Dedicated to ayrah_jeyn hahaha hi pam
M's POV
"Aray ko naman bayaw!"
Eh?
Napatingin ako sa baba ko nabangga ko ang isang bata na nasa edad na limang taong gulang medyo maliit ito
Napataas ang kilay ko dahil dun sa tawag niya sakin na "bayaw"
Natawa ako sa batang nasa baba ko kaya tinulungan ko itong tumayo
"Pasensya ka na bayaw hindi kita nakita eh ang liit mo kasi".Sabi ko habang natatawa pa
Inapakan niya ako....
Arayyyyy!!!
Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa niya tiningnan ko sya ulit at naka kunot din ang noo niya
Ang cute niyang tingnan napansin ko na may hawig sila ni Maeleen magkapatid ba sila?
"Sa susunod bayaw titingin ka muna sa baba mo para di mo ako nababangga".Sabi ni Bayaw ang cute ng boses niya
"Sige bayaw"
Nagtawanan kami ni bayaw ng biglang nagsalita si Maeleen
"MM kapatid ko nga pala si Miggy bayaw mo"
Nagkatinginan kami ni Miggy kuno at nag apir kami pakiramdam ko matagal na kami magkakilala
Magkasundo kasi agad kamiNg matapos kaming kumain niyaya akong maglaro ni Miggy ng jack n' poy
may dare kami kung sino matatalo tatanungin at kailangan sagutin ng totoo walang halong panloloko
Nagumpisa na kami unang bitaw palang talo ka agad ako shete kamote
"Pano ba yan bayaw? Eto ang tanong ko! mahal mo ba yung ate ko?".Tanong niya dahil siya ang nanalo
"Oo naman yes mahal na mahal".Sagot ko sabay kindat sa kanya
Napatingin naman ako kay Maeleen nakita ko itong nayuko kitang kita ko ang pisngi niya na namumula halatang kinikilig sa sinabi ko
At nagsimula ulit ang laro namin naka dalawang tabla kami bago pa may nanalo at sa kasamaang palad natalo nanaman ako
"Last na ito bayaw ang sama na ng tingin sakin ni Ate Sunget eh"
Napatingin naman ulit ako kay Maeleen ang sama nga ng tingin ni Maleen kay Miggy maya maya pa ay sinita na nito ang kapatid
"Sige miggy ikaw nalang makipag landian dyan sa boyfriend ko"
"Last na nga ate eh"
Tumingin naman sa akin si Maeleen at tinaasan ako ng kilay bago nagsalita
"Diyan ka nalang yumakap at humalik sa kapatid ko mas mahal mo ata yan eh"
"Tssk selosa pati kapatid pinagseselosan".Pabulong kong sabi para hindi niya marinig
"Anong ibinubulong bulong mo jan ah?".Tanong naman sakin ni Maeleen
"Sabi ko i love you kahit selosa ka".Pabulong kong Sagot sa kaniya habang ngingisi ngisi
"Ha?"
"Inulet!"
"Ano?"
"Sabi ko Mahal na mahal kita kahit bingi ka"
BINABASA MO ANG
I Love You Until I Die(COMPLETED)
RomanceMark Mateo De guzman/Gonzaga or M for short a handsome basketball player he is 16 years old na nagiisang mahal ng babaeng nag ngangalang.... Maeleen Gonzales a smart girl who break the heart of Mark Mateo Isa sila sa handang magpatunay na may forev...