(Maleen's POV)
Maaga akong gumising dahil maaga daw kaming mag gagala ni Israel sa SM kelangan ko ding maagang umalis baka bigla pang pumunta si M dito at mahuli pa ako.
Ginawa ko na ang daily routine ko at tsaka napagpasyahang umalis na ng bahay dumaan muna ako sa bangko para mag withdraw ng pera sa ATM ko baka kasi may magustuhan akong bilhin sa Mall make up or something that makes me beautiful whahahahaha.
Nangmatapos akong magwithdraw ay pumunta na ako sa Mall at Nagantay ako kay Israel sa loob ng Starbucks medyo malelate daw siya dahil medyo malayo pa ang bahay nila dito sa Mall at traffic din daw.
Umorder nalang muna ako habang inaantay na dumating si Israel.
"Ano pong order nyo Ma'am?"
"Bigyan mo ako ng kape hehe yung masarap ah".Nahihiyang sagot ko sa kanya balak ko pa sanang tumingin tingin sa counter eh biglan namang lumapit si Ateng waitress.
After 10 minutes dumating na ang order ko at unang tukim palang dito ay nasarapan na agad ako pero parang bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan . Tss isang higop palang ng kape ninenerbyos na agad ako buset naman oh.
Alam mo ba yung pakiramdam na parang may nakasunod at nagmamanman sayo ayun ganun sa sobrang kaba nagpalinga linga ako ng parang napapraning na ako hindi ko alam kung bakit.
Hanggang sa naabot ng mata ko ang mukha ng isang lalaking kilalang kilala ko.
Nakatitig ito sa akin hanggang mala demonyo ang ngiti hindi ko alam bigla nalang akong napatayo. Papaanong nakalaya ang lalaking ito tatakbo na sana ako ng may tumawag sa akin.
"Maeleen"
Napatingin ako sa kadarating lang na si Israel at hinihingal pa ito. Napabalik naman ang tingin ko sa puwesto ng lalaking nakatingin sakin kanina ay wala na ito sa table kung saan ko sita nakita. Tss baka guni guni ko lang iyon imposibleng makalabas pa sya dahil sa ginawa niya sa akin at ang sabi ng pamilya niya wala silang balak tulungan ang taong yun kaya papaano siya makakalabas ?.
"Hoy Maeleen beh bakit tulala ka jan kanina pa kita tinatawag".Bumalik ang diwa ko ng marinig ang boses ni Israel at medyo inaalog niya ako.
Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba kelangan malaman ni M ito . Sana namamalik mata lang ako dahil kung hindi delekado ang buhay namin. Baliw na ang taong yun kahit pamilya nya hindi na niya pinapakinggan.
"Hoy Maeleen".Iritang tawag ulit ni Israel.
"Huh?"
"Anong problema bat kanina ka pang wala sa sarili mo? May problema ba ? May sakit ka ba?".Sunod sunod niyang tanong.
"Wala lang toh ok lang ako".I lied ang totoo kinakabahan ako dahil sa nakita ko kinakabahan ako sa mga ngiti niyang parang demonyo.
Naupo muna kami ni Israel at umorder din siya ng para sa kanya. Kain daw muna kami.
Maya maya pa ay may tumawag sa aking phone. Kaagad ko naman itong kuminuha upang tingnan kung sino iyon at ganoon nalang ang kaba ko matapos makita kung sino ang tumatawag. Bumilis ang tibok ng puso ko pinagpapawisan ako ng malagkit kahit may Aircon naman dito sa Starbucks. Nanginginig pa ang kamay ko ng napatingin ako kay Israel.
"Oh bat ayaw mong sagutin yan bhe?".Nagtatakang tanong ni Israel sa akin lalo pa akong kinabahan. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sinenyasan ko nalang si Israel na wag maingay.
Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ang tawag dahil nanginginig ako buong sistema ko hindi gumagana ng makita ko kung sino ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
I Love You Until I Die(COMPLETED)
RomanceMark Mateo De guzman/Gonzaga or M for short a handsome basketball player he is 16 years old na nagiisang mahal ng babaeng nag ngangalang.... Maeleen Gonzales a smart girl who break the heart of Mark Mateo Isa sila sa handang magpatunay na may forev...