Chapter 9: Me and My Beloved Sister

99 9 0
                                        

Jace's POV
"Hoy Jab! Gising ka na dyan!" Sabi ng istorbong gumigising sa akin or should i'll say yung ate kong masungit.

"Ate naman eh! Mamaya pang unti! Maaga pa naman" sabi ko at tinakpan ko yung mukha ko ng unan.

"HINDI KA TALAGA BABANGON DYAN?! GUSTO MO BANG HANAPIN KO YUNG SINASABI MONG MAYE SA SCHOOL?!" Sigaw ni ate na bigla kong  napabangon sa kama at tinignan si ate ng seryoso.

"Ha?" Tanong ko sakanya. Paano nya nalaman yung pangalan ni Maye? Nakaka-curious tuloy. Umupo naman si ate sa kama at tinignan din ako ng seryoso.

"Like duh?! Naririnig kita kagabi na kausap mo yang sarili mo na sinasabi mong Maye" sabi ni ate at inirapan nya ako. Narinig nya ba ako kagabi na kausap ko yung sarili ko?

"Ate naman paano mo narinig?" Pagtatampo kong sabi sakanya pero tinawanan nya lang ako.

"Jab naman, diba uso yung 'nakasara yung pinto' pero nakabukas eh tapos mukha kang sira ulo na kausap mo yung sarili mo. BUMANGON KA NA NGA DYAN BAKA MALATE PA TAYO," sabi ni ate at tinignan ako ng masama pero tinawanan ko lang sya at pumunta na sa banyo para maligo, narinig ko pa si ate na may sinasabi

"Hoy, hintayin nalang kita sa baba, bilisan mo!" Sabi ni ate at narinig ko yung pinto na nagsara kaya malamang bumaba na si ate hehe. Maligo na nga lang ako baka hindi ako hintayin eh.

Habang naliligo ako, bigla na naman pumasok sa isip ko si Maye. Kagabi ko pa nga sya nasa isip ko ehh, siya ang iniisip ko. Hindi ko nga alam kung bakit ko sya gustong kasama, pakiramdam ko kasi nakasama ko na sya dati.

Anyway, pagkatapos kong maligo syempre nagbihis muna ako at bumaba na. Nang pagkababa ko nakita ko si ate na kumakain sya mag-isa. Siguro maaga na naman umalis sila mommy. Kaya naman nilapitan ko nalang si ate at binati ko sya, hinalikan ko sya sa pisngi tsaka umupo na sa harapan nya para kumain.

"Ate Sam, asan sila mommy?" Tanong ko sakanya sabay subo ng pagkain.

"Alam mo naman na kung nasaan sila ehh, nasa business hays." Sabi ni ate at tinignan nya ako pero umiwas lang ako ng tingin at kumain nalang ulit ako.

"Ahh ganun ba hehe." Sabi ko habang hindi kumakain.

"Jab, masanay ka na,okay? At atleast diba? Nakakasama parin natin sila, may oras parin sila para sa atin kaya don't be sad okay? Andito naman ako ehh, maski masungit ako sayo mahal na mahal kita!" Masayang sabi sa akin ni ate at nginitian nya ako.

"Salamat talaga ate hehe" sabi ko at tinapos nalang namin yung kinakain namin hanggang sa natapos na nga kami hinugasan muna ni ate yung pinagkainan namin saglit at lumabas na kami sa bahay pero bago yun may sinabi na naman si ate.

"Oh Jab, may nakalimutan ka pa ba?" Tanong ni ate at humarap sa akin.

"Wala naman na ate" sabi ko at tinignan ko muna yung bag ko kung may nakalimutan pa ba ako pero wala, kinapkapan ko pa yung bulsa ko kung nandito ba yung phone,headset at wallet ko at nandito nga. Wala naman na talaga ako naiwan.

"Well,are you sure?" Tanong ni ate sa akin habang pinaglalaruan nya yung susi ng bahay namin.

"Opo ate. Akin na yang susi ng kotse, ako na ang magdridrive" sabi ko nalang at kinuha ko nalang sa kabilang kamay nya yung susi ng kotse at pumunta na sa kotse tsaka nauna ng pumasok. Hinintay ko lang sia ate habang nilolock nya yung bahay namin. At nang nalock nya na yung bahay pumunta na siya dito sa kotse kaya naman agad-agad ko ng pinaandar yung kotse para hindi kami malate sa school.

Habang nasa biyahe kami nakatingin lang sa labas si ate habang nakaheadset habang ako nagdridrive dito hays boring naman. Pero ito na naman pumasok sa isip ko si Maye. Naiimagine ko kasi kung gaano sya kaganda kung ngumiti man lang sya ng tipid. Siguro sya ang pinakamaganda ko sa school namin WAHAHAHAHA. Mamaya nga pagdating ko sa school babawi ako kay Maye. Diba nga may promise ako sakanya? Kaya gagawin ko yun hanggang sa hindi ko  namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni ate.

"JACE!!!!" Sigaw ni ate sa akin na bigla kon lg ikagulat kaya muntik na kami mabangga pero buti nalang nakaiwas kami hays.

"Ate naman, huwag ka ngang sumigaw. Bakit mo ba ako tinatatawag?" Tanong ko at tinignan ko sya saglit.

"Kanina pa kasi kita tinatawag kaso hindi mo man lang ako naririnig at nagmumukha ka ng sira ulo dyan!" Sabi ni ate sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Ay sorry ate, ano ba kasing sasabihin mo?" Tanong ko sakanya at tamang-tama nakarating na din kami sa school. Pumunta muna kami sa parking lot at pinark ko yung kotse.

"Mauna ka ng umuwi mamaya o kaya naman makitulog ka nalang kila Ian kasi may pupuntahan ako, pero kung gusto mo sumama ka nalang sa akin ok lang. So ano, sasama ka o hindi?" Tanong ni ate at nagtanggal na ng seatbelt at tinignan ako.

"Sige ate makikitulog nalang ako siguro kila Ian." Sabi ko nalang at lumabas na kami sa kotse tsaka ibinigay ko kay ate yung susi ng kotse.

"Itext nalang kita,okay?" Sabi sa akin ni ate at niyakap nya ako kaya naman niyakap ko sya pabalik.

"Ate Sam,ingat ka ha? Huwag kang masyadong matagal doon sa pupuntahan mo" sabi ko kay ate at kumawala na kami sa yakap namin tsaka nginitian sya.

"Yie! Ang sweet naman ng kapatid ko. Opo hindi po ako magtatagal doon at tsaka alam mo naman na hindi ako nagtatagal diba? Kasi alam ko mag-aalala ka sa akin ng todo-todo, love pa naman kita. Ayaw na ayaw kong nag-aalala ka sa akin. Kaya itetext nalang kita,okay?" Sabi sa akin ni ate at bigla nya nalang pinisil yung ilong ko.

"ATE NAMAN EH, MASAKIT!!!" Sigaw kong sabi sakanya pero tintawanan nya lang ako.

"Ang cute mo talaga, nang-gigigil tuloy ako sayo." Sabi ni ate at nilubayan nya na yung ilong ko. Salamat naman.

"Sige na ate, punta ka na sa room mo, baka malate ka pa eh. I LOVE YOU" sabi ko at hinalikan ko sya sa noo.

"Ok Jab, ikaw din. Bye bye, I LOVE YOU TOO" sabi ni ate at hinalikan naman nya ako sa pisngi at kinikilig pa tsaka na sya umalis habang kumakaway sa akin.

Ang swerte ko talaga ng siya ang naging ate ko. Maski masungit sya sa akin, mahal nya parin ako at ganun din ako sakanya mahal na mahal ko siya.

When I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon