Once upon a time, may dalawang tao ang magtatagpo muli mula sa mga nakalipas na tan at yun ay sina Jace at Maye. Ngunit nung nagkita sila muli ay hindi nila masyado makilala ang isa't isa dahil sa mga pinagdaanan nila hanggang ngayon.
Meet Jace Jabr...
Aish! Good morning! Pinatay ko nalang yung alarm clock ko, maingay kasi tsaka bumangon nalang sa kama at nag inat-inat saglit bago naligo, pagkatapos kong naligo at nagbihis,at bumaba na ako, pagkababa ko nakita ko sila mommy at daddy na nag-aalmusal na kaya naman nilapitan ko sila at hinalikan sila sa pisngi.
"GOOD MORNING MOMMY AT DADDY!" masigla kong bati sakanila at niyakap ko sila ng mahigpit. I miss them so much!
"Hi baby, good morning. Maganda ata gising mo ha?" sabi sa akin ni daddy at hinalikan ako sa pisngi.
"Mukha ngang maganda ang gising ng baby natin, good morning sweetie." bati naman sa akin ni mommy at hinalikan din ako sa pisngi.
"Yes! Kasi kasama ko ulit kayo magbreakfast! Love you mommy at daddy." sabi ko sakanila at umupo na sa harapan nila.
"We loveyou more baby." sabay nilang sabi nila mommy sa akin.
Habang kumakain kami, nagtatawanan lang kami at kwentuhan maski ano hanggang sa inutusan ako ni mommy.
"Sweetie, pwede bang gisingin mo yung Kuya mo? Baka tulog pa sya eh, napuyat kasi kami medyo magmamadaling-araw na kami nakarating,sorry sweetie." sabi ni mommy pero inakbayan sya ni daddy at hinalikan sya sa labi kaya naman natakpan ko nalang yung mga mata ko.
"Yieeee baby don't close your eyes! By the way, baby don't worry may pasalubong kami sayo pinilit kasi kami ng kuya mo kagabi hehe." sabi ni daddy sa akin na ikinangiti ko ng todo.
"Talaga daddy?! Pero daddy mamaya ko nalang tignan hehe." sabi ko at tumayo na para gisingin kuno si kuya kaya naman pumunta nalang ako sa kwarto nya pagkarating ko doon hindi naman nakalock kaya pumasok na ako ng tuluyan at aba! Tulog nga parin hanggang ngayon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pero gwapo parin maski tulog aish! bakit ganun? Maski anong gawin nya gwapo nya parin? huhuhuhuhuhuhu kaya crush ko sya eh! Hays tama na nga! Umupo nalang ako sa tabi nya at ginising sya.
"Kuya Rence, gising na!" sabi ko sakanya at niyugyog sya.
"Hmmmmmm...... Five more minutes." sabi nya sa akin at nagtakip ng unan sa mukha pero tinanggal ko yun.
"Hindi, baka malate ka pa, cge na bangon ka na dyan pangit." sabi ko sakanya,gwapo naman talaga sya pero pangit tawag ko sakanya kasi baka lumaki lang yung ulo nya.
"Sige na mauna ka na nalang." sabi nya sa akin at tinignan nya ako saglit.
"Tsk! Sige na nga at oo nga pala marami akong binake na cookies ha? Yun nalang ang baon mo,okay?" sabi ko sakanya at tinignan ko yung maamo nyang mukha.
"Oo na pangit." sabi nya nalang kaya naman tatayo na sana ako nang bigla nya akong hinila at niyakap nya ako, ang bango ng damit nya huhuhuhuhu naiinggit ako!