Chapter 18: Fun

83 6 0
                                    

Jace's POV
Nang nasa kusina na si Maye, bigla naman akong kinalabit ni Zyanya kaya napatingin ako sakanya.

"Bakit?" Tanong ko kaagad kay Zyanya.

"Anong meron sainyong dalawa ni Louise?" Seryosong tanong ni Zyanya sa akin. Actually ngayon ko lang syang nakitang seryoso.

"Ha? Wala naman." Sabi ko nalang. Maniwala man sila/kayo o sa hindi. Walang namamagitan sa amin ni Maye. We're Just- i don't know.

"Weeeeh? Eh magkasama na nga kayo buong araw." Singit ni Ian sa usapan at uminom ng juice.

"Hahahaha! Kinuha ko kasi yung headset nya kanina umaga, eh nagalit sa akin pilit nyang kinukuha yung headset nya sa akin pero sinabi ko sakanya na makukuha nya lamang ito kung magkasama kami buong araw, kaya ayun pumayag sya." Walang gana kong sabi at umiwas na lamang ng tingin. Hindi ko nga rin alam kung bakit gusto kong makasama si Maye, siguro masaya syang kasama.

"Hinatid mo sya dito noh?" Tanong na naman ni Ian sa akin. Chismoso talaga ito. Ang tahimik nga nya pero chismoso tsk!

"Malamang, kaya nga ako nandito." Wala gana kong sabi. Minsan itong si Ian hindi ginagamit ang utak.

Tamang-tama dumating na ulit si Maye dala yung tray na may mga cookies. Nilapag yun ni Maye sa may mesa at tumabi na ulit sa akin. Tumaas nga yung balahibo ko nung magdikit yung balat namin.

"Oh? Bakit parang hindi nyo ginagalaw yung mga cookies na binake ko? Hindi nyo ba nagustuhan yung lasa?" Matamlay na tanong sa amin ni Maye at tinignan niya kami.

"Ha? Hindi ah." Sabay nalang namin sabi nila Zyanya at Ian at kumuha kami ng cookies at sinubo yun. Actually masarap sya yung cookies na parang nasa heaven ka na. Hahahaha.

"Hmmmp! Baka hindi totoo yang sinasabi nyo." Pasungit nyang sabi sa amin at inirapan nya kami.

"Ang sarap kaya ng mga cookies mo Maye. By the way, marunong ka palang magbake." Sabi ni Ian kay Maye at nginitian nya ulit ito at ako naman sinamaan ulit sya ng tingin.

"Yeah, ito pa si Louise?" Sabi ni Zyanya at niyakap nya pa si Maye.

"Oo nalang. Ikaw ba Jace? Nagustuhan mo ba?" Tanong sa akin Maye at tinignan nya ako.

"Oo naman, the best nga eh." Masaya kong sabi sakanya at kumuha ulit ng cookies.

"Sus! Salamat!" Sabi nya nginitian nya ako. Sana araw-araw nakangiti sya para buo na yung araw ko— uhm syempre.

Nanood nalang kami at kumain. Ang pinapanood nga namin ngayon 'Spongebob Squarepants'. Ngayon ko lang din nalaman na ito ang madalas pinapanood nila Maye. Same kami ng favorite cartoons, spongebob.

Hanggang sa napasarap na yung kwentuhan naming apat bigla nalamang tinawag ni Zyanya si Maye.

"Louise." Tawag ni Zyanya kay Maye kaya naman tinignan naman siya ni Maye.

"Hmmmmm?" Tanong ni Maye it ininom nya yung juice na hawak nya.

"Nasaan pala si Kuya Lawrence?" Tanong ni Zyanya kay Maye. Sino si 'Kuya Lawrence' kuno? Siguro kapatid ni Maye.

"May pinuntahan, kasama siguro nila mommy." Sabi nya at kumuha ng cookies.

"So si Jace nga ang naghatid sayo dito?" Tanong naman ni Ian. Ang kulit naman neto! Kailangan talagang itanong ulit?!

When I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon