Chapter 34: Break up

21 5 2
                                    

( M's POV)

-Earlier M's POV-

Nagising ako ng bigla nalamang tumunog ang phone ko ang aga aga may tumatawag.

Ng tingnan ko ito ay missed call nalang pero may naiwan ding mensahe. Wews sino naman kaya itong tumatawag sakin at nagtext.

Pagtingin ko ay Unknown number ito nagtaka naman ako. Baka nantitrip lang sa akin haha okaya mga fan girl ko sa school hahaha.

Pero ng binuksan at binasa ko ang text message lalo akong nagtaka dahil sa nakalagay dito sa mensahe

From Unknown number:

"Bantayan mo si Maeleen"

Nagtaka lalo ako bakit ko naman kelangan bantayan ang girlfriend ko eh tapa---

Hindi ko alam dahil bigla akong nakaramdam ng kaba , galit , at selos kung sino mang nagtext sakin nito ay siguradong may ipinapahiwatig siya tungkol kay Maeleen. Gulong gulo ang isip ko ano bang dapat kong gawin na C-curious ako sa text na natanggap ko dapat ko bang tingnan si Maeleen.

Tapat nga ba ang girlfriend ko sa akin?. Talaga bang sinusunod niya ang mga sinasabi ko? Bakit ko nararamdaman ito yung pakiramdam na niloloko ako bakit?.

Dala ng curiousity bumangon na agad ako sa aking higaan at ginawa ang Daily Routine ko. Nang matapos ako ay nagpaalam ako kay Mama at Daddy na pupunta lang ako kila Maeleen.

Habang nasa biyahe ako ay hindi ako mapakali at hindi ko iyon maipaliwanag kung bakit!

Nang makarating ang taxi na sinasakyan ko sa bahay ni Maeleen ay bababa na sana ako ng makita kong lalabas si Maeleen sa gate nila kaya dali dali ulit akong sumakay sa Taxi.

"Manong Wait lang ah pasakay ulit ako".Sabi ko sa Driver at tumango nalang ito bilang sagot sa akin.

Pinaatras ko ng konti si Manong para hindi kami makita ni Maeleen. Ni hindi man lang ito tumitingin sa gawi namin at mukhang nagaantay siya ng Taxi. Bihis na bihis siya tila may pupuntahan siyang date. Ito siguro ang tinutukoy nung nagtext na bantayan ko si Maeleen. Maya maya pa ay may nasakyan na si Maeleen na Taxi. At pinasundan ko naman ito sa driver ng taxi na sinasakyan ko.

Unang pumunta si Maeleen sa bangko kung saan sila kumukuha ng Pera i mean ng buong pamilya nila doon kumukuha ng pera kasi minsan na niya akong isama duon at naikwento din niya saakin.

Nagmamadaling sumakay si Maeleen sa Taxi na sinakyan niya kanina at umalis na din ito kaagad. Sinusundan ko parin si Maeleen at wala akong balak magpakita sa kanya babantayan ko lang siya baka naman inutusan lang siya ng Papa niya na bumili kung saan man siya bababa.

Ilang mintong kakasunod kay Maeleen ay dinala ako nito sa Mall dito sa Lugar namin.

Ano naman kayang bibilhin niya dito sa Mall?

Nagbayad na ako kay Manong at bumaba na ako sa Taxi para sundan si Maeleen. Pero nawala siya sa paningin ko dahil nauna siyang bumaba sa akin.

Ilang beses din akong nagikot hanggang sa may namataan akong isang pamilyar na pamilyar na mukha sa akin at hindi ko maipaliwanag ang galit na nabuhay sa katawang tao ko.

Nakangiti pa siya sa akin na tila demonyo. Hanggang tumingin siya sa kaliwa niya habang nakangiti parin at napatingin din ako sa tinitingnan niya at mas lalong nabuhay ang galit sa akin.

Bakit sila magkasama?
Palihim ba silang nagkikita?
Nasasaktan ako.

Napatingin naman ako doon ulit sa kanya pero wala na siya kaya ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Maeleen na ngayon ay kasama ni Israel magkasama sila sa Starbucks.

I Love You Until I Die(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon