Chapter 20: The Two Brothers

83 6 0
                                    

Ian's POV

Nang nasa tapat na ako ng bahay namin, tinignan ko muna kung anong oras na at 7:05 na pala hindi ko namalayan at tamang-tama dumating na din si Jace kaya naman hinintay lang naming bumukas yung guard tsaka nalang namin pinark yung kotse namin. Lumabas nalang kami sa kotse dala yung plastik na may cookies na binigay ni Maye o kaya naman pasalubong namin at pumasok na kami sa loob, nang nasa loob na kami sinalubog kami ng dalawa kong kapatid na babae.

"Hi kuya" bati sa akin ni IVY, ang bunso naming kapatid. She's a type of girl na wala na ibang banggitin kundi mga crush nya kuno. Medyo naiirita na nga ako pero love na love ko yan. Wala ngang manliligaw pero maraming pinapangrap na lalaki aish! Pero sabi nya naman, hindi muna sya magbo-boyfriend dahil high school pa lamang yan.

"Hello Ivy, oo nga pala may pasalubong ako sayo." sabi ko at binigay kay Ivy yung pasalubong ko, oo nga pala mahilig sya sa mga pasalubong maski ano hahahaha.

"Oh! Nakauwi na ka na pala Ian. Jace? Oh hi! Anong ginagawa mo dito." sabi naman ni ICA, ang panganay naming kapatid. She's a type of girl naman na lovely sa amin, kasi may boyfriend na sya actually mag to-2 years na sila ewan ko nalang kung kailan dahil wala naman akong pake pero ngayon meron. Masungit din yan kagaya ni ate Sam pero mabait din naman din naman si ate.

"Ate Ica, dito muna makikitulog si Jace, may pinuntahan kasi yung family nya." sabi ko nalamang at tinignan si Jace.

"Sure anytime! Oh sya, kumain na kayo, kakatapos ko lang magluto." sabi ni ate at umalis na papunta sa kusina.Tumango nalang kami.Kaya naman nilagay muna namin yung bag namin sa sofa at dumiretso na sa kusina. Kung nagtataka kayo kung nasaan sila mommy? Nasa trabaho lang naman pero ok lang, para din naman sa amin. Habang kumakain kami biglang nagsalita si ate.

"Oh! Musta na yung school nyo?" tanong ni ate at sumubo ng pagkain. Oo nga pala, she's like our mother dahil sa mga kilos nya pagdating sa amin.

"Ok lang naman po ate, kayo po?" tanong naman ni Ivy at uminom ng tubig.

"Ok lang din naman, kayong dalawa? Jace at Ian?" sabi ni ate at tinignan nya kaming dalawa ni Jace.

"Ayos lang naman Ate Ica, masaya naman." sabi ni Jace at biglang ngumiti.

"Why? Ishare mo naman po sa amin Kuya Jace." sabi ni Ivy at tinignan si Jace. Sus! Kung alam nyo lang, itong si Ivy may crush sa apat kong best friend tsk! Sasagot na sana si Jace nang inunahan ko na sya.

"Kasi magkasama sila ni Maye buong araw." Sabi ko nalang at tinignan naman ako ng masama ni Jace pero dinilatan ko lang sya.

"Sino si Maye, Kuya Jace?" Tanong ni Ivy kay Jace. If i know, nagseselos na ito kay Maye.

"Yung claasmate na nya na katabi nya or should i'll say his crush." Sabi ko nalamang at uminom ng tubig.

"Ahh kaya naman pala, ipakilala mo naman kami sakanya." Sabi ni ate Ica at tinignan nya si Jace.

"Opo ate hehe." Sabi nalang ni Jace at tinignan nya ulit ako ng masama pero nginitian ko lang sya.

"Oh ikaw Ian? Musta na yung school mo?" tanong ni ate sa akin kaya naman tinignan ko sila.Magsasalita na sana ako nang inakbayan ako bigla ni Jace at ngumisi sa akin tsaka inunahan nya na ako.

"Ito masaya din sya Ate Ica kasi magkasama sila ni Zyanya." sabi nalamang ni Jace at nginitian nya ako pero sinamaan ko lamang sya ng tingin.

"Yieeeee! Pumapag-ibig na si Kuya." kinikilig na sabi ni Ivy at nginitian nya ako.

"Sino naman yang si Zyanya?" tanong na naman ni ate sa akin at tinignan nya ako ng seryoso.

"Classmate din namin ate na katabi na bestfriend ni Maye or should i'll say his crush." sabi ni Jace at ginaya nya pa yung boses ko.

When I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon