Maye's POV
Sa totoo lang, nakakapagtaka na kasi ba naman bakit sila magkasama ni Burleigh at Hildie? Magkaholding hands pa tsk! Hindi man lang nagsasabi si Hildie. Ito namang si Ian at Zyanya nag-uusap naman na. Si Zyanya kasi mahiyain syang tao, ganun din naman yata si Ian hays. Matanong ko nga mamaya yung dalawa tsk. Nagulat nalang ako ng bigla akong kinalabit ni Jace kaya napaharap ako sakanya.
"Hmmmm?" Mahina kong tanong sakanya baka kasi marinig kami ng teacher namin.
"May kasabay ka bang uuwi mamaya?" Tanong nya sa akin at tinignan nya saglit yung teacher namin kaya napatingin din ako pero nagdidisscuss parin.
"Oo pero pwede bang mamaya nalang? Kasi may klase pa tayo hehe." Sabi ko nalang at tumango naman sya kaya naman nakinig nalang ulit kami sa klase bago pa kami pagalitan ng teacher namin.
*FAST FORWARD*
Hays salamat at natapos na din yung klase dahil maski papaano makakapagpahinga na ulit ako sa bahay habang nanonood ako ng 'Marriage Not Dating' nakakakilig kaya yun at tsaka nakakapagod kayang umupo HAHAHAHAHA! Kinuha ko nalang yung bag ko at lumabas na ng room, hinintay ko muna sa labas si Zyanya, pero pagkalabas nya kasama nya si Ian. Sa totoo lang curious na ako.
"Louise!" Tawag sa akin ni Zyanya at nilapitan nya ako.
"Hmmmm?" Walang gana kong tanong at tinignan si Ian saglit.
"Una na kami ni Ian, kasi mag gro-grocery lang kami hehe." Sabi ni Zyanya at nginitian nya ako. Edi sya na yung cute!
"Ahh, ganun ba? Sige sige ingat kayo ha? Bye bye." Sabi ko nalang at hinalikan ko si Zyanya sa pisngi at nginitian ko si Ian.
"Ikaw din ingat ka pauwi." Sabi ni Ian sa akin at nginitian nya ako. Gwapo naman pala sya pag nakangiti!
Nung umalis na sila, nilapitan naman ako nung dalawa kaya kaharap ko naman itong si Cyrene at Trystyn.
"Louiseeee! Una na din ako kasi sabay kami ni Kuya Curt." Sabi ni cyrene at niyakap nya ako saglit.
"Ako din po Babe, alis na ako, uwi na ako sa bahay magpapahinga pa ako." Walang gana sabi ni Trystyn at nginitian nya ng tipid.
"Oh? Hindi kayo sabay ni Kuya Tristan?" Tanong ko sakanya. Madalas kasi kasabay namin yung mga kuya namin kaya ito medyo sanay na sabay pasok at uwi.
"Hindi daw eh tsk! May gagawin daw silang project." Sabi nya sa akin at niyakap nya ako.
"Sabay ka nalang kaya sa amin ni Kuya Rence kung gusto mo?" May pag-aalala kong tanong sakanya at hinawakan ko pa yung mukha.
"No, it's ok. Sasabay nalang ako kila Cyrene. Alam mo naman gusto ka palaging solohin ni Kuya Lawrence HAHAHAHAHA!" Sabi nya at pinisil nya yung pisngi ko saglit.
"Tse! Sige na nga umalis na kayo. Ingat kayong tatlo ha? Bye bye."Sabi ko nalang at hinaikan ko sila sa psingi.
"Byeeee! Love you!" Sabi nila at umalis na sila habang kumakaway sa akin. Mga baliw.
Tatalikod na sana ako namg biglang may yumakap sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Bwisit ka talaga Hildie! Ikaw lang naman pala. Umuwi ka na nga tsk!" Pagsusungit kong sabi sakanya. Sya lang naman pala akala ko kung sino na.
"Yaaaaaah! Your so mean.By the way Louise, uwi na din ako ah? Gusto ko na kasing mag basketball." Sabi ni Hildie eat tumatalon-talon pa sya.
"Mas mabuti pa. Sige na alis na shooooo!" Pagtataboy ko sakanya bigla naman syang nalungkot kaya dahil doon natawa na lamang ako.
"Sige na nga." Sabi nya sa akin at nagpout pa sya sus! If i know, nagpapacute na naman yan sa akin. Niyakap ko nalang sya hindi ko kasi sya matiis eh.
BINABASA MO ANG
When I'm With You
ФанфікиOnce upon a time, may dalawang tao ang magtatagpo muli mula sa mga nakalipas na tan at yun ay sina Jace at Maye. Ngunit nung nagkita sila muli ay hindi nila masyado makilala ang isa't isa dahil sa mga pinagdaanan nila hanggang ngayon. Meet Jace Jabr...
