LAST CHAPTER na next update thank you for supporting this story Labyuu guyz
~Chixxnito1
-------------------------------------------
( Maeleen's Point of View)
Nakaramdam ako ng kaba habang papasok ng Kwarto ni Khaii. Bat parang ang tahimik dito sa loob ng kwarto?.
Nanginginig ako habang dahan dahang lumalapat ang mga kamay sa Doorknob. Bakit kinakabahan akong pumasok. Biglang gumalaw ang doorknob na parang tinggal ang pagkakalock nito. Nakalock kasi ito kanina kaya kumakatok ako pero walang sumasagot. Siguro nakatulog lang si Ayu pati si Khaii.
Binuksan ko na ng tuluyan ang pinto at tumambad sa akin ang gulong higaan ni Khaii at si Ayu na nakahiga sa sahig at may dugo sa noo nito na tila hinampas ng kung anong matigas na bagay. Napatakbo naman agad ako palapit sa kaniya.
Tiningnan ko agad ang pulsuan nito at sa awa ng diyos ay humihinga pa ito.maya maya ay nagsalita ito pero medyo mahina lang at hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya.
"Si D-dale".Pabulong niyang sabi at medyo naintindian ko ito. Si Dale daw alam kong siya ang may gawa nito. Siya nanaman ang may pakana ng lahat ng ito.
Hahagilapin ko sana si Khaii kaya napaharap ako sa likod ko at nagulat ako ng nakita kong nakatayo si Dale sa likod ko ng hindi ko namamalayan. Nanlaki ang mata ko at biglang bumuhos ang kaba sa akin.
Nakatayo si dale sa harap ko habang may hawak na batuta at naka suot ng pang Gwardyang uniporme.
"Kamusta Maeleen?".Mala demonyo niyang pagkakasabi noon at tinakpan biya agad ang bibig ko ng Panyong may kung anong amoy. Aba gago din tong si dale tatanungin ako kung kamusta tapos biglang tatakpan ang bibig ko.
Nagpumiglas ako sa kanya kahit pakonti konti ay nanghihina na ako dahil sa kung ano mang peste ang inilagay ni Dale sa panyo.
"Matulog ka muna prinsesa mamaya ililigtas ka ng prinsipe sa dragon hahaha".Mala demonyong tawa pa ang ginawa niya.
Unti Unti namang nawawala ang malay ko. Sana dumating agad siya ngayon ilig tas niya ako sa gagong ito.
M! Iligtas mo ako! Ayoko ng maulit ang lahat baka mas malala pa ang mangyari huhuhu M!? Asan ka na ba?
"Wag ka magalala Maeleen magsasama sama tayong lahat sa impyerno kasama natin ang boyfriend mo".Huling salitang narinig ko sa kanya at nawalan na ako ng ulirat. Nagdilim na ang paligid at unti unting nanlabo ang mata ko.
(M's Point of View)
Nagmadali akong pumunta sa kwarto ni Zsayen dahil may masamang kutob ako. Balak ko sanang bisitahin lang saglit si Zsayen at balikan agad si Maeleen doon sa Taas.
Maya maya pa ay nakarating na ako sa kwarto ni Zsayen at agad ko naman itong binuksan. Tumambad sa akin ang mga taong iniwan ko kanina bago kami Pumunta kay Khaii.
Nakita kong sinusubuan ng lugaw ni Alex si Zsayen kaya agad akong lumaoit kay Zsayen at niyakap ito.
"Aray ko M! Bumitaw ka ansakit nung mga sugat ko".Daing ni Zsayen kaya agad akong napabitaw sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Sorry bessy pati kayo nadadamay sa problema namin ni Maeleen pati kayo napapahamak".Paghingi ko ng paumanhin sa kanila. Hindi lang kasi sila Zsayen ang biktima ni Dale lahat daw sila nasa plano ni Dale kaya humihingi na ako ng tawad sa kanila.
BINABASA MO ANG
I Love You Until I Die(COMPLETED)
RomanceMark Mateo De guzman/Gonzaga or M for short a handsome basketball player he is 16 years old na nagiisang mahal ng babaeng nag ngangalang.... Maeleen Gonzales a smart girl who break the heart of Mark Mateo Isa sila sa handang magpatunay na may forev...