Maeleen's POV
lumipas ang ilang araw ilang linggo at ilang buwan hindi parin gumigising si M
Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob kelangan kong lumaban para kay M
Nasa school ako ngayon at nagaantay matapos ang klase tumawag sakin si papa at sinabi nya sa akin na dadalaw daw sya sa magiging manugang nya Si M yun
Oo pumayag na si papa inaantay nalang namin ang pag gising nya kung magigising pa sya
Inamin ng ama at ate ni dale ang mga kasalanan ni dale
Si dale lang ang nakakulong dahil sya lang ang may pakana ng lahat
Kinausap ako ni Ayu na kapatid ni dale sinabi nya lahat lahat pati yung plano nilang pagselosin ako pero nabigo sila
Lumilipad palagi ang isip ko iniisip ko na sana gumising na si M
Reccess na sabay sabay kaming kumain nila Alex,Zsayen at jhennaNapag usapan namin ang kalagayan ni M na hanggang ngayon ay nakaratay parin sa kama
Maya maya ay tumunog na ang bell at nagsimula na ulit ang klase
Napag isipan ko na dumalaw kay M mamaya pagkauwi ko kakamustahin ko lang kung gising na ang future husband ko
Natawa nalang ako sa naiisip ko dahil kahit nasa hindi magandang setwasyon ngayon pinipilit kong ngumiti at lumaban para sa lalaking mahal ko
M's POV
Nanaginip ako napanaginipan ko lahat ng nangyari nung araw na dukutin si Maeleen
Pakiramdam ko hinanghina ako binabangungot yata ako
Pinilit kong imulat ang mga mata ko noong una wala pa akong maaninag dahil nanlalabo pa ang paningin ko
Pero unti unti umayos ito at nakita ko ang mga magulang ko
Nasa ospital pala ako at ang malala pa nasa I.C.U pa ako
"Ma...".Sabi ko na ikinagulat nila mi papa agad silang lumapit saakin
"Gising ka na anak salamat sa diyos".Sabi ni Papa
"Ilang araw na po akong tulog?"
"Tatlong buwan anak".Sabi ni Mama
Ikinagulat ko iyon ganun katagal ako natulog?
"Na comatose ka anak dahil sa paghampas sayo nung anak ni Mr.Martin nakakulong na sya ngayon".Sabat ni papa
Umiiyak ako sa hindi ko malaman na dahilan
Kung ganon tatlong buwan kong pinagalala si Maeleen
Pssh patay ako nito ihahanda ko na ang braso ko sa mga hampas nya
"Papunta na daw dito si Maeleen ano mangoras nandito na sya matulog ka na muna habang wala pa sya aalis muna kami".Sabi ni mama
"Sige po".Sabi ko at nginitian ko sila
"Mama ,Papa wag nyo sasabihin kay Maeleen na gising na ako ah?".Sabi ko na may halong Excitement"Sige maiwan ka muna namin bibili lang kami ng Papa mo ng pagkain".Sabi ni Mama at tuluyan na itong umalis kasama si Papa
Maya maya pa ay pumikit ako at nagpilit matulong
Nakatulog ako at ilang oras ang nakalipas biglang tumunog ang doorknob
May bisita ako iminulat ko ng konti ang mata ko at nakita ko si Maeleen na papasok ng may ngiti sa labi
![](https://img.wattpad.com/cover/134763168-288-k348323.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You Until I Die(COMPLETED)
RomanceMark Mateo De guzman/Gonzaga or M for short a handsome basketball player he is 16 years old na nagiisang mahal ng babaeng nag ngangalang.... Maeleen Gonzales a smart girl who break the heart of Mark Mateo Isa sila sa handang magpatunay na may forev...