M's POV
-1 week before-
Nasaktan ako ng sobra sa ginawa ko kay Maeleen hindi ko muna siya binigyan ng oras para magpaliwanag masyadong masasakit ang sinabi ko. Nakokonsensya ako pero siguro tama ang ginawa ko. Kailangan ko muna naming mag mature dahil masyado pa kaming bata kaya madali sa amin ang magkainitan siguro masyado pang bata ang mga isip namin. Alam kong nagkamali din ako sa mga sinabi ko hindi ko muna siya pinagpaliwanag. Kelangan ko munang mag pakalayo magiisip ako ng paraan kailangan pag balik ko.wala ng makakapigil sa pagmamahalan namin kahit selos pa yan o kung ano.
Kaya naman napag pasyahan kong taaagan si Coach tim para tanggapin na ang offer niya.
"Hello coach!"
[ oh Napatawag ka M?]
"Tinatanggap ko na po yung Offer nyo ni coach Erick"
At kung ano ano na ang sinabi niya ipahanda ko na daw yung passport ko kaya tinawagan ko si Mama at Papa. Pero may problema daw kaya agad akong pinauwi nila Mama after a hour daw .Kasi may tatawagan sila para sa passport ko.
Nagayos ako ng sarili bago umuwi sa amin kasi basang basa pa ako dahil sa nangyari kanina. parehas lang kaming may kasalanan ni Maeleen hindi ko muna siya pinagpaliwanag nagpadala ako sa galit ko kaya nagkaganito kami. Siguro kailangan muna naming maghiwalay at ihanda ang sarili kung sa mga sakuna na susubok sa pagmamahalan namin. Kailangan naming magmature.
Siguro ba tama ba ginawa ko?
Oo siguro hindi pa ito ang tamang panahon para magsama kami ng panghabang buhay konting mature pa siguro. Kaya kelangan kong lumipad papuntang U.S.A para magpakalalaki.
Nang matapos akong magbihis ay napagpasyahan ko ng umuwi naka ilang oras din akong nakatambay dito sa Park magmula ng iwan ko si Maeleen sa gitna ng ulan kanina.
Masakit man kung lalayo ako pero kailangan. Bahala na si U.S. tahimik lang akong nagpahatid sa taxi papunta sa bahay namin. Bahagya pa akong napapaluha kapag naaalala ko ang ginawa ko kanina.
Ilang minuto din ang inabot ng makarating ako sa tapat ng bahay namin. Napa buntong hininga muna ako bago pumasok sa loob.
Pagkapasok ko palang nadatnan ko sila Mama at Daddy na may kausap na lalaki. Nakatalikod ang lalaki sakin kaya hindi ko ito makilala. Nakangiti naman akong pumasok sa loob ng bahay namin.
Pero nawala ang ngiting ito ng unti unting humarap sa akin ang lalaking kausap nila Mama.
"Hey son"
"What the fuck are you doing here dad!".Pagtatanong ko ng may galit. Ano bang ginagawa ng lalaking ito dito?. Matapos niya kaming iwan may gana pa siyang magpakita sa amin.
"Anak wag kang ganyan makipag usap sa dad mo tatay mo parin siya".Ani ng Step Dad ko.
"Hindi ko tatay yan mag mula noong iwan niya kami ni Mama hindi ko na itinuring na tatay ang lalaking ito".Naluluha ako habang sinasabi ko ang mga salitang iyon.
"Im sorry son pagbigyan mo naman akong magpaliw---"
"Makakaalis ka na Dad wag ka na dumagdag sa problema ko".Pagputol ko sa sinasabi ng tatay ko at tumakbo ako paakyat ng kwarto at pumunta sa veranda para magisip.
Kung kelan ganito ang kalagayan ko tsaka pa siya magpapakita. Ano bang ginagawa ng lalaking yun dito. Kinalimutan ko na siya bilang ama. Matapos niya kaming iwan ni Mama babalik siya dito. Kung kelan may bago na akong ama na handa kaming protektahan ni Mama tsaka pa siya babalik gago ata ang lalaking yun eh.
BINABASA MO ANG
I Love You Until I Die(COMPLETED)
RomanceMark Mateo De guzman/Gonzaga or M for short a handsome basketball player he is 16 years old na nagiisang mahal ng babaeng nag ngangalang.... Maeleen Gonzales a smart girl who break the heart of Mark Mateo Isa sila sa handang magpatunay na may forev...