After a Year
*Baby cries*
"Congratulations.Mrs, Babae po ang anak ninyo".Sabi ng Doctor kila Maeleen at M.
Napahawak ng mahigpit si Maeleen kay M matapos marinig iyon. Tuwang tuwa sila ng marinig ang balita.
"Ano pong pangalan ng sanggol?".Tanong ng Doktor.
" Coleen Mae".Magkasabay pang sabi ng Mag-asawa.
Masaya silang mag asawa dahil doon. 10 months na silang kasal. Matapos ang graduation ay napagpasyahan na ni M na mamanhikan kila Maeleen.
Nakilala na din ni M ang Mama ni Maeleen at tinanggap siya bilang manugang. Maayos ang naging kasalan nilang dalawa.
Bestman si Panday at Bride's Maid naman si Polay. Si Khaii naman yung flower girl para magmukhang babae naman daw siya. Si Zsayen at Alexis naman ay abay lang hehe. Si Miggy ang Ring bearer. Umiiyak pa noon si Maeleen habang inihahatid ng kanyang mga magulang papalapit kay M.
Si M naman ay napakasaya din ng araw na iyon. Umiiyak din siya habang inaantay na makalapit sa Altar si Maeleen.
Naging special ang araw na iyon para sa kanilang dalawa. Pati narin ang araw na ito naging masaya din sila dahil isinilang ang kanilang unica ihaj.
Nang dinala na sa regular room ay bumisita agad ang mga kaibigan nila sa kwarto ni Maeleen.
"Paps ninong ako ah".Prisinta agad ni Panday sa mag asawa.
Ganoon din si Zsayen at alexis at Khaii. Nagpresinta agad silang ninang ni Coleen.
Naging masaya ang Kwartong iyon lalo na nung dinala na si Coleen doon. Naging mainggay ang kwarto dahil sa bagong silang na sanggol.
"Luh kamukha ko yung baby oh".Nakangiting Wika ni Zsayen.
"Lol ang layo naman Zsayen Mas kamukha ko si Baby Coleen oh".Pang aasar ni Alex.
"Tumigil ka Alex hindi naman negra si Coleen eh. Ako kaya kamukha ng inaanak ko".Giit naman ni Khaii.
"Tumigil kayong Tatlo si Maeleen ang kamukha ng anak ko".Nakangiting wika ni M.
"ok sabi mo eh".Sabi ni Zsayen.
Lumapit si M kay Maeleen na hawak hawak ang kanilang anak. May ngiti sa mga labi nilang dalawa. Masayang masaya talaga sila dahil sa anak nila.
"Are you happy beyb?".Tanong ni M kay Maeleen.
"Happy pa sa Happy beyb".Giit ni Maeleen.
Hinalikan naman ni M ang noo ni Maeleen pati ang pisngi ng baby nila. Ito na siguro ang blessings sa lahat ng hirap na dinanas nilang mag asawa.pagkatapos ng hirap eto ang reward.
Lumipas ang ilang linggo at na discharge na si Maeleen sa Ospital. Masayang makita ng mga magulang nila ang baby nila. Tuwang tuwa ang mga lola at lolo ni Baby Coleen.
Inayos ng mag asawa ang kwarto ng baby nila. Nagpatayo na din ng Bahay si M para sa kaniyang mag-ina, tinulungan siya ng kanyang biological father. Malaki din ang bahay na pinagawa nila para naman daw komportable sila doon.
Masayang nagkainan ang buong pamilya dahil naghanda sila ng Welcome party para kay baby Coleen.
Pumunta din doon ang mga magiging ninong at ninang ni Coleen. Iyon yung mga kaibigan ni M at Maeleen. Pati si Nikki at Justine ay nandoon din.ninong at ninang din kasi sila.
Nagpaalam si Maeleen at M sa lahat at isasama daw nila si Baby Coleen. Pumayag din naman ang lahat dahil saglit lang daw naman silang mag anak.
Pumunta sila sa puntod ni Ayu para bisitahin ito.
"Baby Coleen siya ang ninang Ayu mo".Sabi ni M sa kanilang anak.
"Oo baby sya ang una mong ninang, kahit hindi na natin siya kasama ituring mo parin siyang ninang dahil kung hindi dahil sa kanya baka wala ka dito sa amin ng Papa mo".Naiiyak na sabi ni Maeleen.
*baby cries*
Umiiyak si Baby Coleen, mukhang nalulungkot din siya sa pagkawala ni Ayu, ng kanyang Ninang Ayu.
(Maeleen's POV)
Kung nasaan ka man ngayon Ayu salamat. Ito ang sakripisyo mo para sa amin. Ito na ang inaanak mo si baby Coleen.
Thank you for giving us a chance to live, kahit na kapalit ay ang buhay mo. Hindi namin sinayang ang ibinigay mong chance. Thank you.
Masaya kaming nagbyahe pabalik ng bahay namin. Nakasakay kami sa kotse na binigay ni Daddy.
"Beyb?".Pagtawag ko kay M.
"Yes Beyb?".Sagot niya.
"Ang saya saya ko dahil tayo parin hanggang dulo".Nakangiting wika ko kay M habang karga si baby Coleen na natutulog na.
"Hindi ko din inakala beyb, buti lumaban tayo para makuha toh".Sagot ni M.
"Thank you beyb".Sabi ko sa kanya.
"For what?".Nagtatakang tanong niya.
"Thank your for being my husband for life, you didn't give up until the end and thank you for loving me and our daughter"
"I always love you and baby Coleen until i die".Sagot niya
"I Love you Until I Die... beyb"
THE END
-----------------------------------------------------
A/N:
YOWN TAPOS NA TALAGA HAHAHAHA ....THANK YOU ULIT sa tumapos ng story ko mahal ko kayo....may book 2 toh kaso next next story pa may ginagawa akong bago....
MY SADIST GIRL plubishing soon......
So ayun thank you ulit lab lots guyz....
~Chixxnito1
BINABASA MO ANG
I Love You Until I Die(COMPLETED)
RomantizmMark Mateo De guzman/Gonzaga or M for short a handsome basketball player he is 16 years old na nagiisang mahal ng babaeng nag ngangalang.... Maeleen Gonzales a smart girl who break the heart of Mark Mateo Isa sila sa handang magpatunay na may forev...