"O, ba't parang nakakita kayo ng multo?" Natatawang pahayag ng taong kadarating lamang.
I'm still a little bit shock dahil sa biglang pagbisita niya sa'min since ibinalita niya lang sa'kin kagabe na babalik siya dito sa susunod na taon para mag-aral.
Naunang nakabawi mula sa pagkabigla si Ianthe habang tutup-tutop ang ang nakaawang na labi.
"P-paanong?"
Ngumisi lang siya sa amin habang unti-unting humakbang patungo sa kinalalagyan namin.
"Bakit? Bawal na ba akong bumisita rito?" May nga naglalarong ngiti sa kaniyang labi.
Tuluyan na siyang nakalapit sa amin at naunang pinisil ang pisngi ni Ianthe na hindi pa rin makabawi mula sa pagkabigla.
"Bakit parang maaga ka yata dito?" Tanong ko ng makabawi.
Inalis niya ang tingin kay Ianthe at ibinaling ito sa'kin. Deretso lang ang kaniyang mga mata sa'kin and I can see the hint of sadness in it. Now I know why she went here this early.
Ngumiti siya sa'kin pero alam kong nakikinita niya na, na alam kong may problema siya. She won't go here this early kung bibisita lang siya. Usually ay mga dapit hapon siyang pumupunta dito.
"Wala naman. Nabo-bored na kasi ako sa bahay eh, tapos nai-excite lang ako na mag-aral ulit dito. You know me, dude." She chuckled.
I can sense what she feels.
"Aira!"
Napaigtad ako ng may sumigaw sa likuran ko. I know their voices. Chrisline and George.
Ngumiti naman ito sakanila at sinalubong ang mga yakap nila. Natawa ako ng muntik ng mawalan ng balanse si Aira ng dahil sa pagkabigla.
"Sa wakas naman at naisipan mo ring bumisita dito!" Parang nanay na sinasabihan ni Chrisline si Aira na napakamot na lang sa ulo.
"I went here last month pero busy kayo kaya si Moira na lang ang napuntahan ko..." paliwanag niya.
Hindi ko naman mapigilang mapa lunok ng unti-unting lumingon sa'kin si Chrisline habang nakahalukipkip at nakanguso. I don't know pero kahit siya ang ikalawang pinakamatanda sa amin siya rin ang pinakamaliit. We always think of her as our big sister and a mother dahil siya rin ang pinakamatured mag isip samin. She always give me advices kapag namomroblema ako at malapit nang ma depress.
"Explain." She said dominantly.
I sigh and shrugged. Really? I have nothing to explain 'cause Aira already said the reason.
"Nasabi niya na," turo ko sa kaibigang bumisita.
Nakahalukipkip pa rin siya at seryosong nakatingin sa'kin. "It's not enough. I want your reason, hindi mo man lang sinabi sa amin."
Hindi ko nanaman mapigilang bumuntong hininga. I think may nagpakin ng tsokolate kay Chrisline. She won't be this persistence kung hindi siya hyper.
I gave her a loop-sided smile. "Well, nawala na rin kasi sa isip ko na sabihin sa inyo ang pagbisita niya," turo ko kay Aira. "Since we're all busy." I explained casually.
Ilang sandali pa'y sumabad na sa usapan namin si George na nakasimangot. Tumawa ako ng ma isip ko na kanina pa pala siya namin hindi napapansin. He's out of place. Parang ako lang palagi sa kanila kapag magkasama sila nila Ianthe.
I smiled bitterly. Kapag talaga sumasagi sa isip ko ang mga ganoong memorya hindi ko parin mapigilang masaktan. I know, napakababaw nito pero I can't help it. I have my own grudges and doubts to them kahit na matatalik ko silang kaibigan. That is why I'm so excited na mag aral na ulit dito si Aira since parehos kami ng course.
"Ba't parang bigla ka yatang natahimik diyan, Moira?" Tanong ni Ianthe na nagpabalik sa'kin sa reyalidad.
Umiling-iling naman ako at ngumiti. Though, it didn't reached my eyes. "Wala, may na-isip lang ako."
Sumapit ang gabi at namahinga na ang inang araw. Kasama ko ngayon sa kwarto ko sina Aira at Ianthe. Napagdesisyonan naming dito na silang dalawa matulog para makapag-usap naman kaming tatlo ng nga bagay bagay.
"Ianthe."
Nilingon naman kami ni Ianthe na may sinusulat sa study table ko.
"Yes?" Nakakunot ang kaniyang noo.
Aira patted the space between us. Nakaupo kami sa kama ko habang kumakain ng snacks na ibinigay ni nanay sa amin.
"I'm still doing my homewo-"
"Just shup up and sit here." Aira said firmly.
Ianthe sighed and closed her notebook before standing up and went to the space that we provided for her then sat there.
"What?" I can sense the annoyance within her voice.
Natawa na lang kaming dalawa ni Aira dahil alam naming ayaw na ayaw ni Ianthe na iniistorbo siya kapag may assignments or projects siyang ginagawa.
"Sabihin mo sa'min kung ano ang ang nangyari kanina sa music room ng umalis ako?"
She chuckled nervously bago iniwas ang tingin. "I told you, nainis lang ako dahil sa paglalampungan nila. Kita nilang may tao silang kasama tapos mag gaganon sila."
Nagkatinginan kami ni Aira. She's really lying.
"Hmm, hindi kaya... nagseselos ka lang?"
Aira's question made Ianthe caught off guard. Sabi na nga ba.
Kung saan saan niya na ibinabaling ang nga tingin niya ang I can see the sweats forming unto her forehead.
"H-ha? Hindi ah. Bakit naman ako magseselos?" Tumawa siya.
Nagseryoso na ako at humalukipkip.
"Tell us the truth, Ianthe Paige Villarosa. You won't like it kapag nagalit kami sa'yo dahil sa pagtatago mo ng nararamdaman mo." Ani ko.
Umiling naman siya at yumuko para maiwas ang mga mata sa'min.
Napabuntong hininga naman si Aira.
"You know that you can always tell us the truth, Ianthe. Are you still doubting us? Don't you trust us?"
Nanghina ako sa mga tanong ni Aira kay Ianthe. I don't know but somehow, parang tinamaan ako sa mga tanong niya mismo kay Ianthe. I honestly lost my trust to the people around me when my first bestfriend left me without anything to answer my questions. He just left me hanging there, finding answers that I can't seem to find.
Pero hindi na ako ang taong iyon ngayon.
"No..."
We just stayed silent. Waiting for Ianthe's answers.
"Tama kayo. Nagseselos ako. Hindi niyo naman ako masisisi diba? I'm still a human after all and he played with my feelings. Ang sakit isiping laruan lang ako para sa kaniya..."
Unti-unting gumalaw ang nga balikat ni Ianthe. Umiiyak na siya.
"I don't know what happened there earlier. I feel betrayed kahit na hindi naman dapat. Ang sakit dito eh," she punched her chest. "Ang sakit sakit."
Pinigilan namin siya ni Aira sa pagsuntok sa sarili niya. This is the worst part of Ianthe kapag nasasaktan. She's always hurting herself kaya dapat na bantayan siya palagi.
"I don't them to see making out. I just want them to stop kasi nakakabastos na sila. And I was jealous and furious! Hindi ko na alam ang nangyari. Pumasok na lang bigla sa isip ko ang mga panlulukong ginawa sa'kin ni Luke. I love him, alam niyo 'yon matagal na. Kung pwede ko lang sanang ibaling ang pagtingin ko sa iba gagawin ko para hindi na ako masaktan ng ganito. Ang sakit sakit na eh. Ang sakit!"
Nakakuyom na ang kaniyang mga kamao habang patuloy parin sa panginginig ang mga balikat dahil sa pag iyak.
We never dared to talk. We just listened to her. Alam naming masakit ito ngayon sa kaibigan namin pero alam naming magiging okay rin siya sa tamang panahon kapag nakita niya na ang lalaking karapat-dapat sakaniya. Not some asshole like Luke.
"You deserve someone more than him."
STONE MIKAELSON
BINABASA MO ANG
Fall Into Places (Into Trilogy #1)
Ficción GeneralMoiranelle Khaleesi Kingsley is a model student, a perfect daughter, and the understanding friend that everyone wants. With her sultry manners and perfectionism sa lahat ng mga bagay, she has become the apple of their eye. Everyone knew her and her...