It was a nice day.
Ramdam ko ang kaginhawaan na daladala ng hangin na humahamplos sa balat ko. The busy streets were in my view. Malawak at mataas ang lugar kung nasaan ako pero wala akong katiting na takot na nararamdaman.
I'm used to this place, of course. This view. This is almost my second home dahil sa hindi ko mapigilan na magpaka-workaholic
Maybe, isa ito sa mga ways ko para malimutan lahat ng mga nangyari. Those disgusting experiences and memories that I hope I'll forget. But fate itself likes to play with me and my emotions na hanggang ngayon ay bumabalik parin sa'kin ang lahat kahit na anong pigil ko.
Instead of running from it, I completely embraced it. Even if it'll turn me into someone who's heartless.
"Madam, Miss Lorraine is here."
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko kahit na narinig ko ang boses ng assistant ko sa intercom.
Hinaplos ko ang railings na sinasandalan ko bago ako huminga ng malalim. I love the coldness of the breeze. Kinakalma nito ang puso't isipan ko. Therapeutic para sa'kin ang makalanghap ng sariwang hangin. Siguro, pupunta ako sa isa kong beach house kapag natapos ko na ang nga appointments ko this month. I want to fucking rest.
"Madam?"
Umalis ako sa pagkakasandal sa railing at pumasok na sa loob ng opisina ko. I sat on my swivel chair before pressing the button of my intercom.
"Let her in," I said coldly.
Isinuot ko ang reading glasses ko at kinuha ko ang mga papeles na dapat ko pang i-check. Pepermahan ko pa ang mga dapat i-approve. I want the stocks to be consistent, but I also want to be at the top.
Bumukas ang pintuan, then I heard the sound of heels entering my office. Hindi na ako nag-abala pang i-angat ang tingin ko.
"Miss CEO, hello!" She greeted me.
Umupo siya sa upuan na nasa harapan ng desk ko at biglang ipinatong ang kamay sa ibabaw nito. Inangat ko ang tingin at binigyan siya ng matalim na tingin.
Ngumiti naman siya sa'kin at inalis na ang kamay sa ibabaw ng desk ko. She did a peace sign na ikinairap ko.
"Bakit ka nandito? You should be in school." Malamig kong ani bago ibinalik ang atensyon sa binabasang papeles.
May nakita pa akong typo sa isang papers. The fuck? Are they serious? Hindi na nga maganda ang nilalaman nito tapos bibigyan pa ako nila ng hindi perpektong papeles na sinabi pa nilang importante. Fuck them!
"Wala kaming klase, but I need to ask you something."
"What?"
"Who's Clyde Jacob Deogracia and Klyne Eros delos Santos?"
Natigilan ako nang marinig ko ang mga nabanggit niyang pangalan. Mabilis kong inangat ang tingin sa kanya pero mas lalo lamang lumawak ang pagkakangiti niya sa'kin na parang hindi manlang siya apektado sa kalamigan ko.
Binitawan ko ang papeles na hawak. Hinubad ko ang reading glasses na suot at tiningnan siya ng blanko.
"Where did you heard those names?"
"Sa tabi-tabi lang-"
"Lorraine Keziah," I said in a warning tone.
Nawala naman ang ngiti sa labi niya. She unconsciously bit her lip.
"I won't ask twice." Mas lalo kong pinalamig ang boses ko.
I am not easily angered but fuck, when I heard those fucking names, parang sinisiliban ako ng init dahil sa galit. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang mga pangalan na iyon, I wanna know.
"Sa s-school."
"How?"
"Kilala ka ng mga tao doon. Tapos hindi naman nila alam na-"
"Stop spouting nonsense. Be straight to the point." Nakita ko ang takot sa mga mata niya noong tumayo ako mula sa kinauupuan ko.
Iniwas niya ang tingin at huminga ng malalim.
"Meron akong teacher na kaklase mo raw noon. Then meron rin akong kaklase na kapatid ng old friend mo. They told me about you, about how the great Moiranelle Khaleesi was far from cold and heartless noon. They told me that you were sweet and kind back then. Siguro sinabi nila sa'kin dahil nakita ako ng kaklase ko na tinititigan ang isa mong trophy. They thought that I was curious about you."
Tumalikod ako at hinintay lang na dugtungan niya ang eksplenasyon niya.
"After that, they mentioned Clyde Jacob Deogracia na sikat rin daw sa batch niyo. Sabi nila close raw kayong dalawa."
Humarap ako sa window glass pane ng opisina ko. Like what I did earlier, I looked down, only to see busy people walking, and busy cars along the roads.
"How did you know about the other name." I will never mention their stupid names.
"I... Uhm... I met him at school." Rinig ko ma gumalaw ang upuan niya. "Kilala niya ako. Kinausap niya ako tungkol sa'yo. Gusto ka raw niyang makausap."
I chuckled sarcastically. Nilingon ko siya at binigyan ng mapaglarong tingin.
"Anong sinabi niya sa'yo?"
Kitang-kita sa mukha niya na nabigla siya sa ginawa kong pagtawa at ngiti. Isang taon pa lang niya akong nakakasama pero alam kong bihira niya lang akong makitang ganito. Since the day that I took my position as the CEO and chairman of this company, hindi ko pa siya masyadong nabibigyan ng atensyon. Babawi rin naman ako, hindi pa nga lang ngayon.
Lumunok siya. "He wants to offer a business deal with you..."
I licked my lips before slightly nodding at her response. Bumalik na ako sa pagkakaupo ko sa swivel chair ko.
"If he wants to have business with me, then fine."
This time, ako naman ang kokontrol sa lahat ng sitwasyon. Kung gusto nanaman niyang makipaglaro, then I'm fine with it. Kailangan ko naman siya para sa mga plano ko na mukhang mapapa-aga. But nevertheless, my anger is satisfied for now. I'm still famished for justice, but I need to be patient.
Nanlalaki ang mga mata ni Lorraine sa'kin na parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula sa'kin.
"Kilala mo talaga siya?" She asked curiously.
I smiled at her knowingly bago ko kinuha ang bag ko. Tumayo ako noong maayos ko na ang laman nito at naglakad paharap sa kanya.
"Are you hungry? Let's have some snacks."
Nawala naman ang kuryusidad sa mga mata niya at napalitan ito ng kasiyahan. Nabigla siguro siya na ako ngayon ang nag offer na kumain kami. I'm always busy but I'll always make time for her. And also, it was effective. Hindi na siya nagtanong pa.
Hinawakan ko siya sa braso niya at pinatayo. Inayos ko ang medyo nagulo niyang uniform. She's neat and clean pero ayaw ko lang talaga makakita ng hindi maayos kahit na maliit na bagay lang.
She crooked her head sideways. Tinitingnan ang mga papeles na hawak ko kanina.
"Okay lang ba na umalis tayo? Paano ang trabaho mo?"
"Leave it. Babalikan ko iyan mamaya. Let's go."
Hinatak ko na siya at sumunod naman siya sa'kin.
I gave some important instructions sa assistant ko bago kami sumakay ng elevator.
Hindi ko mapigilan na mapangitk habang hinihintay namin ang ground floor kung nasaan ang sasakyan ko. Hinaplos ko ang kamay ko, slightly feeling a little tension there.
I hope that he's ready because I'll surely come for him and that man. Now that my plans are falling into their rightful places, hindi na ako titigil pa. Maybe I was weak before but not anymore. I'll show them who I am now. Makikita nila... Makikita nila...

BINABASA MO ANG
Fall Into Places (Into Trilogy #1)
General FictionMoiranelle Khaleesi Kingsley is a model student, a perfect daughter, and the understanding friend that everyone wants. With her sultry manners and perfectionism sa lahat ng mga bagay, she has become the apple of their eye. Everyone knew her and her...