( Maeleen's POV)
It breaks my heart every words that Mark Mateo Say's it breaks my heart deeply. At sinabayan pa ito ng malakas na ulan at kidlat. Ano bang naging mali ko?. kelangan ko pa bang isa isahin alam kong nagkamali ako pero bat kelangan ganito kasakit ang nararamdaman ko. Ako ang may kasalanan bakit pakiramdam ko ako ang mas nasasaktan?. Gaga talaga si Maeleen hahaha. Ako yung nakasakit ako pa may ganang masaktan ng sobra sobra.
Ramdam ko parin ang malakas na pagbagsak ng ulan. Masakit at sinasabayan nito ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nakaluhod parin ako kung saan ako iniwan ni M. Wala akong ganang gumalaw man lang umaasa na babalikan niya ako dito at sasabihing nagbibiro lang siya sa sinabi niya. Pero ilang minuto pa ang lumipas walang Mark Mateo na dumating para itayo ako at alalayang tumayo at hahalikan ako sa gitna ng malakas na ulan.Pero wala umaasa lang ako.
"Maeleen nasan ka?"
Narinig ko ang nagaalalang boses ni Israel mukhang hinahanap niya ako. Heto ako nakaluhod at patuloy ang pag agos ng mga luha sa aking mata dala ng sobrang sakit na dinadala sa akin puso.
"Oh my god Maeleen!"
Nakita kong papalapit sa akin si Israel na may dalang payong kahit mahamog ay napansin ko ang mukha niyang nagaalala at parang kanina pa akong hinahanap.
"Maeleen im sorry kasalanan ko lahat "
Napangiti ako sa kanya "Wala kang kasalanan Israel kasalanan kong lahat ito"
Patuloy parin ang pagiyak ko kasabay ng papahinang ulan sana lumipas din ang sakit na nararamdaman ko at makita ko na ulit si M ang bahag hari ko. Ang makitang bumalik ulit ang mahal ko sa gitna ng sakit at pighati na parang bahag hari sa gitna ng ulan ay sisilay din ito.
Medyo tumila na tumayo na ako at napagpasyahan ko ng umuwi kasama ni Israel inihatid niya ako sa bahay. Hindi kp naabutan sila Papa doon dahil umalis daw sila ni Miggy. Hindi ko pwedeng ipaalam sa kaniya ang nangyari sa amin ni M dahil baka isipin ni Papa si M ang may kasalanan sa nangyari sa amin ngayon kaya isisikreto ko nalang.
Umakyat na ako ng kwarto at doon ko lahat ibinuhos ang lahat napaupo at napasandal ako sa may pinto at humagulhol ng humagulhol doon hindi ko pa kaya ang sakit pero pipilitin ko. Aayusin ko ang sarili ko bago ako humingi ng tawag kay M. Maaaring hindi ngayon pero kakayanin kong ihanda ang sarili ko para sa kanya.
Nang matapos akong makaiyak ay nagpalit ako ng suot ko dahil nabasa ako sa ulan. Maya maya noong matapos ako ay humiga ako sa kama. Hindi na ako gaanong umiiyak at maluha luha nalang ang mata ko. Kinuha ko naman ang Cellphone ko gusto kong sabihin ang nangyari kila Alex at ganoon nga ang ginawa ko at dinamayan ako ni Alex makakaya ko daw ito basta tiwala lang pero maliban sa isa....
[Ang kulet mo anah? Sinabihan na kita Maeleen bakit ba ang kulet kulet mo?].Nagpipigil ng galit na sabi niya.
"Im sorry Zsayen! Hindi ko naman sinasadya eh".Mangiyak ngiyak kong saad sa kanya sa kabilang linya.
[ Sa kanya mo sabihin yan pag ok na ang lahat at hindi na mainit ang dugo niya sayo haysst nakaka badtrip kayo ]
"I love you too besbabe wag na magalit huhuhu"
[ Ewan ko sayo Besbabe ang panget nyong dalawa ni M labyuu too ]
Ganoon si Zsayen madali lang siyang magpatawad pero kapag sya na ang nagtampo asahan mo magdadasal ka pa sa mga santo para lang pansinin ka niya.
Napatitig ako sa kisame ni isa wala akong maisip kahit ano wala talaga parang gusto ko lang dumilat at tumitig sa kung saan. Nasasaktan parin ako kahit pinapagaan ng mga kaibigan ko ang loob ko. Kelangan ko na talagang gumawa ng paraan para maayos ito. Isang linggo lang M bigyan mo lang ako ng isang linggo aayusin ko lahat ng gulo sa pagitan natin asahan mo lahat ng salita mo susundin ko lahat lahat wala na akong itatago sayo. Aayusin ko lang ang sarili ko hahabulin kita kahit sa gitna pa yan ng ulan M. Mahal na mahal kita hanggang kamatayan kaya hindi kita kayang isuko nalang basta basta kelangan tuparin mo ang mga pangako mo sa akin. Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng antok at napagpasyahang matulog na lamang.
BINABASA MO ANG
I Love You Until I Die(COMPLETED)
RomanceMark Mateo De guzman/Gonzaga or M for short a handsome basketball player he is 16 years old na nagiisang mahal ng babaeng nag ngangalang.... Maeleen Gonzales a smart girl who break the heart of Mark Mateo Isa sila sa handang magpatunay na may forev...