Chapter 30: Cute

70 7 0
                                        

Jace's POV
Habang natutulog na si Maye ay nagdradrawing ako kung ano-ano, oo nga pala, hindi ko pa ba nasabi sainyo na mahilig akong magdrawing? Hahahahaha! Noong bata pa kasi ako, mahilig na talaga akong magdrawing hanggang ngayon hehe that is one of my talent......

Nang natapos ko na yung drawing ko, napangiti nalamang ako wala sa oras, ang galing ko talaga! Ayieeeeee! Hahahahaha paano ba yan? Crush nyo na ba ako? Jokeeeeee! Kay Ma— wala!

Nag-iisip pa ako kung ano ang isusunod kong idra-drawing pero napatingin ako bigla kay Maye na natutulog bigla akong napaisip na bakit hindi nalang sya ang iguhit ko? Great idea. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at pinicturan sya habang natutulog pagkatapos tinignan ko yung picture ni Maye sa phone ko.... actually she's cute and she has a angelic face... hindi na ako magtataka na maraming nagkakagusto sakanya.

Inumpisahan ko ng iguhit ang kanyang sarili, sinimulan ko muna sa mukha nyang mala-anghel.....

* 15 minutes later *

Hays! Mata palang ang natapos ko! Pinapaganda ko pa kasi, pasensya na maski nakapikit sya ang hirap iguhit.... maya-maya biglang may tumawag dito sa phone ko at bumungad sa akin ang pangalan ni Ate Sam kaya naman agad-agad ko itong sinagot.

"Oh ate? Bakit ka napatawag?" Tanong ko kaagad sakanya.
"Nasaan ka? Samahan mo nga ako dito sa garden, naboboring ako eh!" Pagyayaya sa akin ni ate. Bigla nalang ulit akong kay Maye na natutulog ng mahimbing at napahinga nalang malalim, aish! Bad timing si ate, nasaan ba si Ate Judith (Judson's sister) at Ate Ica (Ian's sister)?
"Nasaan ba sila Ate Judith at Ate Ica?" Tanong ko sakanya, minsan lang kasi ito magyaya pag wala syang kasama o kaya naman naboboring.
"Ewan ko sa mga pangit na yun!" Naiinis na sabi ni ate.
"Ah..... ate kasi....." kinakabahang sabi ko pero hindi ko pinahalata, gets nyo?
"Ano? Busy ka ba? Siguro may iba ka ng kasama dyan? Sino ba yan? Nasaan ka ba para puntahan nalang kita." Kalmadong sabi ni ate pero alam ko naiinip na yan HAHAHAHA!
"Nasa rooftop ako ate..." sagot ko nalamang sakanya.
"At ano naman ginagawa mo dyan?!" Naiinis na sabi ni ate.
"Wala naman po nagpapahangin lang." simpleng sagot ko nalamang.
"At sino naman kasama mo dyan?" Tanong nya sa akin malamang!
"Si Maye" nahihiya kong sabi sakanya aish! Alam ko pag nagkita kami ni ate, aasarin nya na naman ako ng todo.
"WHAT?! TALAGA?! SIGE PAPUNTA NA AKO DYAN! WAIT FOR MEEEEE! BIBILI LANG AKO NG FOOD NATIN AND GUSTO KO RIN MAKAUSAP SI MAYE HEHE BYEEEEEEE!!!!" Sigaw ni ate na ikinalaki ng mata ko bigla, oh shit! Napatingin ulit ako kay Maye na tulog parin.....
"But Ate—" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang binabaan na ako ni  Ate ng tawag, napahilot nalang ako sa ulo ko wala sa oras shemay naman si ate bad timing minsan!

Napagpasyahan ko na ipagpatuloy ko nalang ulit yung pagguguhit ko kay Maye, matang nakapikit palang ang ganda na paano pa kaya kapag nakamulat na? Maganda naman talaga ang mata nya, sarap ngang titigan eh? (Anong lasa, Jace?) hahahaha! Ang sweet ng mata nya lols!

* 10 minutes later *

Salamat! Natapos ko rin yung sa ilong nya Hahahahaha! Medyo madali lang naman hahahahaha! Tinignan ko ulit ito ng maigi.... kung idedescribe mo kasi yung ilong nya..... hindi mo sya masasabi na matangos ang ilong nya at mas lalong hindi nyo masasabi na pango ang ilong nya... gets nyo? Hahahahaha! Pero wait lang, 20 minutes ang lumipas diba? Malamang nagtanong pa ako tsk! Diba sinabi ni ate na pupunta sya dito nasaan na kaya? Nevermind baka naman gumala na kung saan-saan. Bahala na sya sa buhay nya.

Napahikab nalamang ako wala sa oras, mukhang inaantok na din kasi ako, nagpuyat kasi ako kagabi dahil kakaisip kay Ma— doon sa pinanood ko na lovestory nila Daniel Padilla, huwag kayo! Fan ako ng KathNiel! Hahahahaha! Tinignan ko muli si Maye na kung kanina mahimbing ang tulog ngayon naman hindi mapakali sa puwesto nya, kung saan-saan ginagalaw ang kanyang ulo kaya naman since mabait ako, lumapit pa ako sakanya lalo na halos magdilit na yung balat namin na ikinataas ng mga balahibo ko bigla! Hahahaha! And then, ipanatong ko yung ulo nya sa balikat ko para naman makatulog pa sya, at nagulat nalamang ako nang bigla nyang ipinulupot ang ang kanyang mga sa aking braso at naaamoy ko ang kanyang buho, hmmmmmm, amoy strawberry hahahahaha! Makatulog na nga muna ako hays, napagod ako eh but i enjoy this moment,really.

When I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon