"Dito lang po manong." Pagpapatigil ko sa motor na sinasakyan namin ni Aira.
Kaagad naman kaming nagbayad at bumaba na roon. I saw Aira grinned when were already standing infront of the jollibee. Her favorite fastfood chain.
"Para kang baliw diyan sa kakangiti." Ani ko.
Sumimangot naman siya sa sinabi ko at inirapan lang ako bago niya hatakin ang braso ko papasok sa loob. She's really eager to eat.
We went to a two seater table then sat there. And since, malapit lang sa counter ang upuan namin, napagdesidyonan ni Aira na siya na lang ang umorder.
Tumayo na siya at pumunta na sa counter na walang tao.
All the time, her head was down dahil sa cellphone lang siya nakatingin kaya hindi pa niya nakikita ang gwapong lalaki sa harapan niya.
She was about to order something pero natahimik siya ng makita ang lalaki sa counter dahil sa pag angat niya ng tingin.
"May I take your order, ma'am?" Nakangiting tanong ng gwapong lalaki sa counter.
She looks dazed and amazed at the same time. Ganito talaga to pag nakakakita ng gwapo.
"Dalawang chikinini please..."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. What the fuck Aira!
"Pardon, ma'am?"
"I-i mean, two chicken burgers." Medyo napahiyang sagot niya dito.
Mabuti na lang at mukhang walang paki ang ibang tao sa kapaligiran nila at hindi nila narinig ang sinabi ng kaibigan ko. Baliw talaga to!
Narinig ko ang pagtanong ulit sakaniya ng lalaki sa counter kung may iba pa siyang o-orderin. Mabuti na lang at tama na lahat ng sinabi niya.
She went to our seats with the two burgers that she ordered first. Namumula ang pisngi niya.
Tinawanan ko lamang siya habang sapo sapo ang tiyan ko na sumasakit na dahil sa kakatawa.
Sinamaan niya lang ako ng tingin hanggang sa makarating ang inorder namin.
"Stop laughing, bitch." Aniya habang nakahalukipkip.
Hangang ngayon pinipigil ko parin ang matawa dahil sa nangyari sa kaniya.
"Moira!" Naiinis na ang tono niya.
"I'm sorry. I just can't get over. Sana nga nakuhanan kita ng video."
Naiinis pa rin siya sa'kin pero nag umpisa na kaming kumain. We both were having a great conversation when I saw someone familiar enter at the fast food chain in my peripheral vision. Nabulunan naman ako dahil doon.
Nagtataka akong tiningnan ni Aira at binigyan ako ng coke. "O, ba't nabulunan ka na diyan?" Tanong niya.
Nang makabawi ako, ininguso ko ang lalaking naka pamulsa at nakasuot ng reading glasses habang nakalinya sa may counter.
"Si Clyde!" Ani ko.
Nanlaki naman ang mga mata niyang nilingon ito. Tamang tama naman na napalingon rin samin si Clyde at tumama ang mga mata namin.
"Clyde! Bruh!" Tawag ni Aira dito habang binibigyan ako ng mapanuksong tingin na ikinamula ko.
Ngumiti naman ito kay Aira at ibinalik ang tingin sa'kin. Kaagad ko namang iniwas ang tingin dito dahil sa intensidad na nakikita ko roon.
"Here's the money, miss." Rinig ko ang boses niyang baritono.
I was distracted when I felt my phone vibrated from my purse. Kaagad ko naman itong kinuha mula roon at tiningnan kung sino ang tumawag o nag text kaya hindi ko namalayan ang paglapit sa'min ni Clyde.
BINABASA MO ANG
Fall Into Places (Into Trilogy #1)
General FictionMoiranelle Khaleesi Kingsley is a model student, a perfect daughter, and the understanding friend that everyone wants. With her sultry manners and perfectionism sa lahat ng mga bagay, she has become the apple of their eye. Everyone knew her and her...
