsan ni ate." sabi nya at nagtata-talon. Parang bata din itong si Jace minsan eh noh?

"Sige lang, welcome naman kayo dito sa bahay. Sige punta na ako sa kusina,magbabake lang ako. Wait for me." sabi ko nalang. Tumango naman si Jace kaya naman umalis na ako sa living room at pumunta na sa kusina para magbake ng cookies.

Well, sa totoo lang ngayon lang ako nagdala dito ng lalaki at si Jace yun. Pero ok lang,kasi mabait naman sya. Oo na,inaamin ko na mabait talaga sya. Akala ko nga may habol ito sa akin pero mukhang wala naman. Hays, hindi na ako basta-basta nagtitiwala sa mga tao pero kay ate Sam at kay Jace? pwede ko silang pagkatiwalaan. Sana nga, hindi nila ako trayduhin kagaya ng mga bwisit kong kaibigan dati na sinusumpa ko pa hanggang ngayon. Hindi naman ata masamang magtiwala ulit diba? pwera nalang kung nagtiwala ka sa maling tao na akala mo kung sinong anghel kapag nakaharap ka, pero pag nakatalikod ka? demonyo na pala . Kaya nga hindi ako basta-basta nagtitiwala sa mga tao pero sa magkapatid talaga may tiwala ako.

When I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon