Chapter 33: Shopping with them

63 2 0
                                        

Maye's POV
"Ate! Dito na kasi si Maye!" Pangungulit ni Jace kay Ate Sam at nagpout pa ito.

Actually, kanina pa kami nandito sa parking lot kaso hindi kami makaalis dahil dito sa magkapatid na nagkukulitan kung saan ako uupo.....

"No! Dito lang sya!" Pagsusungit na sabi ni Ate Sam kay Jace at tinawanan nya lang ito.

"Ate naman pleaseeeeee! Hindi tayo aalis dito!" Sabi ni Jace at nagpacute pa sya kay Ate na ikinatawa ko.

"Edi magtataxi nalang kami.... basic!" Sabi ni Ate at tumingin pa sya sa kapatid nya tsaka kinindatan.

"Ate naman! Nagmumukha na naman akong driver dito eh!" Sabi ni Jace at nakabusangot na sya....

"Talaga driver ka noh! HAHAHAHA!"  Pang-aasar ni Ate at dinilatan nya pa ito.

"ATEEEEE!" Sigaw nya nalang dito sa loob ng kotse si Jace. Hahahahaha! Kawawa naman si Jace.

"Ate ok lang po, doon nalang po ako sa harap." Sabi ko nalamang para tumigil na si Jace sa pagwawala.

"Sige Maye, ikaw bahala hehe." Sabi nalamang ni ate sa akin at nginitian nya ako.

"Hehe sige po." Sabi ko nalamang at lumabas na sa backseat at pumunta sa shotgun-seat hehe.

"Buti naman." Sabi naman ni Jace at dinilatan nya si Ate Sam.

"Alis na nga tayo, bwisit!" Naiinis na sabi ni Ate at inirapan nya pa yung kapatid nya pero tinawanan lang sya ni Jace.

Hanggang sa nakarating na kami dito sa mall nagulat nalang kami ni ate nang pagbuksan ako ni Jace at inalalayang bumaba.

"Ahh.... hehe sige lang okay lang ako...." medyo nahihiya kong sabi kay Jace at binitawan ko na yung kamay nya....kasi baka mamaya itong ate nya magbigay malisya sa amin.

"Sige na.... just take my hand." Sabi nya sa akin at hinawakan nya ulit yung kamay ko.

"Sus! Halina nga kayo naiinip na ako eh!" Naiinis na sabi ni ate at nauna na syang pumasok sa mall.

Wala na kaming ginawang tatlo kundi lakad dito, lakad doon hays!

"Oh Maye! Dito samahan mo ako! Bibili tayo ng mga bagong damit natin hehe." Sabi ni Ate at humawak pa sa braso ko kaya naman napatingin bigla dito si Jace.

"Uhm Ate—" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang hinila na kaagad ni Ate papasok sa isang Shop....

"Uhm....Maye upo ka muna diyan maghahanap lang ako ng damit na babagay sa akin, okay?" Sabi ni ate at hindi pa ako nakakapagsalita nang biglang umalis na sa harapan ko si Ate.... maya-maya I decided na maghanap nalang din ng bagong damit pero pambahay lang HAHAHAHAHAH! Choooos lang!

"Maye!" Napalingon ako kung sino ang tumawag sa akin....nagulat nalang ako nang hinila niya ako sa paupo malapit sa may men's section.

"Anong mas bagay sa akin?" Sabi nya at may ipinakita sya sa aking dalawang damit....actually bagay naman sakanya yung dalawa, bakit kailangan nya pang mamili? HAHAHAHAHAHA!

"Bagay naman sayo yang dalawa HAHAHAHAHA!" Sabi ko kay JACE. Tama kayo, si Jace nga...

"Ganun ba... hehe, sige bibilhin ko na itong dalawa." Sabi niya at bigla niya nalamang akong hinila sa may counter.

When I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon