Chapter 17: Her Smile

83 6 0
                                    

Jace's POV
Nang nasa kusina na si Maye, nanonood muna ako sa tv ng basketball as always HAHAHA, pero pinatay ko nalang din, sayang sa kuryente. Maski mayaman ako marunong naman akong mahiya at magtipid. Ganyan ko kasi kamahal si Maye..... as a friend. Bigla nalamang sumagip sa isip ko si Ian, oo nga pala tawagan ko nga yun kaya naman dinial ko yung number nya. Sinagot nya na yung tawag ko nang magdadalawang ring palang tsk!

"Bro." Bati ko kay Ian.
"Oh? Anong kailangan mo?" Tanong nya kaagad sa akin. Kilala nya talaga ako. Hahahaha
"Nasaan ka?" Tanong ko din sakanya.
"May hinahataid." Simpleng sagot nya lang sa akin.
"Sino naman?" Tanong ko ulit. Hehe sorry chismoso ako pero minsan lang.
"Si Zyanya." Sagot nya naman sa akin.
"Talaga?! Ayuh! Pumapag-ibig na yung bro ko." Pang-aasar kong sabi sakanya.
"Loko ka Jace! Hindi noh, sinamahan nya lang ako." Singit ni Zyanya sa kabilang linya. Nakaloud-speaker pala.
"Hindi rin Zyanya, dumadamoves na yan sayo." Pang-aasar ko naman kay Zyanya.
"Gago ka talaga Jace! Hindi ako dumadamoves, so back to the topic, anong kailangan mo at tinawagan mo ako?" Seryoso nyang tanong sa akin. Nahalata ko sa boses nya.
"Bro, sainyo muna ako makikitulog sabi ni ate." Pagpapaalam ko sakanya. Malay ko bang hindi nya ako payagan.
"Sige, nasaan ka ba?" Tanong nya sa akin.
"Nasa bahay nila Maye." Sabi ko na lang at ngumiti. Mukha na tuloy ako baliw.
"ANO?!" Sabay nilang sabi ni Ian at Zyanya kaya naman napalayo ko yung phone sa tenga ko saglit.
"Aish!" sabi ko nalang dahil sa sakit ng tenga ko.
"Nakila Maye ka?" tanong ni Zyanya.
"Oo." sabi ko naman.
"Ah ganun ba? Pakisabi nga kay Louise na pupunta ako dyan." sabi ni zyanya sa akin.
"Bakit? Magkapit-bahay lang ba kayo?" tanong ko sakanya.
"Oo,magkatapat nga lang eh HAHAHAH." sabi nya at narinig ko pa syang tumawa.
"Sige sige sasabihin ko nalang sakanya, nasa kusina kasi sya nagbabake." sabi ko nalang.
"Ian,sama ka ba sa akin na pumunta kila Louise?" narinig kong tanong ni Zyanya kay Ian.
"Sige, sabay naman kami ni Jace na umuwi mamaya." sagot naman ni Ian sakanya.
"Uhm Jace, malapit na kami dyan ni Ian, Katok nalang kami." sabi ni Zyanya at binaba nya na yung tawag.

Tamang-tama dumating na din si Maye dala yung tray na may cookies at juice namin kaya naman tinulungan ko na syang ilapag yung tray sa may mesa.

"Maye." Tawag ko sakanya kaya naman napatingin sya sa akin.

"Hmmmmm?" tanong nya sa akin at iniswitch nya ulit yung tv.

"Magkapit-bahay lang pala kayo ni Zyanya." natatawa kong sabi.

"Oo naman, actually kaming lima nila Zyanya,Hildie,Cyrene,at Trystyn." sabi nya nalang at sumubo ng cookies.

"Ah,pupunta kasi sila dito ni Ian." sabi ko nalang kaya napatingin ulit sya sa akin.

"Ganun ba? Sige Kain ka lang dyan, magpapalit lang ako ng damit." sabi nya nalang at umakyat na sa taas para magpalit.

Kumuha ako ng isang cookies at sinubo ko yun tsaka tumayo muna para maglibot-libot muna dito sa bahay nila. Lumabas muna ako para tignan yung garden nila. Pagkadating ko sa garden,mukhang simple pero puno ng mga bulaklak sa gilid na halatang inaalagaan ito ng mabuti at sa gitna naman patag na ng dahon na pwede kang humiga,kasi pag gabi makikita mo dito ang karamihan ng mga bituin.

Pumunta naman ako sa swimming pool nila katabi lang naman ng garden nila. Pagkatapos pumunta naman ako sa may court, ang luwag. pwedeng-pwede magtraining dito o kaya naman magpractice, hindi ko alam kung saang sports magaling si Maye. Sinunod ko yung sa likod hindi alam pero nagulat nalang ako nang may nakita akong isang bahay napang-hayop? Ano?Tapos biglang may nakita akong dalawang maliit na PANDA?! seriously? Diba bawal mag-alaga ng panda?!

Pumasok nalang ako sa loob ng kusina nila. Hmmmm,kumpleto yung mga kagamitan kaso makalat kasi nga diba yung mga ginamit ni Maye kanina sa pangbake? Dumiretso nalang ako sa sala pero ngayon ko lang napansin yung mga family pictures nila.

Tinignan ko yung mga frame nila, sila yung tipong laging nakangiti, yung parang walang problema na halatang masaya sila. Kasi diba madalas sa mga picture frame napakaseryoso tignan.

Tinignan ko yung mga individual pictures nila. Yung mama nila, simple lang pero maganda, yung papa naman nila gwapo hahahahah, yung isang lalaki naman siguro kuya ni Maye, gwapo din kagaya ng papa nila para ngang magkamukha sila eh, and si Maye maski saang angulo maganda lalo na pag nakangiti sya.

Hanggang sa may kumatok na nalamang kaya naman pumunta na ako sa may pinto at binuksan ito. Bumungad sa akin sila Zyanya at Ian.

"Hi Jace." Bati sa akin ni Zyanya at nginitian nya ako. Natatakpan ang malalaki nyang mata. Hahahahaha

"Hello,Zyanya." Bati ko rin sakanya at nginitian sya.

"So, dito pala nakatira si Maye?" Tanong agad sa akin ni Ian na may pagtataka.

"Ay hindi, ako na ang nakatira dito." Pamimilosopo kong sabi sakanya at tinawanan sya.

"Tsk!" Sabi nya nalang at inirapan nya ako. Bakla ba ito?!

"Halina na kayo pasok na kayo, nagbibihis lang saglit si Maye, hintayin nalang natin sya." Sabi ko at hinila sila papunta sa sofa at pinaupo ko sila. Umupo nalang din ako at kumain.

Habang nanonood at kumakain kaming tatlo may narinig kami yapak pero hindi namin yun pinansin kasi nageenjoy kami sa pinapanood naman hanggang sa may tumabi sa akin at si Maye pala yun kaya naman napatingin kami sakanya. Sa hindi ko malaman bigla na lamang akong napalunok.

"Uhm hiiiii! Hindi nyo ako ata ako napansin kaya umupo nalang ako, kakarating nyo lang, Zyanya?" Tanong nya kila Zyanya at Ian, tumango naman itong mga ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Uhm hiiiii! Hindi nyo ako ata ako napansin kaya umupo nalang ako, kakarating nyo lang, Zyanya?" Tanong nya kila Zyanya at Ian, tumango naman itong mga ito.

"Oo Maye, sorry kung hindi ka namin napansin." Sabi ni Ian kay Maye at nginitian nya ito pero sinamaan ko ng tingin si Ian.

"Ok lang, mukha ngang nage-enjoy kayo sa pinapanood nyo eh." Sabi nalang ni Maye at tumingin sya sa akin.

"You look so hot and beautiful." Bigla ko nalang nasabi kaya napatingin din sa akin sila Ian at Zyanya at bigla nalamang silang ngumisi sa akin. Pero maya-maya binalik nalang nila ang attention nila sa tv. Nagulat nalang ako nang biglang nilapit ni Maye yung bibig nya sa may tenga ko.

"Thank you." Bulong nya sa may tenga ko at nilayo nya na yung mukha nya sa akin. Aish Jace! Huwag na huwag kang maano dyan!

Habang nanonood na kaming apat, bigla na lamang tumayo sa Maye kaya naman nagtataka kami sakanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang nanonood na kaming apat, bigla na lamang tumayo sa Maye kaya naman nagtataka kami sakanya.

"Kukuha lang ako ng cookies, naubos na kasi, saglit lang." sabi nya at kinuha nya yung tray tsaka pumunta sa kusina.

When I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon