Chapter 26: She

83 7 0
                                        

Trystyn's POV
"Oh, bakit parang ang tahimik nyo?" Napatingin kami sa nagsalita at si Jace lang pala yun kasama si Maye malamang! Hindi lang namin napansin na nandito na pala sila.

"Oo nga." Sabi naman ni Maye at nilapag na nila yung pagkain namin.

"Ah eh.... wala naman." Biglang sabi ni Cyrene kaya napatingin ako sakanya at tinaasan ko sya ng kilay.

"Salamat naman at nagsalita ka CYRENE." Sarcastic kong sabi at diniinan ko pa talaga yung pangalan nya para dama tsk!

"Ha? Bakit ako?" Tanong ni Cyrene sa akin at tinuro nya pa yung sarili nya.

"Wala!" Sabi ko na lamang at tuluyan ng umupo yung dalawa lovebirds kuno.

"Hindi naman kasi ako makasingit kasi nga diba, nagaasaran kayo ni Twain." Sabi na lamang ni Cyrene at kumain nalang sya ulit.

"kung magasaran kayong apat daig nyo pa yung mag gf/bf ayieeee." Pagtutukso ni Maye sa amin inirapan nalang namin sya ni Cyrene at kumain nalang kami ng ice cream na libre ni Maye.

"Oo nga naman" sabi ni Jace at tumango-tango pa ito tsk! Nagmumukha lang syang tanga!

"Bagay si Trystyn kay Twain at bagay si Cyrene kay Judson ayieeeeee!" Sabi ni Maye na parang kinikilig sya. Ngayon ko lang ulit sya nakitang kinikilig lagi lang kasi syang nakasimangot.

"Ito?! Yuck! Never!" Sabay naming sabi ng apat sabay turo namin sa isa't-isa.

"Never kayo dyan? Hahahaha! Bet ko sa huli kayo lang ang magkakatuluyan." Sabi ni Maye sa amin at ngumisi. Putcha, naririnig ba ni Maye yung pinagsasabi nya? Si Twain? Tsk! No no no no!

"So kinikilig ka?" Tanong ni Jace at tumingin kay Maye.

"Hindi ba obvious?" Pagsusungit na tanong ni Maye at inirapan nya ito.

"Tsk! Samantalang sa mga charms ko hindi ka man lang kinilig." Sabi ni Jace na ikinatahimik namin at tinignan sya.

"Ha?" Pagtatakang tanong ni Maye na ikinatigil ni Jace sa paginom ng tubig.

"Wala sabi ko ang cute mo pag kinikilig." Sabi ni Jace at kinindatan nya pa si Maye na ikinamula naman nito.

"Kayo rin Louise, bagay kayo ni Jace." Pang-aasar na sabi ni Cyrene kay Maye na ikinamula nya na naman. Ayieeeee! Bagay ko din sila maasar ko nga ito minsan wahahaha! Napatingin ako kay Twain na tumatawa pero nagtataka ako sakanya,bakit parang ang lungkot ng mga mata nya? Aish!

"Hoy yang mga tawa nyo, tumatalsik na yung mga laway nyo! Mahiya naman kayo sa MGA GIRLFRIEND nyo, kaharap nyo lang oh." Pang-aasar ni Jace sa dalawa at tumingin sa amin amin tsaka kinindatan.

"Ha-Ha-Ha, nakakatawa ka Jace. Ito? Si Judson,boyfriend ko? A-S-A! Ni hindi ko nga sya type." Sabi ni Cyrene at tinuro nya pa si Judson.

"Hoy pangit, anong akala mo gusto kita?! Aba! Libreng mangarap pero sorry ka nalang hindi ka pasado sa mga standards ko." Sabi ni Judson at uminom ng tubig.

"Oo nga naman." Pang-sasangayon ni Twain kaya napatingin ako sakanya at tinaasan sya ng kilay.

"Hoy King-Kong, huwag kang makialam, hindi ikaw yung kinakausap tsk!" Pagtataray kong sabi sakanya at inirapan sya.

"Nahiya naman ako sayo UNGGOY, eh hindi nga din ikaw yung kausap ko." Sabi ni Twain at inirapan nya din ako. BAKLA BA ITO?! Sayang naman ang kagwa- pagkalalaki nya dahil mukha talaga syang bakla.

"Ayieeeeeeee! Ang cute naman ng endearment nyong dalawa." Sabi ni Maye at sumubo ng fries.

"Ewwww!" Nandidiri at sabay naming sabi ni Twain kaya nagtinginan kami saglit tsk!

When I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon