Maye's POV
"Louise..." tawag sa akin ni Ate Rosia kaya napatingin ako sa kanya.
"Yes po ate?" Tanong ko sa kanya na may pagtataka.
"May tanong sana ako..." Sabi niya sa akin at bigla na lamang tumabi.
"May gusto ka na doon sa lalaking yun?" Tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya dahil sa gulat.
"KAY JACE?!" Napasigaw ko na lamang sabi sa kanya kaya napatawa siya sa akin.
"Ayieeeeee! Defensive!" Asar niya sa akin kaya medyo kumunot yung noo ko.
"Duh Ate! That's impossible! Ako? Magkakagusto doon sa lalaking yun? No way!" Sabi ko na lamang sa kanya at umakyat na lamang papunta kwarto para mag half-bath.
Habang nasa banyo ako, napatingin na lamang ako sa salamin. Mali ito Maye, hindi ka pwedeng magkagusto sa isang lalaking bwisit kagaya niya. Hindi siya gusto diba? Hindiiiii! Impossible talaga, pacute kasi siya, tsaka I'm sure naman na hanggang sa una lang yung pagiging sweet niya. Maye Louise Gabriel, tandaan mo yan! Kilalanin mo muna yung tao, huwag padalos-dalos! Hay naku!
(Huwag ka nga dyan Maye, you want sapak? Cute mo nga si Jace eh! -isip) HINDI NGA SABI EH!
(Huwag ako, eh bakit titig na titig ka sa kanya tuwing magkasama kayo? -isip) HOY ISIP! HUWAG KANG GUMAWA NG SABI-SABI! HINDI YAN TOTOO!
(Sus! Deny pa Maye! Malay mo siya na si Mr. Forever mo -isip) TIGIL-TIGILAN MO NA NGA AKO ISIP, HINDI AKO NAGHAHANAP NG LOVER KO.
Pagkatapos kong makipagtapo sa utak ko, naligo na talaga ako saglit kasi kapag tinagal ko pa baka makatulog lang ako or worst baka mangyari ulit yung nangyari dati.
*Flashback*
Sarap talaga mag half-bath lalo na pag gabi paano ba naman kasi nakakaantok hays. Medyo pagod din kasi ako ngayong araw kaya kailangan ko rin magpahinga hehe. Tulog muna ako, pumipikit na talaga mga mata ko.*20 minutes later*
Anong ingay yun? May kumakatok ba? Inaantok pa ako eh, sarap ng tulog ko. Nevermind. Nagising ko nalamang ako sa kalabog sa pintuan. Hay naku baka si kuya na naman tulog (ayan lagi kasing tulog) kaya minsan nasisira ni Daddy yung pintuan niya hays.
"LOUISE!" Tawag ni Kuya? What the? Nandito pa ako sa banyo eh.
"OPEN THIS DOOR!" Sabi niya ulit at mas lalong umingay yung kalabog kaya naman sa inis ko kinuha ko yung earphones ko at cellphone ko at magpatugtog nalamang at pinikit nalang ulit ang aking mga mata pero nagulat nalamang ako nang biglang bumukas yung pinto dito sa banyo dahil sa kalabog at sirang-sira na kaya naman kinuha ko yung twalya ko at pinalibot ko ito sa katawan ko.
"KUYA! LOOK WHAT YOU'VE DONE!!!" Galit na galit na sabi ko kay Kuya at tinignan siya ng masama. Syempre siya sumira ng pinto oo huhuhuhuhu! Basta talaga pag mga gamit ko siya ang nakakasiraaaaaa!
"Kanina pa ako kumakatok dito sa kwarto mo bakit hindi mo man lang ako pagbuksan ng pintuan o kaya naman sumagot man lang?" Sabi niya sakit with serious face. Hanubayan Kuya! Stop that, you're so handsome grrrr.
"PAKE MO BA? EH SA NANDITO AKO SA BANYO EH!" Sabi ko nalamang at lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang hinawakan yung braso ko.
"Bakit ba kasi ang tagal mo dito sa banyo? Minsan talaga napapagkamalan ko nang ito na yung kwarto mo." Sabi niya sa akin at ginulo niya yung buhok ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/132878000-288-k849514.jpg)
BINABASA MO ANG
When I'm With You
FanfikceOnce upon a time, may dalawang tao ang magtatagpo muli mula sa mga nakalipas na tan at yun ay sina Jace at Maye. Ngunit nung nagkita sila muli ay hindi nila masyado makilala ang isa't isa dahil sa mga pinagdaanan nila hanggang ngayon. Meet Jace Jabr...