Naiinis na kinuha ko ang isang unan ko at inilagay ito sa may bandang tenga ko dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ko.
Kanina pa may kumakatok sa labas ng pintuan ng kwarto ko pero pagod na pagod pa rin ako at gusto ko pang matulog.
Mas idiniin ko pa ang unan sa tenga ko at naiinis na sumigaw sa taong umiistorbo sa pahinga ko.
"What?!"
Ilang sandali pa'y tumigil na ang mga katok at may pumihit ng pintuan para bumukas.
Padaskol ko namang kinuha ang unan na nakatabing sa'kin para ibato sana sa taong pumasok ng walang pahintulot.
Napatigil lang ako at naestatwa ng mabungaran si Aira na nakanguso habang nasa likod niya si Ianthe na parang natatakot pang lumapit sa'kin.
"What are you, two, doing here?" Walang gana kong tanong bago bumalik mula sa pagkakahiga.
"Talk to Ianthe, Moira." Aira said with finality.
I sighed. "Ano naman ang pag-uusapan namin? I thought that I was already clear sa sinabi ko noon na—"
"Oh, just fucking shut up, Moira. Sinasabi mo lang iyan dahil sa pride mo. But I know deep inside you really missed Ianthe. Huwag ka ng pabebe."
Tiningnan ko siya at inirapan bago tinanguan.
Iminuwestra ko naman ang kamay ko sa pintuan habang nakatingin sakaniya.
"What?" Naguguluhan niyang tanong.
I rolled my eyes again. "Go out you fool. Kung gusto mong mag usap kami ay lumabas ka na. I want some privacy."
Itinirik niya naman ang mata at kaagad namang lumabas ng kwarto. Bago pa siya lumabas ay binelatan niya muna ako na parang bata.
Now, Me and Ianthe was the only one left inside my room.
"So..." panimula ko dahil sa sobrang tahimik namin.
Swerte niya at hindi na ako masyadong niinis sakaniya kagaya noon.
I raised a brow at her. "You want to say something?"
She just but her lip while playing with her hands. Mabuti pa siya, bihis na bihis na. Samantalang ako, ni hindi nakapagtoothbrush o nakapasok lamang sa banyo para mag ayos. Sinugod kaagad ako ng dalawang baliw na to.
"I'm sorry..." she whispered.
"Pardon?" Hindi ko kasi marinig yong sinasabi niya.
Bumuntong hininga naman siya bago lumapit sa higaan ko at umupo doon.
"I'm sorry, Aira." She breathe. "Alam kong mali ako. I was already too below the belt. And I didn't trust you nor Aira. I feel awful upon realizing those things. Napaka-immature ko. I'm really sorry for ruining our friendship."
Hindi ako nagtangkang magsalita kaya't napabuntong hininga na lang siya bago tumayo at nagtangkang lumabas ng silid pero kaagad ko siyang tinawag na ikinatigil at ikinalingon niya.
Nakapaskil pa rin ang sakit sa kaniyang mg mata pero mas kita roon ang pagtataka.
"Come here and sit." Ani ko.
Lumapit naman siya sa'kin at umupo sa harapan ko.
Rinig ko naman ang pagsinghap niya ng bigla ko siyang hapitin para sa isang yakap.
"Moira!" Sigaw niya dahil sa pagkabigla.
Yumakap lang ako sakaniya ng mariin. Namiss ko ang kaibigan ko but I still need time to think things through.
BINABASA MO ANG
Fall Into Places (Into Trilogy #1)
Fiction généraleMoiranelle Khaleesi Kingsley is a model student, a perfect daughter, and the understanding friend that everyone wants. With her sultry manners and perfectionism sa lahat ng mga bagay, she has become the apple of their eye. Everyone knew her and her...