( Zsayen's POV )
kinabukasan napagpasyahan kong tawagan si M dahil nagaaalala ako sa kaniya.
"M are you ok?"
[ yeah ]
Sa sagot palang niya kinilabutan na ako dahil ramdam ko ang sobrang lamig niya at para kang inilagay sa loob ng ref. Nagtayuan ang balahibo dahil doon at hindi ko na pinagpatuloy ang pagtawag ko kay M at ini End call ko na ito.
Tss kasalanan toh ni Maeleen eh bat ba kasi kelangan pang isama yung tukmol na Israel na yun eh.
Sa sobrang yamot ko ay pumunta nalang ako ng Hide out namin. Lingid sa kaalaman ni Maeleen at Alex ay miyembro ako ng isang gang dati palang nung elementary pa lang kami. Nayamot nga ako nung na kidnap si Maeleen sinikmuraan lang ako tssk. Kung naabutan ko lang yung mga lalaking yun kalunos lunos ang aabutin nila sa akin.
Oo meyembro ako ng isang gang and im proud to be a Badgirl hahaha *wink* sawa na kasi akong mabully palagi nalsng akong inililigtas nila Alex at Maeleen sa mga bulky kaya napagpasyahan kong sumali sa gang at magpalakas. Maya maya ay tumunog ang cellphone ko senyales na may tumatawag kaya naman nung tingnan ko ay napairap ako
Maeleen's Calling.........
"What now?".Mataray na sagot ko sa kaniya.
[Ahmm Zsayen galit ka din ba sakin?].Halatang malungkot na sabi niya sa kabilang linya.
"Paano mo nasabi na galit ako?".Sarkastikong tanong ko.
[Umalis ka din kagaya ni M kahapon eh].Mangiyak ngiyak niyang sagot.
"Buti pa ako naaalala mo eh yung boyfriend mo todo effort anong ginawa mo ha? Nagsama ka pa ng lalaki at bukod dun yung pinagseselosan pa niya ang galing mo ah ni hindi mo man lang pinansin yung tao hindi mo man lang napansin nung umalis si M kase ano masaya kang kasama yang Israel mo?".Sunod sunod na banat ko sa kanya na nagpaiyak sa kanya.
[Im sorry Zsayen alam kong mali ako dapat inuna ko muna yung effort niya kesa sa ibang bagay].Sagot niya ng humahagulhol pa.
"Nangyari na eh may magagawa ka pa ba? Ibinabalik mo lang ang dating Mark Mateo noong nag break kayo at kung ako sayo hindi ko hahayaan yun! Actually hindi mo pa pala nakikita ang pagkatao ni M matapos masaktan kaya kung ako sayo umayos ka!".Banta ko sa kanya at hindi naman siya nakapag salita. Sa sobrang yamot ko kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo hindi din alam ng mga kaibigan ko na nagyoyosi ako kase minsan lang din naman ako magyosi pag bad mood ako.
"Hindi mo gugustuhing makita ang dating siya dahil ako ang nagsasabi sayo manginginig ang buong sistema mo pag nangyari iyon".Hindi ko na inantay ang sagot niya at ini End Call ko na agad iyon.
Bigla namang dumating si Jewel at Diamond ang kambal alahas na kasamahan ko sa Gang.
"Woy Zsayen nandyan ka pala".wika ni diamon
"Tss"
"Oh eto burger kumain ka muna".Alok ni Jewel at tinanggap ko naman iyon.
Hayst nakakabadtrip naman dito na nga lang muna ako mamaya na ako uuwi tss makapagpahangin muna dito........
------------------------------------------
( Maeleen's POV)
Oo mali ako dahil mas inuna ko pa ang kaklase ko kesa sa kanya kaya naman kinabahan ako at umiyak sa mga sinabi ni Zsayen.
Ganun ba talaga si M?
Hindi ko pa ba siya lubos na kilala?.
Pero kaya lang namab siya nagkaganun ay dahil din sa akin ang hindi ko lang alam ay yung naging kalagayan ni M matapos ang pangyayaring iyon.Wala akong kaalam alam sa mga nangyari at sa pagkakaalam ko si Zsayen at Alex ang madalas karamay ni M dati pero mas madalas ay si Zsayen . Oo alam ko iyon dahil sinasabi din nila iyon sa akin pero hindi ang mga pinagusapan nila.
Naka ilang tawag na ako kay M at hindi parin niya sinasagot ang mga tawag ko hanggang sa....
[ Yeah ?]
Nanindig ang balahibo ko matapos marinig ang boses ni M pakiramdam ko buong sistema ko nanlamig sa boses niyang iyon nablangko ang utak ko hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya.
"Ah b-beyb are you ok?".Nauutal na sagot ko hindi ko talaga malaman walang lumalabas na letra sa utak ko ni isa hindi ko nga alam kung paano ko nasabi iyon.
[ No ]
Nalungkot ako sa sagot niya pano nga naman siya magiging ok dahil sa ginawa ko hays tanga ko din eh noh?
"Beyb Im sorry i apreciate your effort i love you beyb".Kumawala na ang mga tubig sa mata ko hindi ko na iyon mapigilan.
[ Why are you crying baby don't cry i love you too ]
Lalo tuloy akong naiyak sa sinabi niya hindi ko kayang pigilan ang pag iyak ko.
[ baby don't cry im ok now im just tired katatapos lang ng training namin don't cry please]
Malamig ang boses niya pero mararamdaman mo ang lungkot niya hindi ko lalo napigilan ang pag iyak.
[ Im not mad anymore it's ok baby don't care baby ]
"Ok na beyb hehe".Sagot ko at medyo tumigil na din ako sa pagiyak masaya na ako dahil ok na si M at ok na din kami.
[Are you done eating]
"Yes beyb ikaw ba?"
[ Actually im currently eating hehe gusto mo dalhan kita beyb ? ]
"No beyb ok lang ako kain ka lang jan i miss you beyb "
[ I miss you too nagustuhan mo ba yung effort ko?]
"Oo naman beyb i really like it"
[Good to know i love you baby pie]
"I love you too honeypie"
Napangiti nalang ako ng dahil doon nawala na din ang mga luha sa mata dahil sa sweet ni M kahit ramdam kong medyo cold parin siya sa akin.
[ and one last thing beyb ]
"Ano yun?"
[Stay way on Israel]
Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil kinabahan ako shit pano ko naman magagawa yun eh kaklase ko si Israel si beyb talaga oh . Nagpaalam na kami sa isat isa at ini End Call ko na . Nahiga nalang ako at guwa na ng tulog dahil maaga pa ako bukas.
-------------------------
-Kinabukasan-Maaga akong pumasok sa school at naabutan kong mga nagaayos ng buhok ang mga kaklase ko naabutan ko ding inaayos ni Israel ang buhok ni beatriz.
"Oy Israel ako next ah".Sabi ko sa kanya noong makalapit ako.
"Sige beh".Sagot niya at nakangiti pa.
Medyo natagalan din ang pagaayos ni Israel kay Beatriz pero nung natapos ito ay kaagad akong pumwesto upang magpatirintas kay Israel.
"Ay girl busy ka ba bukas?".Biglang tanong ni Israel sa akin.
"Hindi naman beh bakit?".Nagtatakang tanong ko naman .
"Samahan mo naman ako sa mall bukas mamimili lang ako beh".Aniya.
"Ano naman yun?"
"Secret nalang yun malalaman mo bukas hehe".Natatawang sagot pa niya.
"Sige".Pagsang ayon ko sa paanyaya niya.
Hehe hindi naman siguro malalaman ni M na sasamahan ko si Israel sasabihin ko nalang si Polay ang kasama ko. Hehe tama si Polay
Pero may kung anong kaba na gumugulo sa akin kinakabahan ako sa hindi malaman na dahilan.
ITUTULOY...........
-----------------------------------------
BINABASA MO ANG
I Love You Until I Die(COMPLETED)
RomanceMark Mateo De guzman/Gonzaga or M for short a handsome basketball player he is 16 years old na nagiisang mahal ng babaeng nag ngangalang.... Maeleen Gonzales a smart girl who break the heart of Mark Mateo Isa sila sa handang magpatunay na may forev...