Jace's POV
Habang naglalakad kami ni Maye, maraming nakatingin sa amin at nagbubulungan tsk!"Waaaaa! Sila na ba?"
"Look girl! Ang cute naman nila!"
"Maghihiwalay din yan."Ok na sana yung mga pinagsasabi nila sa amin kaso yung huli medyo nabingi naman yata ako. Sabagay were just..... friends. Tinignan ko nalang saglit yung babaeng nagsabi nung huli at ito namang mga babae kinikilig na ewan.
"Sayang pare! Taken na si Maye!"
"Bagay sila bro!"
"Tsk! Hindi naman sila bagay."Sa hindi ko malaman ang dahilan bigla ko na lamang napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Maye na ikinalingon nya sa akin at tinignan ako.
"Ok ka lang ba, Jace?" Tanong nya sa akin at tinignan ako ng maigi.
"Oo hehe." Sabi ko na lamang at nginitian sya.
"Ah,okay." Sabi nya nalang at naglakad nalang ulit kami HAHAHAHA.
Maya-maya inakbayan ko si Maye na ikinatingin nya na naman sa akin. Akala ko tatanggalin nya yung pagkakaakbay ko sakanya pero binalewala nya nalamang at naglakad nalang ulit kami.
Hanggang sa nakarating na kami sa may pintuan ng classroom namin, nakita namin yung mga kaklase namin na may mga sariling mundo pati na rin sila Ian, actually nagpauna na ako kay Ian kasi nga sabay kami ni Maye hehe.
Nang nakita nila kami bigla na lamang silang tumahimik na para bang nakakita ng multo kaya naman tinignan namin sila ni Maye na may pagtataka. Dumiretso nalang kami sa upuan namin at syempre doon na umupo pero pagkaupo na namin at aba! Nakatingin parin sila sa amin.
Bigla nalang hinila nila Zyanya at Ian yung mga upuan nila sa harapan namin at bumalik na muli ang mga kaklase namin sa mga sarili nilang mundo.
"Oh bakit?" Sabay na tanong namin ni Maye sa dalawa na may pagtataka.
"Isang tanong, isang sagot." Sabay din nilang sabi sa amin at tinignan kami ng seryoso.
"Ano naman yun?" Seryoso din na tanong ni Maye sa dalawa.
"Kayo na ba?" Tanong ni Zyanya sa amin at tinignan nya kami ng maigi.
"Ha? Anong 'kami' na?" Tanong ulit ni Maye. Mukhang hindi na gets ni Maye kung anong ibig sabihin ng 'kami'.
"Ha?! Sinong sila na?" Singit bigla ni Hildie at Burleigh at hinila din nila yung mga upuan nila kaya naman naging bilog kami HAHAHAHA gets nyo?
"Si Maye at Jace." Sabi ni Ian kay Hildie at Burleigh na bigla naman ikinalaki ng mga mata nila.
"ANO?!" Gulat nilang tanong sa amin kaya napatingin na naman sa amin yung mga kaklase namin dito sa amin saglit.
"Alam nyo? Ang lapit lang ng kausap nyo kailangan nyo pang sumigaw." Kalmadong sabi ni Ian sa dalawa at tinignan nya ito ng masama.
"Sorry naman, nabigla lang kasi kami." Sabi ni Hildie sa amin at nagpeace sign pa ito sa amin.
"Oo nga naman kasi kung mapapansin mo naman na nung first day, itong si Jace kinukulit si Maye, at ito naman si Maye sinusungitan naman si Jace tapos nung kahapon magkasama sila buong magdamag tapos ngayon malalaman nalang namin na sila na?!" Mahabang paliwanag ni Burleigh. Nasobrahan ata sa details HAHAHAHA.
"Hoy sagutin nyo nga yung tanong ko... ano bang yung pinagsasabi nyo na 'kami' na ni Jace?" Seryosong tanong ni Maye sa amin at tinignan nya kami isa-isa ng masama.
"May relasyon ba kayo ni Jace?" Sabay na tanong nung apat sa amin ni Maye na sya naman ikinalaki ng mga mata nya. She's so cute.
"What?! Wala noh! Bakit nyo naman nasabi?" Sabi ni Maye sa amin at tinignan nya ulit kami ng masama.
"Kayo kaya ang pinaguusapan dito sa school duh! Hindi nyo ba yun napansin?" Pagtataray ni Zyanya sa aming dalawa ni Maye at inirapan nya kami.
"Huwag mo kaming tinatarayan dyan ZYANYA! At tsaka napansin naman namin yun pero wala lang yun noh. Hindi po kami."Kalmadong sabi ni Maye at inirapan nya naman si Zyanya.
"Walang PAng kayo! Magkakatuluyan din kayo sa huli." Sabay na sabi nung apat sa amin na ikinangiti ko ng lihim. Nakakatawa kasi yung mga mukha nila hindi yung tungkol sa amin ni Maye.
"Whatever!" Pagtataray sa amin ni Maye at tinignan nya kami ng masama. Bakit ang hilig ni Maye ng tumingin ng masama.
"Ok! Balik na tayo! Baka mamaya darating na yung teacher natin." Sabi ni Burleigh. Tumango nalang kami at bumalik na nga kami sa seat arrangement namin at tamang-tama dumating na din yung teacher namin.
Maye's POV
Hays! Hindi talaga ako maka-concentrate masyado dito sa discussion! Paano ba naman kasi, itong katabi kong si Jace na dapat sa lesson ang attention nya aba! Nasa sa akin. Kung ice cream lang sana ako, matagal na akong natunaw sa mga titig nya. Actually, nadidistract na nga ako sa mga titig nya sa akin!Hanggang sa natapos na yung klase, hindi parin inaalis Jace ang tingin nya sa akin kaya naman tinignan ko din sya pero masama.
"Bakit ka ba nakatingin sa akin kanina pa ha?!" Pagsusungit kong tanong sakanya at inirapan ko sya. Hmmmmp!
"Wala lang ang ganda mo kasi." Sabi nya at nginitian nya ako na ikinamula ko bigla kaya naman nagiwas nalang ako ng tingin sa kanya at kinuha ko nalang yung bag ko at tumayo na syempre tsaka pumunta na lang kila trystyn na nagliligpit ng mga gamit.
"Oh bakit ka nandito?" Pagsusungit na tanong sa akin ni Trystyn at tinaasan nya ako ng kilay. Aba!
"Nagtatampo ka ba sa akin Trystyn?" Pag-aalala kong tanong sakanya at nilapitan ko sya ng tuluyan.
"Hindi ba obvious?" Sabi nya sa akin at inirapan nya ako.
"Bakit ka na naman nagtatampo sa akin Trystyn?" Kalmadong kong tanong sakanya at tinignan ko sya ng seryoso.
"Tsk! Doon ka na sa JACE mo!" Biglang singit ni Cyrene at inirapan nya ako.
"So selos pala kayong dalawa kay Jace?" Tanong ko sakanila at bigla nalamang akong napangisi.
"Malamang!" Sabay nilang sabi sa akin. Tsk! Sabi ko na nga ba eh! Mga selosa talaga itong mga ito kahit kailan HAHAHAHA! Nilapitan ko nang tuluyan yung dalawa at niyakap ko nalang sila ng mahigpit.
"Kayo talaga! Huwag na nga kayong magselos doon! Sige, ililibre ko nalang kayo ng ice cream." Natatawa kong sabi sakanilang dalawa.
"Talaga?! Yehey! Sige basta ice cream hehe." Sabay na naman nilang sabi sa akin at niyakap din nila ako ng mahigpit.
"Basta talaga ice cream eh noh?" Tanong ko sakanila at kumawala na sa yakap namin.
"Oo naman! Kaya mahal na mahal ka namin eh." Sabi ni Cyrene at niyakap nya muli ako saglit.
"Kaya nga! We love youuuuu!" Sabi ni trystyn at hinalikan nila akong dalawa sa magkabilang pisngi.
"Hahahaha! Ang sweet nyo naman! Kinikilig tuloy ako! I love you too." Sabi ko sakanilang dalawa at hinalikan ko din sila sa pisngi. Maski maldita itong dalawang ito, love na love parin namin sila. Mabait talaga sila pero hindi nila kayang ipakita sa ibang tao, kagaya lang din nila ako sa totoo lang. hindi kami basta-basta nagtitiwala sa mga tao.
BINABASA MO ANG
When I'm With You
FanficOnce upon a time, may dalawang tao ang magtatagpo muli mula sa mga nakalipas na tan at yun ay sina Jace at Maye. Ngunit nung nagkita sila muli ay hindi nila masyado makilala ang isa't isa dahil sa mga pinagdaanan nila hanggang ngayon. Meet Jace Jabr...