Jace's POV
Pagkaakyat na pagkaakyat ni Maye, tinignan ko si Tita Mya at nginitian ito, lumapit sya sa akin at tinapik nya yung balikat ko."Sige iho, maiwan ko muna kayo ng Tito Lee mo dahil kukuha ako ng cookies na binake ni Maye,okay?" Sabi ni Tita Mya sa akin at tumango nalamang ako tsaka umalis na si Tita Mya papunta sa kusina.
Napagdesisyunan ko na umupo muna na kung saan ako umupo kanina habang kumakain. Tinignan ko si Tito Lee at nagbabasa lang sya sa dyaryo. Tumahimik nalamang ako at tumingin-tingin nalang ako kahit saan. Pero bigla nalang akong tinawag ni Tito Lee kaya napatingin ako sakanya at nilapag nya yung hawak nyang dyaryo at tumingin sa akin ng seryoso.
"B-bakit po?" Medyo nauutal kong sabi at umiwas ng tingin. Sh*t naman kasi natatakot ako sa daddy ni Maye.
"Isang tanong, isang sagot Jace....... May gusto ka ba sa anak ko?" seryosong tanong sa akin ni Tito Lee. Wala akong gusto kay Maye actually, i just want to be friends with her that's all.
"Wala po Tito Lee." sabi ko at nilagyan ko yung baso ko ng tubig tsaka ito ininom.
"Good, dahil sa oras na sinaktan mo yung anak mo, huwag ka ng magtaka kung bakit nasa kalsada ka na nakatira." pagbabanta nya sa akin. Hindi ko yun magagawa, ang masaktan si Maye. Ang gaan ng loob ko sakanya na para bang matagal ko na syang kilala kaya hindi sya basta basta sasaktan nalamang dahil pakiramdam ko importante na sya sa akin.
"Tito hindi ko man po maipapangako sainyo na hindi sasaktan si Maye, pero ito ang maipapangako ko sayo at sa anak nyo........ Aalagaan ko sya at papasayahin ko sya bawat araw." sabi ko na ikinangiti ni Tito Lee at ni Tita Mya? Hindi ko namalayan na nandito na pala si Tita na may dalang dalawang baonan na ang laman ay mga cookies at......... si Maye nasa likod ni Tito Lee na nakatingin lang sa akin.
"Make sure of that promise." Sabi ni Tito Lee sa akin at nginitian nya ako ng tipid. Nakakatakot pala yung daddy ni Maye pag seryoso sya lalo na siguro pag nagagalit.
"Opo Tito." Sabi ko sakanya at nginitian din sya.
Binalik nalang ni Tito Lee yung atensyon nya sa dyaryo at napatingin ako muli kay Maye pero umiwas lang sya ng tingin at tumabi na sa akin. Nang napansin ni Tita Mya na tahimik kami bigla nalang syang nagsalita.
"Uhm ito Louise yan nalang baon mo, pati ikaw Jace." Sabi ni Tita Mya sa amin at binigay sa amin ang baonan na may laman na mga cookies.
"Uhm actually Tita Mya, meron pa po akong baon na cookies yung binigay ni Maye sa akin kagabi hehe." Sabi ko at ibabalik ko na sana ng tinanggihan nya yun.
"Sige na Jace, ibigay mo nalang sa mga kaibigan mo." Pagpipilit ni Tita sa akin at nagpout nalamang HAHAHAHA.
"Sige na nga po Tita, thank you po." Paggalang kong sabi kay Tita at nginitian sya.
"Uhm sige na mommy at daddy aalis na po talaga kami, thank you sa baon hehe and bye Rosia." Sabi ni Maye at niyakap nya muli yung mga magulang nya at si Ate Rosia. Now i know that she is sweet when it comes to her family.
"Mauna na po kami Tita at Tito." Sabi ko sakanila at nginitian ko muli sila.
"Sige iho, ingatan mo yung anak namin." Sabay sabi ni Tita at Tito sa akin at kumaway, tumango nalang ako at lumabas na kami ni Maye sa bahay nila tsaka sumakay na kami sa kotse. Tinignan ko si Maye pero nakatingin lang sya sa labas na para bang ang lalim ng iniisip kaya naman tinawag ko sya
"Bakit?" Tanong nya sa akin at tinignan nya ako.
"Ok ka lang ba?" Pag-aalala kong tanong sakanya. Malay ko bang may sakit pala ito.
"Oo naman, bakit mo natanong?" Tanong nya din sa akin at iniswitch nya yung radio.
"Parang tulala ka kasi, ang lalim ng iniisip mo." Sabi ko sakanya pinakinggan ko yung nasa kanta.
"Ahh, ganito lang ako hehe." Sabi nya at narinig ko pa syang tumawa.
"Are you sure?" Pag-aalala ko ulit tanong sakanya at tinignan ko sya muli.
"Yeah." Sabi nya nalang at nakisabay nalang sa kanta. Pinaandar ko nalang yung kotse baka malate pa kami HAHAHAHA.
Habang nasa biyahe kami, tahimik lamang kami ni Maye na tanging radio lamang ang naririnig namin.
"Maye/Jace." Sabay namin tawag sa isa't-isa kaya napatingin kami sa isa't-isa saglit at bigla nalang kami natawa na parang ewan.
"Mas lalo kang gumaganda pag tumatawa ka." Sabi ko nalamang na ikinatagil nya sa pagtawa at tinignan nya ako pero ngumiti lang ako kasi nasa daan yung attention ko.
"Huwag mo akong inuuto, Jace." Pagbabanta nyang sabi sa akin pero tinawanan ko lang sya.
"Hindi naman kita inuuto." Natatawa kong sabi sakanya at nakita ko syang nakatingin sa akin ng masama.
"Hahahaha thank you nalang!" Sabi nya at tumingin nalang sya ulit sa labas.
"Uhm Maye? Ano pala yung sasabihin mo?" Tanong ko sakanya kaya napatingin sya sa akin.
"Ikaw nga dapat tatanungin ko nyan." Sabi nya sa akin kaya naman napatingin ako saglit sakanya.
"Ikaw muna." Sabi ko nalang at tumingin nalang ulit sa daan.
"No, ikaw muna." Sabi nya sa akin at tinignan nya na naman ako ng masama.
"Hindi, ikaw muna." Sabi ko naman at tinawanan sya.
"Sige na kasi, ikaw muna." Pagpipilit nyang sabi sa akin kaya mas lalo pa akong natawa.
"Nooooo! Ladies first." Sabi ko at dinalatan ko sya.
Hanggang sa hindi namin namamalayan, nagkukulitan na pala kami sa kotse hanggang sa makarating na kami sa school. Pinagtitinginan na nga kami eh. Hanggang sa napatigil nalang kami sa corridor.
"Alam mo? Ang kulit mo talaga, mauna ka na sabi." Sabay naming sabi ni Maye kaya naman napatawa ulit kami saglit.
"Ok ganito nalang, sabay nalabg tayo,okay?" Sabi ko kay at tumango naman sya.
"Sige in 1.....2....3..... I WANT TO KNOW YOU MORE!" Sabay nga ulit naming sabi kaya napatingin kami sa isa't-isa.
"Talaga?!" Tanong ko kay Maye at ngumiti ng malapad.
"Oo since mukha ka naman mabait hehe." Sabi nya at at ngitian nya akong matamis.
"Gusto talaga kitang makilala Maye...." nahihiya kong sabi sakanya at umiwas nalang ng tingin.
"Hahahaha! So, ako nga pala si Maye Louise Gabriel, you are?" Sabi nya sa akin at nilahad nya yung kamay nya sa akin. Kaya naman napatingin naman ako sakanya.
"Jace Jabrille Brady, nice to meet you." Sabi ko at tinanggap ko yung kamay ni Maye at nagshake hands kami malamang tsaka nag nginitian kami sa isa't isa.
"So, let's go? were classmates, right? Sabay nalang tayo hehe halika na nga baka malate pa tayo hehe." Sabi nya at narinig ko pa syang tumawa. She's cute.
"Yeah." Sabi ko nalamang at hinigpitan ko nalang yung paghawak ko sa kamay nya. She just look at me smile. I feel so happy.
BINABASA MO ANG
When I'm With You
FanfictionOnce upon a time, may dalawang tao ang magtatagpo muli mula sa mga nakalipas na tan at yun ay sina Jace at Maye. Ngunit nung nagkita sila muli ay hindi nila masyado makilala ang isa't isa dahil sa mga pinagdaanan nila hanggang ngayon. Meet Jace Jabr...