Chapter 19: Happy

78 5 3
                                        

Jace's POV

"Alam mo Ian? Lalagyan ko na yang bibig mo ng tape!" pagbabanta ko kay Ian. Mas gugustuhin ko nalang na tahimik nalang sya kaysa naman magsalita sya na para bang wala ng bukas tsk!

"Tsk!" sabi nalang ni Ian sa akin at sinamaan nya ako ng tingin.

"Uhm, bakit Ian?" sabay tanong nung dalawang magagandang babae at tinignan si Ian tsk!

"Sabay nalang ako sayo Zyanya--- ay mali pala, ihatid nalang kita baka mapa-ano ka pa." sabi ni Ian at tinignan si Zyanya.

"Ha? eh sa tapat lang ng bahay nila Louise oh! Tatawid lang ako." sabi naman ni Zyanya at nagpout ito.

Nagulat nalang ako nang tumabi sa akin si Maye at biglang ngumisi, parang nagets ko naman yung kaya nahawa ako sa pagngisi nya. Sinasabi ko na nga bang dumadamoves na itong si Ian kay Zyanya, may pahatid-hatid pang nalalaman.

"Maski na ihahatid parin kita. Paano nalang kung may sasakyan na dumaan? Sige na please." sabi ni Ian at nag puppy-eyes pa ito. I can't believe it! Ngayon ko lang syang nakita nagganyan. Sa singkit nyang yan?!

"Diba sabay kayo ni Jace?" tanong ni Zyanya at umirap naman ito.

"Susunod nalang ako." sabi ko nalang at ngumiti sakanya. Nasabi ko lang naman yun para masolo ni Ian si Zyanya hahahaha.

"Sige na mauna na kayo, may sasabihin pa kasi ako kay Jace." sabi nalang bigla ni Maye sa akin at kinidatan nya ako. Oh my Sh*tue!

"Tsk! Sige na nga, wala din naman akong magagawa." pasungit na sabi ni Zyanya at inirapan nya kami.

"Papayag ka lang din pala sa huli, halika ka na mauna na kami sa labas MACE!" sabi nalang ni Ian at lumabas na sila. Natawa nalang si Louise, parang musika sa aking tenga.

"Loko yun ah" sabi ko nalang at tumawa nalang din

"Hahaha! Hayaan mo na. Diba tahimik yun si Ian? Pero ngayon madaldal na." sabi ni Maye at ngumiti nalamang sya.

"Ewan ko dun! Minsan lang naman magsalita yun." sabi ko at napakamot nalang ako sa ulo.

"Hahaha! Ay oo nga pala, yung headset ko." paalala sa akin ni Maye, ay shocks nakalimutan ko na hahaha!

"Oo nga, buti pinaalala mo sa akin hehe." nahihiya kong sabi sakanya at kinuha ko sa bulsa ko yung headset nya at ibinigay yun sakanya.

"Salamat, Jace" pagpapasalamat niya sa akin, sa totoo lang parang masarap sa pakiramdam pag siya ang tumawag sa pangalan ko.

"Walang anuman, Maye. Basta para sayo." sabi ko nalang at ibinulong ko nalang yng huling sasabihin ko. Nginitian nya ako ng matamis. Sana ganito nalang talaga,yung lagi syang nakangiti.

"Sige na, hatid na kita sa may gate." sabi ni Maye na ikinagulat ko.

"Huwag na." pagtatanggi kong sakanya. Nakakahiya kaya! Babae ang maghahatid sa lalaki? Akward naman ata yun.

"Sige na Jace, kasi tuwing may bisita kami, hinahatid namin sila sa gate." pagpipilit sa akin ni Maye at nagpuppy-eyes. Well, sya na ang panalo.

"Sige na nga, ikaw din naman ang maghahatid sa akin." sabi ko sakanya at kinidatan ko sya na ikinamula nya hahahahah.

" sabi ko sakanya at kinidatan ko sya na ikinamula nya hahahahah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
When I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon