Mabilis akong naglakad para maiwasan siya. I really don't want to be associated with him anymore. Lalo na noong parang wala lang ako sakaniya na itinapon niya at pinutol niya ang panliligaw sa'kin.
"Moira, let me explain please..." samo niyo.
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang paglalakad hanggang sa marating ko ang classroom ko. Doon niya lang ako tinigilan, nakita ko pa ang pagsabunot niya sa buhok noya na parang frustrated siya sa lahat bago tumlikod at umalis. It's a good thing because until the clock stroked at lunch ay hindi ko nakita ang presensya niya.
Sumapit naman ang dapit hapon, habang naglakakad ako pauwi sa bahay ni Ianthe ay may namataan akong isang pamilyar na sasakyan na nilagpasan ako.
"Parang kay Aira 'yon ah..."
Mabilis naman akong naglakad papunta sa bahay ni Ianthe at tama nga ang hinala ko, it was Aira's.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita ko silang dalawan na nag uusap sa sofa habang may kinakain silang chips na nasa maliit na mesa.
"Aira!"
Sabay naman silang napalingon sa'kin. Nang makita ako ni Aira ay kaagad naman siyang tumayo at mabilis akong niyakap. "Bish!"
"Matagal tagal na rin noong bumisita ka rito,"
Napakamot naman ito ng ulo. "Well, sorry, busy lang kasi eh. May inaasikaso lang na mga papeles para sa pagpunta ko sa ibang bansa."
Napakunot naman ang noo ko. "Ibang bansa? Bakit? Saan ka ba pupunta? Para ba 'yan sa paparating na bakasyon o school stuffs?"
"I–I'm leaving this year..." iniwas niya ang tingin.
"What?" What the fuck?
"Inaasikaso namin ni mama ang papeles ko para sa permanenting pagtira ko doon at para sa bagong eskwelahan ko."
Natahimik naman ako doon. Nakikinig lang sa'min si Ianthe ng tahimik habang may bahid ng kalungkutan ang ekspresyong nakaukit sa kanyang mukha.
Aira chuckled at hinampas ako sa braso ko. "Ano ka ba, Moira? It's okay. Bibisita rin naman ako dito at meron pang internet, dude, baka nakakalimutan mo."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kahit nakakalungkot ang balitang sinabi niya ay nagagawa niya pa ring padayahin ang kapaligiran. She won't be Aira is she can't and couldn't.
"Baliw, syempre hindi ko nakalimutan."
Umirap lang siya sa hangin at tumawa. "Paano maging bobo?"
Lumapit na kami sa sofa at umupo roon. Pumunta naman sa kusina si Ianthe ara handaan kami ng hot choco. I can't help but smile, we're slowly getting back our ruined friendship. Isang buwan na lang, graduation na namin, hindi na ako makapaghintay na gumraduate at mag college na.
"Thanks," ani ko ng mailapag na ni Ianthe sa harapan namin ang tsokolate.
Hindi ko mapigilang mapaisip. Ngayong sirang sira na ang pamilya ko, hindi ko maisip kung saan ako makakakuha ng pang college ko dahil wala na rin akong suporta ni papa. Hindi rin naman kasi ako pinalaking gastador so marami na rin naman akong naipon but it's not enough to support my school expenses. My dad's rich but I don't want to have connections with him anymore, neither my mother.
Maybe I won't be taking medicine this year, it takes a lot of money para sa course na gusto kong kunin at wala pa akong trabaho na mapagkukunan ko ng mga pangangailangan ko para sa pan araw araw. Swerte ko na nga na si Ianthe na lahat ang gumagastos dito sa bahay niya at siya pa ang gumagastos ng mga kinakain namin, hindi ko na rin maiwasang mahiya sakaniya pero sinasabi niya lang sa'kin na huwag akong mahiya at mag-alala. She came prominent family and they're rich. Money is not a problem for her, lalo na kay Aira. She came from a japanese blood and kahit hindi pa siya japanese, her mother's family is rich too.
"Kamusta na nga pala kayo ni Clyde?"
Kaagad ko nanamang naalala ang nangyari kanina.
"Don't speak bad words, Aira." Naiinis kong sagot.
Tinaasan niya naman ako ng kilay bago uminom ng hot choco. "Anong bad words diyan ang pinagsasabi mo? Bakit, may nangyari ba?"
"Itinigil niya na ang panliligaw sa'kin." I bitterly replied.
Kita ko ang gulat na bumalatay sa mukha ni Aira dahil sa sinabi ko. Well, who wouldn't be shocked?
"Bakit? Binasted mo ba siya?"
"It's the other way around, Aira." Si Ianthe na ang sumagot para sa'kin.
"Ikuwento mo."
"It's a long story."
"Then make it short, duh? I have all the time until sa sunday. Meron ka pang ikukuwento tungkol kay tita at kung bakit dito ka nakatira ngayon kay Ianthe. Dito ako matutulog since thursday ngayon at wala kaming klase bukas." Biglang sumeryoso ang boses niya.
"I'm too tired to think of those stupid memories again and tell it to you."
"Then si Ianthe na lang ang pakukuwentuhin ko. Sounds good, right?"
I sigh. She's being stubborn again.
So, Ianthe told her the story behind my bitterness towards the mention of Clyde's name. Hindi ko mapigilang mapairap at mapaingos. A stupid story to share and tell.
"Mabuti ngang hindi na kayo nagkatuluyan eh mag be-break rin naman kayo. Advance kasi akong mag-isip."
I rolled my eyes then sigh. Too stubborn.
"Madilim na pala, di ko namalayan ha. Tara, Ianthe, magluto tayo ng hapunan natin. Kukunin ko lang iyong mga pinamili kong snacks at ang mga gamit ko sa sasakyan. Be right back."
Mabilis naman siyang kumaripas ng takbo papunta sa sasakyan niya. Narinig ko pa ang pag andar mg sasakyan niya, baka ipinasok niya lang sa garahe ng bahay ni Ianthe ang sasakyan niya. Even though walang sasakyan si Ianthe, pinagawan pa rin ng mga magulang niya ng garahe ang bahay niya para sa sasakyan nila kapag bumibisita sila sa anak nila.
"Tara na, Moira?"
Tiningnan ko naman si Ianthe na tinawag ako. Ngumiti lang ako sakanya at sumunod papunta sa kusina. I know na marami nanaman ang lulutuin nilang dalawa ni Aira. Parang buffet. Ganito kasi sila palagi kapag nagluluto ng magkasama, kahit tatlo lang kami parang isang dosena ang papakainin nila. Mga baliw kasi. Ako lang naman ang tagatikim nila since hindi naman kasi ako masyadong magaling magluto kagaya nila.
"O, tara, luto na tayo."
Mabilis na nakasunod sa'min si Aira. She's holding a three big plastic bags na alam kong puro mga recipe ng pagkain at snacks.
Hindi ko namang mapigilang mapangiti. A real and sincere one. Having this friends of mine is more than enough for me. Maliit man o malaki ang bilang ng nga taong itinuturing kong pamilya, they're more than enough for me. They are more than the people who treated me less than them.
STONE MIKAELSON
BINABASA MO ANG
Fall Into Places (Into Trilogy #1)
General FictionMoiranelle Khaleesi Kingsley is a model student, a perfect daughter, and the understanding friend that everyone wants. With her sultry manners and perfectionism sa lahat ng mga bagay, she has become the apple of their eye. Everyone knew her and her...