Trystyn's POV
"Hi girls." Bati sa amin ni Jace pero nakatingin lamang sya kay Maye. Yung totoo? Nakikita ba talaga kami ni Jace? Parang hindi kasi eh tsk! Wala na lang kaming nagawa ni Cyrene kundi tumango na lamang.
"Pwede ba kaming makiupo? Puno na kasi." Sabi sa amin ni Jace na ikinataas ng kilay namin nila Maye. Seriously? Akala ko ba may sarili silang table? Pinagloloko nya ba kami?
"Pinagloloko nyo ba kami? Akala ko ba may sarili kayong table?" Pagtataray kong sabi sa tatlong lalaki kaya napatingin naman sila sa akin.
"Oo nga pero sadyang may nakaupo na doon." Sabi ni Judson at tinuro nya kung saan yung table nila at nakita namin sila Zyanya at Hildie na nakaupo doon kasama sila IAN AT BURLEIGH?! What bakit hindi man lang namin nakita/napansin.
Magsasalita na sana kami ng may mga narinig kaming tili/sigawan tsk! Ito na naman.
"Kyaaaah! Dito nalang kayo!"
"Hoy huwag kang assuming girl, dito sila uupo, right babe?!"
"May vacant pa dito baby, dito nalang kayo umupo!"
Inirapan ko nalang sila tsk! Mga babae nga naman ngayon dito sa school, mga papansin,at gandang-ganda sa sarili. Buti pa kaming lima nila Maye kasi sadyang maganda na kami ay este dyosa since birth.
"Oh bakit dito pa kayo nakikiupo? May mga vacant pa daw doon oh!" Sabi ko nalang at tinuro yung mga table na vacant kuno.
"Ayaw namin doon." Sabi nalamang ni Jace at nagsiupo na sila sa tabi at kung sa minamalas nga naman ako, katapat ko si Twain tsk! Ganito at arrangement namin. Ito naman kasing mga lalaki, sabihin nalang nila na gusto talaga nila dito.
Twain-Jace-Judson
Table
Ako-Maye-Cyrene
Malas noh? Ok pa sana kung katapat ko si Jace kaso hindi eh tsk! Hoy, huwag kayong magbigay malisya ah? Wala akong crush dyan kay Jace kay Maye na sya WAHAHAHAHA! Kumain nalang kami hanggang sa natapos na kaming mga babae, napatingin nalamang kami kay Maye nang bigla syang tumayo.
"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Cyrene kay Maye. Hula ko gutom pa ito.
"Bibili lang ako nagugutom pa ako eh, kayo? May gusto ba kayong ipabili sa akin?" Tanong ni Maye sa amin. Sabi ko na nga eh HAHAHAHAHA!
"Ice cream!" Sabay naming sabi ni Cyrene na ikinangiti ni Maye sus!
"Ok! Wait me here." Sabi na lamang ni Maye. Aalis na sana sya nang pigilan sya ni Jace kaya napatingin kami sakanya.
"Samahan na kita." Sabi nalamang ni Jace at tinignan nya si Maye.
"Ay! Huwag na hehe! Magoorder lang naman ako." Sabi ni Maye at tinignan nya pa kami.
"Sige na! bibili din kasi ako ng softdrinks hehe." Sabi nalamang ni Jace at tumawa pa. Anong nakakatawa doon?
"Hays hindi! May tubig ka naman dyan bakit hindi yun ang inumin mo?" Pagsusungit na tanong ni Maye kay Jace at inirapan nya ito. OA? Hahahaha joke!
"Sige na nga sabi mo eh." Sabi ni Jace at kay Maye at nginitian nya ito. Oo na gwapo na sya letche!
"Eh bakit ka pa sasama sa akin? Nasaan yung tubig mo?!" Pagsusungit na naman ni Maye at tinaasan nya pa ito ng kilay.
"Naiwan ko sa bahay nila Ian hehe." Sabi nalang ni Jace at nginitian nya na naman si Maye. Putcha naman! Tsk!
"Bakit mo naman kasi naiwan doon?" Tanong na naman ni Maye at tinignan nya na naman kami saglit.
"Nagmamadali kasi ako kanina." Sabi ni Jace at tinignan nya din kami saglit.
"Tsk! Yung tubig ko nalang nasa bag kunin mo." Utos ni Maye kay Jace at aalis na sana sya kaso pinigilan na naman sya Jace.
"Samahan na kasi kita please!!!!" Sabi ni Jace at nagulat na lamang kami ng bigla syang nagpacute?!
"Ang kulit mo naman pero, Aish! Fine! Sige na nga Halika na!" sabi nalang ni Maye at ayun nga umalis na yung dalawa, kaya naman naiwan nalang kaming apat nila King-kong the great tsk!
"Hoy Unggoy!" Tawag ni Twain kaya napatingin ako sakanya sinong tinatawag nya na Unggoy?!
"Sinong tinatawag mo na Unggoy?" Pagtataray kong sabi sakanya ngunit ng-nginitian nya ako?! Putcha naman.
"Sino pa ba? Edi ikaw!" Sabi nya sa akin daw?! At ngumisi pa sya sa akin anak ng king-kong naman oh!
"Hoy! Ikaw king-kong! Huwag na huwag mo akong tatawagin na UNGGOY dahil hindi ako UNGGOY!" Pasigaw kong sabi sakanya sabay duro ko sakanya.
"At huwag mo din akong tatawagin na KING-KONG dahil hindi naman ako si KING-KONG." Sabi nya sa akin sabay duro din sa akin.
"Hindi ka nga si King-kong pero kamag-anak ka nya." Sabi ko nalang at inirapan sya. Bwisit talaga sya!
"Sa gwapo kong ito?! Tsk!" Sabi nya sa akin sabay turo sa sarili nya. Masasapak ko na ata ito sa totoo lang! Pigilan nyo ako!
"Hahahahaha! Nagpapatawa ka ba? Gwapo ka? Saan banda? Hindi ko kasi makita." Sarcastic kong sabi sakanya at tinignan sya ng masama.
"Lahat hindi mo pa ba nakikita?" Sabi nya at kinindatan pa ako ng gago tsk!
"Ay lahat ba? Sorry, hindi ko makita kasi si King-kong talaga yung nakikita ko sayo." Sabi ko nalang at inirapan ko ulit sya. Ang kapal ng mukha nya para sabihan nya yung sarili nya na gwapo sya! Assuming lang.
"Alam mo, ngayon lang ako nakakita ng maruming mata. Maraming alikabok sa mata at ikaw yun UNGGOY, kaya pwede ba linisan mo yang mata mo para makita mo talaga kaharap mong napakagwapo." Sabi nya na ikina-usok ng ilong ko bigla. Putchang king-kong nga naman! Ako?! Maruming mata! My precious eyes?! Tsk! Hindi marumi ang mata ko. Baliw din pala sya eh tsk!
"I said don't call me Monkey!" Pabala kong sabi sakanya. Naiinis na ako sa kanya sa totoo lang!
"Anong gusto mong itawag ko sayo? Babe? Gross!" Natatawa nyang sabi na ikina-usok pa ng ilong ko! Masasapak ko na ito! Assuming syang masyado. Eh ayaw ko din naman na tawagin nya akong babe ewww!
"Yuck! Ayaw ko nga at tsaka may pangalan kaya ako and that is TRYSTYN" sabi ko at diniinan ko talaga yung salitang 'TRYSTYN'
"The Unggoy. Trystyn The Unggoy." Sabi nya na ikina-kulo ng dugo ko sakanya. Putcha, pwede bang patayin
ko nalang ito para matapos na?
Napa 'tsk' nalang ako at nagcellphone nalang. Bwisit talaga itong si KING-KONG kung wala talaga sigurong tao dito o kaya naman pwede talagang pumatay nalang ng tao malamang pinatay ko na talaga ito. Hinintay ko nalang si Maye, si Cyrene kasi walang kwentang kausap kasi nakatutok na sya libro haysssss! Ayan tuloy! Huhuhuhu! Bwisit talaga si Twain nanggigigil ako sakanya!
BINABASA MO ANG
When I'm With You
FanficOnce upon a time, may dalawang tao ang magtatagpo muli mula sa mga nakalipas na tan at yun ay sina Jace at Maye. Ngunit nung nagkita sila muli ay hindi nila masyado makilala ang isa't isa dahil sa mga pinagdaanan nila hanggang ngayon. Meet Jace Jabr...
