Chapter 7: They/Were look like

152 7 1
                                    

Zyanya's POV
Hello everyone! pakilala lang muna po ako muli,okay? ako nga pala si ZYANYA CASSIDY! bestfriend/classmate ni Louise hehe yun lang excited na ako sa ike-kwento ko ehh hehe!

Pinagmasdan ko lang sila Jace at Louise. Nakakatawa talaga itong dalawang ito.paano ba naman? hanggang doon sa counter nag-aaway sila daig pa ata nila yung magboyfriend/girlfriend eh.Sana sa totoo lang,sila ang magkatuluyan hehe,bagay kasi sila eh HAHAHAHA. Oo nga pala naalala ko na kailangan kong pumunta sa library dahil maga-advance reading pa ako kahit na first day at kunti lang kasi yung tao sa library pag first day tsaka malamig doon HAHAHAHAHAHA. Tumayo na ako at kinuha yung bag ko kaya napatingin sa akin sila Hildie.

"Uhm guys, alis na ako ha? may pupuntahan pa kasi ako ehh"sabi ko sakanila at nginitian sila.

"Saan ka naman pupunta Zyanya?"tanong sa akin ni hildie at tumingin sa akin malamang.

"Sa library lang."tipid kong sagot at hinihintay ko sila kung may tanong pa. Alam ko na yan,pag magtatanong hindi lang isa,kundi marami.

"Ha? Ganun ba? Sige, sama nalang ako sayo. Gusto ko ring magbasa ehh" sabi ni cyrene at kinuha nya na yung bag nya tsaka tumayo na din.

"Cge guys alis na kami"pagpapalaam kong sabi sakanila at kumaway tsaka tuluyan na kaming pumunta sa library.

Cyrene's POV
Well,hello ako nga pala si CYRENE KENNEDY, sa totoo lang may pagkanerd talaga ako hehe, oo nga pala kaya lang naman ako sumama dito kay Zyanya dahil naiinis ako doon sa nangangalang JUDSON! Akala mo naman kung sinong gwapo pero pangit baman tsk!

"Oh cyrene, ok ka lang ba?"tanong sa akin ni zyanya,pero hindi ko muna sya sinagot kasi naghahanap kami ng mauupuan at nang makahanap na nga kami syempre umupo muna kami bago ko sinagot yung tanong nya.

"Oo naman,bakit mo naman natanong yan?"tanong ko naman sakanya ng nagkal-kal sa bag ko saglit.

"Kasi ba naman cyrene,kanina ka pa nakasimangot dyan. May problema ba?"sabi sa akin ni zyanya na may pag-aalala pero umiling lang ako bilang sagot at tumayo nalang para maghanap ng libro.

Tuwing nagbabasa kasi ako ng mga libro,nakakalimutan ko ang mga problema ko. Kagaya ngayon may problema ako,alam nyo ba kung ano yun? Yung lalaking unggoy na yun. Sino pa ba edi si judson! Tsk! Nang nakahanap na ako bumalik na ako doon sa pinagupuan namin pero nakita ko si zyanya na may katext kaya naman umupo muna ako at tinawag sya.

"Pst!"mahina kong tawag sakanya kasi nga diba? Bawal ang maingay dito sa library?

"Hmmmmm?"tanong nya naman sa akin at tinignan nya ako.

"Sino naman yang katext mo?"tanong ko sakanya at tinaasan sya ng kilay. Alam naman nya siguro kung ano ang ibig kong sabihin.

"Uhm, si Louise lang naman cyrene heheh, hindi lalaki"sabi nya sa akin at binigay nya sa akin yung phone kaya kinuha ko yun para basahin yung conversation nila.

Louise:
Zyanya, nasan kayo ni cyrene? Ayaw sabihin sa akin nila hildie eh!

Zyanya:
Nandito kami sa library HAHAHAHAHA!

Louise:
Nagtatampo na ako sainyo,huh? Iniwan nyo ako dito sa cafeteria HUHUHUHU

Zyanya:
Sus! If we know gustong-gusto mo namang kasama yang si Jace HAHAHAHAHAHA!

Louise:
Yuck! Hindi ko gusto na makasama si Jace noh! Tse!

Yan ang conversation nila. Pero nakakatawa si Louise,huh? Maasar nga yun minsan pag nasa mood ako hehe. Pero sa totoo lang, bagay naman sila ehh. Binigay ko nalang yung phone kay zyanya at nagbasa nalang ng libro.

Maye's POV
Alam nyo sa totoo lang? Naiinis na ako! Alam nyo kung bakit? Kasi hanggang ngayon kasama ko itong si Jace! Kung nasaan ako,nandoon din sya jusme! Ewan ko nga dito kung bakit ehh. Iniwan na nga ako nung apat na pangit. Una sila Cyrene at Zyanya, sumunod naman si Hildie at Trystyn hays.Tinignan ko nalang yung orasan ko hehe at 10 minutes nalang at mag-uumpisa na yung next class namin kaya naman pumunta na ako sa classroom namin, ewan ko lang kay Jace kung magclassmate kami paiba-iba kasi yung schedule namin eh. Baka nga hindi ko classmate sila Zyanya.

Habang naglalakad kami syempre ako yung nangunguna sa paglalakad. Sabi nga nila sa oras daw na maglakad ako sobrang bilis. Well, hindi nyo ako masisisi kasi ganun talaga ako magpalakad at nakasanayan ko na hehe. Nabigla nang hilain ako ni Jace at hinawakan nya yung kamay ko. At ito na naman yung parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko creepy. Kaya naman napatigil ako at tinignan ko yung kamay namin tsaka tinignan ko naman si Jace ng masama.

"Hoy Jace! Sinong may sabi na pwede mong hawakan yang kamay ko?" Sabi ko sabay turo sa kamay namin

"Ang bilis mo kasing maglakad. Pwede bang hintayin mo naman ako?" Sabi nya sa akin at tumawa pero inirapan ko lang sya.

"Ano?! Ako hihintayin kita? Bakit kailangan bang ako ang maga-adjust? At tsaka 5 minutes nalang kaya, mag-uumpisa na yung next class. Hindi naman siguro tayo magclassmate kaya bitawan mo yung kamay ko!" Sabi ko at pilit kong tanggalin yung kamay ko sa kamay nya pero mas hinigpitan nya yung pagkakahawak nya sa kamay ko.

"For your information Maye, magkaparehas tayo ng schedule hehe." Sabi nya sa akin at nginitian ako

"What?! Are you serious?" Tanong ko sakanya na may pagtataka, pero parang impossible naman talaga na magparehas kami ng schedule. Ano kami high school?!

"Oo nga tayo nila Zyanya, siguro kasi sa sobrang talino natin kaya magkaparehas tayo ng schedule" sabi nya nalang sa akin hinila ako papaunta sa classroom. I can't believe it! Ok na sana kung mag-kaiba kami ng schedule, pero hindi eh huhuhuhu!

Nang makarating na kami sa classroom, nalate na yata kami kasi napatingin sa amin yung mga classmates at teacher namin sa kamay namin kaya naman pinilit ko ulit tanggalin pero ganun parin mas lalo nya lang hinigpitan na para bang ayaw na nya ng bitawan yung kamay ko. Napatingin ako kay Jace ng masama pero nginitian nya langa ako. Lord naman eh, help me naman po huhuhuhuhu. nakakainis na kasi talaga si Jace ehh! marami na yatang napapagkamalang "kami" jusme! ops! huwag kayong magbigay malisya na alam ko,halata lang naman sa tingin nila sa amin tsk!

"Sorry Sir,were late hehe"sabi ni Jace at tumawa ng mahina. Putcha nagawa nya pang tumawa samantalang ako halos mamatay na ako sa nerbyos! kasi nga diba baka mamaya ma-detention kami ay mali pala ako,AKO!!

"No,it's ok. Kakarating ko lang din naman,but i'm expecting that you two will not be late in every subject, beacuse that can cause why are you in detention,understand?" sabi ni sir sa amin at ngumit sa aming dalawa ni Jace.

"Yes Sir, were really sorry"sabi ko at tinignan ko yung mga kaklase ko na masama pero nginisian lang nila ako putcha!

"It's ok, you may now sit you two at the back"sabi sa amin ng sir namin kaya naman pumunta na kami sa inuupuan daw namin,nang makaupo na kami bigla ko nalang tinanggal yung kamay ko at sa wakas natanggal ko rin tsaka nakinig nalang ako sa discussion.

When I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon