Chapter 37: Assuming

44 3 0
                                        

Jace's POV
It's another day. Bumangon nalang ako dito sa kama at naligo na kaagad kasi baka sumugod na naman dito si Ate Sam at gawing party na naman itong kwarto ko gamit ng napakalakas na bibig. Pagkatapos kong magbihis, inayos ko lang saglit yung sarili ko bago lumabas sa kwarto para kumain ng breakfast.

"Hoy! Ang aga mo ah!" Bungad sa akin ni Ate Sam at mukhang manghang-mangha pa ito.

"Ang OA mo ate." Sabi ko na lamang at bumababa na ako pero kasabay ko si Ate, sabay naman kasi kaming kumakain lagi.

"Bakit ba ang aga mo?" Tanong sa akin ni Ate pagkatapos naking bumati kila Mommy and Daddy.

"Wala. Maaga lang akong nagising." Sabi ko na lamang at nag-umpisa nang kumain.

"Oo nga pala Jabrille , bakit ba ang aga mong nagising?" Tanong sa akin ni Daddy kaya tumigil muna ako sa pagkain at uminom muna ako ng tubig bago sagutin si Daddy.

"Dahil siguro kay Maye. Papuntahin mo naman siya dito minsan, matagal ko na rin siyang hindi nakikita." Sabi sa akin ni Mommy at tumango na lamang ako bilang pag sang-ayon.

Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako kila Mommy at Ate kasi hindi pa naman sila tapos kumain kaya nauna nalang ako.

Maye's POV
"LOUISEEEEEE!" Isang nakakaistorbong ingay na nanggagaling sa labas kaya naman tinakpan ko ng unang itong tenga ko.

"LUMABAS KA DYAN LOUISE!!!" Sigaw na naman sa labas ng pintuan ko. Kaya sa sobrang irita/inis ko, padabog akong tumayo sa kama at pumunta sa may pintuan ko habang nakakunot-noo. Pagkabukas ko ng pintuan, nakasalubong ko yung mukha ni Kuya na seryoso kaya napalunok nalang ako wala sa oras.

"Go take a shower and get ready, you need to explain something to me." Seryoso na sabi ni Kuya tsaka bumaba na kaya naman ako dali-dali naligo at nagbihis tsaka nag-ayos sa sarili. Pagkababa ko galing kwarto pumunta na ako sa kusina para mag almusal.

Pagkarating ko sa kusina nandoon na sila Mommy and Daddy, nakangiti sa akin so I smile back to them, samantalang si Kuya hindi man lang ako pinansin at nagcellphone na lamang siya. Pagkalapit ko sa kanila, hinalikan ko sila sa pisngi as usual pero nung hahalikan ko na sana si Kuya, umiwas ito sa akin. Kaya wala na akong nagawa kundi umupo sa tabi niya.

"Nasaan si Ate Rosia, Mommy?" Tanong ko kay Mommy habang hinihintay namin yung pagkain. Ang tahimik kasi dito sa kusina, dati naman kahit tahimik kami, maingay si Ate Rosia kaya nakakapagtaka talaga.

"Good morning, Maye." Bati sa akin ng isang lalaki na nanggaling sa kusina kaya napatingin ako dito na ikinalaki ng mga mata ko.

"JACE?!" Napasigaw kong tanong sa kanya sabay tayo kaya napatingin sa akin sila Mommy.

"What's wrong, Sweetie?" Tanong sa akin ni Mommy sabay tingin kay Jace saglit.

"Bakit po siya nandito?" Tanong ko naman pabalik at tinignan ko si Jace na nilapag yung pagkain sa mesa.

"Susunduin ka raw niya." Sagot ni Daddy sabay inom sa kape niya.

"But sabay kami ni Kuy—" Hindi ko na napatapos yung sasabihin ko nang sumabat na si Kuya sa usapan.

"Well from now on, we're not anymore. May susundo na sayo dito sa bahay araw-araw para sabay kayong pumasok." Sabi ni Kuya at uminom ito ng tubig.

Wala nalang akong masabi at umupo nalang, alam kong galit si Kuya kasi hindi ko pa sinasabi sa kanya kung kaano-ano ko si Jace. Hindi ko pa naman siya Boyfriend— este hindi ko naman siya Boyfriend, friends lang kami yun lang.

Umupo na rin si Jace sa tabi ko at nagsimula na kaming kumain pero bago yun, syempre nagdasal muna kami. Habang kumakain kami, ang tahimik naming lahat, as in. Walang maririnig na boses kundi yung ingay lang sa plato.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon