Chapter 19: One Shoot One kiss

51 8 0
                                    

(Chapter 19: One Shoot One kiss)

Maeleen's POV

Maaga akong nagising dahil nag set ako ng alarm Five sharp maaga daw kasi kaming aalis dahil medyo malayo pa ang lugar namin sa Star City

Halos mapatalon ako ng biglang tumunog ang aking cellphone kaagad ko naman iyong tiningnan at nagtaka ako dahil tumatawag Si M ang aga naman niyang tumawag kaya kaagad ko naman itong sinagot ng may pagtataka

"Good morning Honeypie".Sa tono ng boses nito ay malalaman mo na bagong gising palang ito at medyo humihikab pa siya

"Good morning din Babypie! Ang aga mo yatang nagising?".Tanong ko sa kanya narinig ko namang humikad ulit ito bago sumagot sa akin

"Gusto mo ba matulog ulit ako?".Pagbibiro niya natatawa pa siya sa kabilang linya umagang umaga mambubwisit agad

"Heh! Maghanda ka na beyb maaga tayong aalis baka dagsa ang mga tao ngayon Sa Star City weekend kasi eh".Paguutos at pagpapaliwanag ko sa kanya

"Psh! Sige eto na". I know he's smirking the i ended the call

At ganoon din ang ginawa ko pero bago ako maligo ay maghahanda muna ako ng almusal naming tatlo nagaral kasi ako magluto magmula noong nag abroad si Mama dahil napakadami nga naming utang dati kagaya nalang kila Dale yeah that bitch!

Pero ngayon naman ay umaayos na ang buhay namin wala na kaming mga utang at Umaasenso na ulit ang kompanya nila Papa salamat nalang sa pagtutulungan nilang dalawa ni Mama.

Kaagad akong pumunta ng kusina pero malayo pa man ako ay may naaamoy na akong pagkain na niluluto at ganun nalang ang pagkagulat ko ng nagluluto si Papa at si Miggy'ng makulet nakadungaw sa ginagawa ni Papa tinawag ko naman ang aking Ama at nagulat ito na gising na ako

"Papa ang aga nyo ata?".Tanong ko sa kanila

"Oh anak gising ka na pala sayang padadalhan pa sana kita kay Miggy ng pagkain".Sagot naman ni Papa at napangiti ako sa kanya iba talagang sumuporta si Papa kaya love na love namin toh eh

"Oo nga ate dadalhan pa sana kita".Sabi niya sa akin at ginulo ko ng ginulo ang buhok nito sa sobrang tuwa iba talaga kapag may mapagmahal na kapatid"basta ba may pasalubong ako galing Star City". And Vice Versa happens sinabunutan ko ito nung pagkasabi niya noon

Aba kaya pala biglang bumait nag aabang lang pala ng pasalubong salbahe toh ah gusto pala may kapalit
Kaya patuloy ko parin itong sinabunutan

"Aray ko naman ate!!! Baka wala ng lumapit na chix sakin pag nakalbo ako".Pagrereklamo niya habang sinasabunutan ko tinaasan ko lang siya ng kilay

Maya maya pa ay nagnagsimula na kaming kumain at dahil baka masuka ako sa rides kaya konti lang ang kinain ko eto namang kapatid ko inaasar ako na baka daw masukahan ko yung bayaw niya mamaya sa Star City binatukan ko siya dahil doon sa sinabi niya

Di nagtagal natapos na akong kumain kaya nagpaalam na ako sa dalawa na lalabas na ako upang antayin si M

Halos 10 minutes na wala parin si M kaya naisipan kong ilabas ang cellphone ko at hinanap ko ang app ko ng Musical.ly madalas akong nanonood ng mga video ng Musical.ly sa Youtube kaya na engganyo din akong gumawa din ng ganoong video ginagaya ko naman ang mga gesture ni Kyline Alcantara sya ang idol ko sa pag gawa ng Musical.ly Videos

Pumili naman ako ng kanta at ini edit ko iyon iniharap ko ang cellphone ko sa akin na para bang nag b-blog at nagsimula na akong mag video and after 15 seconds ibinaba ko ang cellphone

I Love You Until I Die(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon